Chapter 5: Friends or Something Else?

68 3 0
                                    

Naomi.

Highschool.

"Naomi! Lumayo ka nga jan! Pag nahulog ka, talagang papatayin ako ng parents mo! Hoy Naomi!" Hay nako! Ano bang pinag-aalala niya? I'm fifteen. Jusko naman, hindi ako tatalon dito. Maganda lang talaga ang view. "Naomi!" Sigaw niya tapos hinila ako paalis. "Ang yaman yaman niyo wala kang pambili ng cotton buds. Kanina pa ako sigaw ng sigaw."

Binatukan ko siya. After three years hindi padin siya nagbabago. Wala ngang pinapalapit na lalaki 'to sa akin eh. Palagi tuloy kaming napapagkamalang "May kami" ng ibang tao. Pati mga guro namin. Pero thanks to him, wala namang nananakit sa akin o nambubully.

"Wag mo nang gagawin ulit yun ah." Tinaasan ko siya ng kilay. Sino siya para sabihan ako ng ganyan? "Wag mo akong taasan ng kilay. You don't scare me young lady." Psh, pasalamat lang siya hindi ako nakakapagsalita.

Ano bang masama kung umupo ako sa rooftop ng school? Hindi naman ako mahuhulog. Bumalik ulit ako sa pwesto ko kanina. Panira naman yung isang 'to eh. Nakakainis na!

"Aba, bumabalik ka pa ah.." Bigla niya akong binuhat at binaba nung nasa loob na kami. "Yan, hindi ka kasi marunong makinig."

*Ring*

"Tara na." Tumakbo kami pabalik sa classroom. Nang nasa corridor na kami, may lumapit na lalaki sa amin. Mukhang kaedad lang din siya namin. "Op, jan ka lang pre. Walang pwedeng lumapit na hindi ko kilala sa kaibigan ko." Sabi niya at hinarangan yung lalaki.

"Wala naman akong masamang intensiyon sa kaibigan mo." Tumingin siya sa akin "Hi Naomi." Sabi niya tapos kumaway. "Ako nga pala-"

"Tumahimik ka na. Malalate na kami. Alis na jan." Kahit sobrang nainis na yung lalaki, sumunod naman siya. Sinamaan muna siya ng tingin ni Louie bago siya umalis.

Bakit kailangan pa niyang maging over protective

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Bakit kailangan pa niyang maging over protective. "Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Bakit ko ginawa yun?" Tumango ako. "'Cause you're special." Sabi niya sabay ngiti. Anong trip nanaman 'to? "Tara na." Hinila niya ako papasok sa classroom.

As usual, topic nanaman nila ang mga crush nilang sina Kurt at Ryan, mga bully ko noon. Pero himala, HIMALA talaga dahil hindi na nila ako inaaway. Palagi pa nga nila akong ginigreet kapag nakikita nila ako. I can tell na hindi yun fake.

Since mga bully ko naman ang topic ngayon, nalaman ng nga teachers na si Beth at Nei ang nagtali sa akin sa puno noon kaya inexpell sila.

Nalaman din namin na may problema sa pag iisip si Beth. Si Nei naman, ayun depressed dahil naexpell sila ni Beth.

Pumasok na si ma'am Santos sa loob at binati namin siya. Well, I mean, parang lip sync lang ang ginawa ko pero at least binati ko siya.

"Thank you. Umupo na kayo. So since malapit na ang Valentine's Day, may naisip na ba kayong pakulo para sa mga minamahal niyo? Friends, teachers, families, crushes?" Nag usap lahat ng mga kaklase ko tungkol sa mga plano nila. "So since marami naman kayong ideas, magplano muna kayo. I'll be back after niyong magplano. I'll leave our President incharge." Naglakad paalis si teacher.

Nagsitayuan ang mga kaklase ko at lumapit sa mga kaibigan nila. For three years din, wala akong may maitulong sa event na 'to. Ano naman ang pakialam ko? As long as napapakita ko ang gratitude ko sa friends and family ko okay na ako.

"Naomi, anong sa tingin mo? Naisipan ko kasi na... kung pwedeng magkaroon ng party dito kahit sa classroom lang. O kung pwede naman yung budol fight." Ah, alam ko kung anong nasa isip nito. Basta may pagkain lang. "Basta may pagkain lang." Sabi ko na nga ba eh.

'Siguro naman pwede. Magandang idea din yan. Basta may chikin lang.' Natawa siya. Alam niya kasing paborito ko ang manok eh.

"Basta may manok fixed ka na? Sige, isusuggest ko yan. Wag kang aalis ah." Tumayo siya tapos lumapit sa president namin na sa tingin ko may pagtingin kay Louie.

Sinabi ni Louie yung idea niya pero nagkunwaring hindi iyon narinig ng president namin kaya nilapit niya pa ang tenga niya kay Louie. Buti sana kung malinis yun.

"Sabi ko, PWEDE BANG MAGKAROON NALANG NG PARTY DITO SA VALENTINE'S DAY?!" Sigaw naman ni Louie.

"Ah, ah yan.. Oo pwede naman. Guys party nalang dito sa classroom. Discuss nalang natin kung sino ang bahala sa pagkain at ang kung sino ang incharge sa program." Sabi ng president namin. "Thanks to Louie, napadali ang trabaho natin, diba guys?" Sabi niya sabay akbay kay Louie.

Ano yan? Pasimpleng moves? Hokage moves, ganon? Hindi naman niya kailangang akbayan si Louie ah. Nagtawanan pa sila tapos nilapit pa niya ang mukha niya kay Louie. Baho ng hininga mo! Landi. Sinigawan ko na siya kung may boses lang ako.

Para wala akong makitang kababalaghan, pinatong ko ang ulo ko sa mesa ko at sinubukang matulog. Kabobohan naman 'to. Ang ingay ingay sa classroom matutulog ako?

Narinig kong umupo si Louie sa upuan niya. "Hala? Tulog na siya?" Ginalaw galaw niya ang ulo ko. "Uy, Naomi. Naomi. Miss maganda uy. Tulog ka ba?" Di ba halata? "Uy... Hindi na kita gigisingin, baka masakal mo pa ako."

--

"Si ma'am, Naomi si ma'am nandito na." Inangat ko ang ulo ko. I'm sorry ma'am pero istorbo po kayo eh.

"Mamaya ka na matulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mamaya ka na matulog. Mapapagalitan ka pa." Hindi ko siya pinansin. Usually pinapalo ko yung braso niya pero may kasalanan pa siya.

Nakinig nalang ako sa mga sinasabi ni teacher. Hindi ko na pinansin ang isip bata sa gilid ko na sumasayaw, o ano ba 'to.

"Okay, make sure na matutupad niyo 'to. Okay, see you tomorrow." Nagpaalam kami tapos lumabas na si teacher. Okay, dalawang subjects nalang.

"Ganda ng plano ko diba?" Nagsulat lang ako sa notebook ko. "Uy, di ka ba masaya? May chikin ka sa Valentine's Day!" Sabi niya habang hinila hila ang braso ko. Babae ba siya? Ang bading ng gestures niya. "Teka, galit ka ba?" Di ba obvious? "Bakit ka galit? Sa akin ba?" Ay hindi sa daga mo. "Anong ginawa ko?"

Bahala siya. "Um, Louie pwede ka ba naming makausap? Hihingi lang sana kami ng opinyon mo tungkol sa party." Dito nanaman siya?

"Oo sige. Sandali lang Naomi." Tumayo siya. Edi dun ka. Magflirt kayo ng presidente mo. "Ay teka, bumalik siya sa upuan niya." Dun kaaaa naaa. "Selos ka siguro noh?" Anong sinasabi nito? Di noh! Naiinis lang. "Yiiee, sige para hindi ka magselos," Sinong nagsabibg nagseselos ako?! Feeling ka.. "Sumama ka nalang para hindi ka magalit ng mag-isa jan.. at may isa pa akong dahilan. Hay ang selosa kong Naomi.."

Hinila niya ako patayo at dinala sa grupo ng presidente namin. "Anong ginagawa niya dito? Diba ikaw lang ang tinawag ko?"

"Walang magbabantay sa kanya, baka umiyak o magutom eh." Hinampas ko siya. Problema niya?! "Biro lang. Hindi ko siya pwedeng iwan, baka may lumapit ulit sa kanyang lalaki eh. At hindi talaga pwede yun."

A Silent GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon