Chapter Sixteen

401K 8.2K 191
                                    

SIXTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

Tahimik lang at seryosong nag-dadrive si Axcel habang papunta kami sa birthday party ni Anthony. Katulad ng napagkasunduan namin, sinundo niya ako sa bahay. Unti-unti nang binabalot ng dilim ang paligid. Ala-sais y media na kasi ng gabi. Hindi n'ya pa rin ako kinakausap ng matino simula ng sabihin ko sa kanyang aalis ako once na mayroon ng babaeng papalit sa akin sa buhay n'ya. Ayaw niya akong pansinin at lagi n'ya akong sinusungitan. Hindi ko naman siya masisisi dahil binigla ko siya. Pero simula't sapul, iyon na talaga ang plano ko at hindi na mababago pa.

"Mag-oovernight ka ba kay na Din?" Tanong ko para basagin ang nakabibinging katahimikan na bumabalot sa loob ng sasakyan.

"Oo." Malamig n'yang sagot sa akin.

"Ah, okay. Mag-iinom ka?" Tanong ko. Seryoso at diretso lang siyang nakatingin sa kalsada. Pinipilit kong basagin ang makapal na yelo sa pagitan naming dalawa. Tumango lamang siya at alam kong senyales na 'yon na ayaw niya akong kausapin.

Ibinaling ko na lamang ang atensyon ko sa mga nadadaanan namin. Hanggang sa hindi ko na namalayan na naroroon na kami. Maraming sasakyan ang naka-park sa labas ng malaking bahay nina Tita Lilet.

Isang french ang napangasawa ni Tita Lilet at sa ibang bansa ipinanganak si na Din, Symon at Anthony. Pero isang taon lamang ng maipangak si Anthony ay nalaman ni Tita Lilet na hindi siya ang orihinal na asawa. Inilayo niya ang tatlong anak at inuwi sa Pilipinas. Sa sobrang pagkamuhi sa dati niyang asawa ay pinapalitan niya ang mga apelyido ng mga anak bilang Montemayor. Sa pagkakaalam ko, namatay ang asawa ni Tita Lilet dahil sa isang car accident.

Sumalubong sa amin ang maraming tao pagkapasok namin sa mataas na gate nila Din. Kahit gabi na ay marami pa rin ang tao roon. Karamihan sa kanila ay pamilyar na sa akin dahil lagi rin akong kasama ni Axcel sa tuwing pupunta kami sa iba't-ibang events.

"Heena!" Bigla akong napalingon sa boses na tumawag sa akin. It's Din, wearing her favorite blue dress. Bagay na bagay sa kanya iyon lalo na't mestiza siya at lalong lumalabas ang pagka-Montemayor niya. Sa pagkakaalam ko kasi, may lahing Latin-American ang mga Montemayor kaya halos lahat sila ay may mga itsura.

"Where's the birthday boy? I have a gift for him." Nakangiti kong sabi.

"Nasa loob, kasama ni Mommy. Mamaya mo na lang ibigay ang regalo mo. Doon muna tayo sa table na para sa atin." Sabi niya at tsaka ako hinatak papunta roon. Lumingon naman ako sa may likuran ko at tinignan si Axcel. Nakikipag-usap lang siya sa ilang kakila na marahil ay tungkol na naman sa business.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung kaylan niya ako papansinin. Marahil ay sobra ang pagtatampo niya sa akin.

Naroroon na si Travis, Xander, Alex, Allen, Rhalp, Jomsky, Rissa, Felice, Vlad at Aivan ng dumating ako. Umupo ako sa bakanteng upuan sa pagitan ni Allen at Alex. Mas malapit kasi ako sa kanila.

"Si Axcel?" Tanong ni Travis na naninigarilyo na naman. Bigla ay kinuha ni Rissa ang sigarilyo sa bibig ni Travis at tinapon iyon sa lapag at tsaka pinatay.

"What the—" Mag-rereact pa sana si Travis ng putulin iyon ni Rissa.

"Sige, subukan mong magreklamo. Isusumbong kita kay Tito Levinn. Sumosobra ka na talaga, Travis Kiel Montemayor Jr." Sabi bigla ni Rissa. Sumimangot lamang si Travis. Wala kasing kinatatakutan si Travis maliban na lamang kay Lolo Gab at Tito Levinn. Miski si Tito Travis na kanyang Daddy ay hindi rin siya kayang patinuin. Spoiled kasi ito sa Mommy niya at lahat ng gusto niya ay nakukuha.

"Kumuha na tayo ng pagkain. Kanina pa ako nagugutom." Sabi ni Alex.

"Patay-gutom ka kasi." Sabat naman ni Felice.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon