TWENTY SEVEN
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakayakap kay Symon. Hindi ko alam kung ilang minuto na rin akong umiiyak sa dibdib n'ya. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil sa kanya, dahil kay Axcel. Alam ko nang may mali sa nararamdaman ko, alam ko na 'yon. Alam kong may iba na akong nararamdaman para kay Axcel at hindi na 'to basta biro lang dahil ngayon, nasasaktan ako.
Nasasaktan ako sa mga nakikita ko, sa mga naririnig ko mula sa kanya. Yes, I told him to date her. Pero hindi ko pa alam noon ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko masabi sa sarili ko dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka pati sarili ko masaktan ko na. Dapat mawala itong nararamdaman ko para sa kanya, para matigil na 'to. Alam ko naman kasing sa huli ay wala rin patutunguhan ang engagement naming dalawa at masasaktan at masasaktan lang ako dahil sa nararamdaman kong ito. Malalaman mo lang talaga ang halaga ng isang tao sa'yo kapag nawala na siya sa buhay mo.
"I'm here." Narinig kong bulong sa akin ni Symon habang yakap-yakap n'ya ako. Mabuti na lang at walang masyadong tao dito sa may likod ng mansyon at walang mag-iisip ng masama tungkol sa amin ni Symon.
"Nabasa ko pa ata 'yang polo mo." Nakangiti kong sabi sa kanya habang pinupunasan ang mga mata ko. Tinignan ko naman ang matipuno n'yang dibdib na nabasa ko na ng mga luha ko. Hindi siya nagsalita, lumapit lang siya sa akin at bigla akong natigilan.
He suddenly cupped my face and gently wiped my tears. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa ginawa n'ya.
"It's okay, I'm always here for you." Mahina at seryoso n'yang sabi habang ang mga pares ng kanyang mata ay nakatitig lang sa akin.
"S—Symon." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Basta ang alam ko, ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kanya.
"Let's go, kanina ka pa nila hinihintay doon." Malamig n'yang sabi at tsaka nauna nang maglakad. I just sighed.
Does Symon has feelings for me?
Umiling na lamang ako sa katanungang 'yon. Siguro ay may malasakit lang talaga siya sa akin kaya n'ya iyon nagawa.
Wala na si Thalia nang makabalik ako roon pero naroroon pa si Axcel at nakikipag-inuman na sa mga pinsan n'ya. Naramdaman ko ang pagtingin n'ya sa akin ng makita n'ya ako. Mayroong bakanteng upuan sa tabi n'ya pero hindi ako roon umupo, mas pinili kong umupo sa pagitan ni Din at Jeorge. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo, marahil ay nagtataka siya kung bakit ako roon umupo.
"Tang ina, minsan lang tayo magpakasaya! Sulutin na natin 'to!" Malakas na sabi ni Shaun sabay taas sa basong may lamang beer na hawak n'ya. Hinampas naman ni Rissa ang braso n'ya dahil sa pagmumura nito.
"H'wag kang masyadong maingay! Marinig tayo ni Tita Freen, malalagot tayo!" Sabi ni Rissa. Tumahimik naman si Shaun pero maya-maya rin ay nag-ingay.
"Are you okay?" Biglang tanong sa akin ni Jeorge. Katabi n'ya sa kabilang gilid si Travis na tahimik lang at pinagmamasdan siya.
"Oo naman, ayos lang ako." Sagot ko sa kanya. Tumango lamang siya at muling ibinaling ang atensyon kay Shaun. Bakit hindi sila nag-uusap ni Travis? May problema kaya sa kanila?
"Umalis na si Thalia, isinabay na siya ng Uncle Fred n'ya pauwi." Sabi sa akin ni Din. Tumango lamang ako bilang sagot.
Wala sa sariling napalingon ako sa pwesto ni Axcel na ngayon ay nakatitig sa akin habang umiinom sa hawak nitong baso. Agad akong nag-iwas ng tingin sa pagtitig niyang iyon. Hindi ko ata kayang salubungin ang mga tingin n'yang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/22133103-288-k72329.jpg)
BINABASA MO ANG
Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media)
RomantikPublished Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3