Chapter Five

494K 10.3K 1.1K
                                    

FIVE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Hoy, ang tahimik mo ata?" Tanong ko sa kanya. Nandito kami sa Rancho De Montemayor, namatay na kasi si Lolo Gabriel. Nasa labas naman si Daddy kausap ang parents ni Axcel, the little birdy.

"Get out." Sabi naman niya.

"Don't be sad, susunod ka rin naman kay Lolo Gabriel." Sabi ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"If you have nothing to do, please leave me alone." Masungit niyang sabi sa akin. Aba, bakit masungit na rin siya? Akala ko si Aivan lang ang masungit?

"Alam mo, hindi mo naman kaylangang maging malungkot. It's a choice to be happy but it's not a choice to be unhappy. Pwede ka namang umiyak sa harapan ko, di naman kita aasarin na girly." Sabi ko sa kanya.

"Ang ingay-ingay mo! Iwan mo ako." Sabi niya sa akin. Tumingin naman ako sa paligid. Wala atang gustong lumapit sa kanya ngayon, ang sungit kasi niya ngayon.

"Kapag may umaalis, may bumabalik at kapag walang bumalik may darating." Bigla kong sabi sa kanya. Hindi pa rin siya sumasagot. Tahimik lang siyang nakatitig sa ataul ni Lolo Gab.

"Mamimiss ko siya." Sabi niya.

"Gusto mo sumunod sa kanya? Sabihin mo lang, pwede naman." Sabi ko sabay ngiti sa kanya ng pagkaluwag luwag. Sinamaan niya lang ulit ako ng tingin.

"Alam mo kasi Axcel, wala namng permanente sa mundong 'to. Lahat nawawala, lahat umaalis at lahat natatapos. Wala naman kasing forever. At tatandaan mo na kung may aalis man, may darating naman. Kaya 'wag kang magmukmok diyan. Hindi ako sanay na tahimik ka." Sabi ko sa kanya.

Pinaktitigan niya lang ako.

"Bakit ikaw? Ang tagal mo umalis sa buhay ko?" Naiirita niyang sabi.

"Grabe ka naman, hayaan mo hinihintay ko rin na dumating ang time na 'yon at kapag dumating 'yong time na 'yon, 'wag mo akong hahabulin ah!" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Hindi na siya sumagot pa.

***

Nagising ako sa tunog na nanggagaling sa cellphone ko. I looked at the bedside and took my phone. I answered it without even looking who is the caller.

"Hello." I huskily said.

"Heena! Where the hell are you?!" It's my Dad.

"Dad, I'm fine. I'm with Axcel." I said.

"You should told me that you're with him." He said. Kumalma naman ang boses niya. Kapag kasi alam niyang si Axcel ang kasama ko, alam niyang safe ako which is not. Dahil ako pa ata ang nagiging tagapagtanggol ni Axcel.

"I'm fine Dad, you should sleep." I said.

"Hindi na ako makatulog, hija. Alam mo naman kapag tumatanda na, nahihirapan na matulog.  Basta mamaya umuwi ka, okay? I want to see you." Sabi ni Daddy. I smiled even though I know he couldn't see my smile.

"I will, Dad. I'll call you later." I said. I ended the call. Tinignan ko naman si Axcel na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Yes, we shared the same bed. Wala na namang kaso sa amin 'yon dahil minsan na rin kaming natulog ng magkatabi. Hanggang sa nasanay na kami, alam ko naman kasing kahit manyak siya. Nirerespeto pa rin niya ako.

It's already 5:50 in the morning at medyo nawala na ang antok ko sa pagtawag ni Daddy. Nasanay na rin kasi ako na ilang oras lang matulog, that's being a college student.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon