Chapter Twenty Nine

400K 8.5K 1K
                                    

TWENTY NINE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Hindi pa ba gising ang ibang boys?" Tanong ni Din kay Symon pagkababa nito. Hawak-hawak n'ya ang ulo n'ya na marahil ay sumasakit dahil sa hangover. Marami rin kasing nainom si Symon pero mas maraming nainom ang ibang boys kesa sa kanya.

"Hindi pa." Kaswal n'yang sagot sa Ate n'ya.

"Drink that, it's effective." Sabi ni Din sa kapatid sabay lapag ng isang tabletang gamot sa harapan nito. Tumango lamang si Symon at tsaka iyon ininom.

"Ang saya kagabi, ang hihina ng mga boys. Nalasing agad!" Natatawang sabi ni Felice. Nasa harapan kami ngayon ng lamesa at nag-bebreakfast. Sina Din, Jeorge, Felice at Rissa ang mga kasama ko matulog. Hindi kasi hinayaan ni Tita Freen na matulog ang mga boys sa kwarto namin kaya sa kabilang room sila natulog. Tulog pa rin sina Axcel, Shaun, Xander, at Travis. Sila kasi ang maraming nainom kagabi kaya mga tulog pa sila.  Umuwi naman sina Rhalp, Jomskie, Vlad, Allen at Alex kagabi. Mayroon daw kasi silang pupuntahan at hindi sila pwede. Si Aivan naman ay maagang pumunta sa bukid para i-assist ang mga manggagawa ng Rancho.

"Heena, bukas na kayo umuwi ah? Saturday lang naman ngayon." Sabi sa amin ni Din. Tumango lamang ako at ganoon din si Jeorge at Felice.

Huminga ako nang malalim ng maalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko na kinausap pa si Axcel pagkatapos naming mag-usap kagabi. Ayokong mag-away kami lalo na't birthday niya at ayokong masira iyon ng dahil lang sa akin.

Tahimik lang kaming kumakain dahil pare-pareho kaming may mga hang-over pa. Hindi naman ako gaanong nalasing dahil hindi ako masyadong nag-inom kagabi.

Nang matapos kaming mag-agahan ay napagpasyahan naming lumabas at maglibot sa kabuuan ng Rancho. Hindi pa naman gaanong mainit dahil alas-sais pa lang naman ng umaga.

"Ang laki talaga ng Rancho?" Sabi sa akin ni Jeorge habang tinatanaw ang malawak na lupain ng mga Montemayor. Tumango naman ako sa sinabi n'ya.

"Kaya walang duda na isa sila sa kinikilala sa buong Pilipinas pagdating sa business world." Saad ko. Isa kasi ang mga Montemayor Empire sa supplier ng mga gulay, karne, prutas at iba pa sa buong Luzon. Halos 45% ng mga supply ng gulay at karne at sa kanila nanggagaling.

"Gusto n'yo mangabayo para malibot natin ang Rancho?" Tanong sa amin ni Din. Sumang-ayon naman agad si Jeorge, Felice at Rissa pero ako hindi.

"Hindi ako marunong." Sabi ko sa kanila. Magsasalita pa sana si Din nang may biglang magsalita sa may likuran ko.

"Ride with me." Sabi nang baritong boses sa may likuran ko. Agad akong napalingon at nasalubong ko ang seryoso n'yang mukha.

"Hindi na, ayos lang ako." Sagot ko sa kanya sabay ngiti.

"Ano ka ba, Heena! H'wag ka nang umarte d'yan! Sige na Sy, isakay mo na siya kay Felix." Sabi ni Din at tsaka sila nagmadaling pumunta sa mga kwadra ng mga kabayo. Magsasalita pa sana ako nang magsalita na ulit si Symon.

"Tara." Sabi ni Symon at tsaka ako nilagpasan. Huminga lamang ako ng malalim.

Gusto ko rin kasing malibot ang kabuuan ng Rancho De Montemayor at baka magsisi lamang ako kung papalagpasin ko ang pagkakataong ito.

"Here, come Felix." Sabi ni Symon sa kulay itim na kabayo habang pinapalabas ito sa kwadra nito. Nakaramdam ako ng kaba at the same time excitement. Nakasakay na ako noon sa kabayo pero saglit lamang iyon, hindi tulad ngayon.

"He's Felix, my horse." Saad ni Symon habang hinahaplos ang mahabang buhok ng kanyang kabayo.

"He's beautiful." Komento ko habang nakatingin sa kabayo niya.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon