Chapter 7: Valentine's Day

53 3 0
                                    

Louie.

Oo, over protective talaga ako kay Naomi. Since that day na nakita ko siyang nakatali sa isang puno.

Unang araw na lumipat si Naomi dito, alam ko na kaagad na hindi maganda ang mga mangyayari sa kanya, tapos nalaman ko pang hindi siya nakakapagsalita.

Naalala ko sa kanya ang nangyari sa ate ko. Hindi rin kasi siya nakakapagsalita. Maraming nambubully sa kanya kaya nadepress siya. Dumagdag pa na namatay si mom dahil sa isang aksidente. Saddly, sumunod din siya kaagad.

Hindi ko na gustong maulit yung nangyari sa ate ko. Ayoko nang may mamatay o madepress pa dahil dito, lalong lalo na si Naomi.

"Naomi! Bakit ang tagal tagal mong lumabas? Malalate na tayo. Papagalitan pa ako ng..ng... ano mo! Bakit hindi ka nakinig? Pinagbawalan kita." In the end, napilit niya ako. Sabi niya o sulat niya, partners lang naman daw sila hindi naman mag 'on'. Naawa din kasi ako. Alangan naman ako lang yung may partner. Pinagbigyan niya si Suzie na maging partner ako kaya, pumayag ako. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na may gusto ako kay Suzie, pero mas mabuti kung hindi ko nalang sasabihin. "Tara na nga."

Pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan namin. Araw araw ko naman siya sinasamahan eh. Pumasok din ako tapos nagmaneho na si kuya Carlo, yung family driver namin.

"Sandali nga, bakit nakaganyan ka? Bakit nagshorts ka?!" Nakalong sleeves siya tapos itim na shorts. Kung ako lang siguro ang mommy niya, hindi ko siya papalabasin ng nakaganyan.

'Okay naman 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Okay naman 'to. Casual nga diba? Eh ikaw nga eh.'

"Maayos naman 'tong suot ko ah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Maayos naman 'tong suot ko ah. Dapat dalagang Pilipina ka, hindi maiiksi ang shorts." Dumistansiya siya at nilabas niya ang kamay niya sa bintana ng kotse. "Hoy hoy hoy! Delikado yan!" Agad kong kinuha ang kamay niya. "Ano nalang mangyayari sayo pag nabangga yan ng isang kotse o kung ano?" Hindi talaga nag iingat...

Nag arm cross siya at sinamaan ako ng tingin buong biyahe. Psh, sanay na ako jan. Palagi naman yan ganyan eh. Pero hindi naman siya ganon ka suplada pag in a good mood. She's very energetic actually.

"Salamat po kuya." Pinagbuksan ko ulit siya tapos lumabas. "Hindi ka ba susunduin ng partner mo dito? Ang iresponsable naman..."

'Eh naunahan ka pa nga ng dating ng partner mo eh. Nahiya naman ako.'

"Ikaw may kasalanan nun!" Tinarayan niya ako tapos dumiretso na kaagad sa classroom. "Hay nako! Mga bata talaga." Sumunod na rin ako.

"Louie! Akala ko aabsent ka! Salamat naman at hindi." Sabi niya sabay yakap. Anong nakain nito?

"Excuse me! Dadaan lang!" Binangga ako ng walang hiyang Kurt at pumagitna sa amin ni Suzie. "Sige, continue niyo na ang landian niyo. Pupuntahan ko lang si Naomi." Walang hiya siya. Pasalamat siya napapayag ako ni Naomi kung hindi baka tuluyan ko na siyang nasapak.

"Don't mind him. Don't mind her too. Mapoprotektahan din naman siya ni Kurt kaya kumalma ka, and have fun." Sabi ni Suzie. Tapos nagplay na ang mga kanta sa stereo nila. "Tara, punta tayo sa buffet table." Hinila niya agad ako sa mesa at kumuha muna kami ng mga finger food.

Naomi.

"Naomi, hi." Sabi ng naglalakad na Kurt papunta sa akin. Si Louie naman, nakikipagusap sa partner niyang si Ms. President. "Ngayon lang kitang nakitang nagshorts ah. Pwede pala yan?" Siyempre. Susuotin ko ba 'to kung hindi ako pwedeng manamit ng ganito? "Sana nagleggings ka o pwede namang nakapantalon ka." Pareho talaga sila ni Louie.

'Hayaan mo na. Nasuot ko na eh.'

"Okay sige sige. Nagugutom ka ba? Marami nang pagkain doon. Gusto mo kunan kita?" Kakagaling ko lang sa bahay at kakakain ko lang kaya busog pa ako. Umiling ako at ngumiti. "Edi, samahan mo nalang ako doon. Baka masapak ako ni Louie pag iniwan kita dito." Inabot niya sa akin ang kamay niya at kinuha ko yun.

Pumunta kami sa buffet table. Marami kaming nagtitipontipon doon para sa pagkain. Nandoon din sina Louie. At aba, punong puno na ang paper plate niya... At hindi pa naguumpisa ang program. Palakain talaga ang baboy na 'to.

Kumuha si Kurt ng tatlong pirasong lumpia tapos dalawang puto at isang manok. MANOK?! UY CHIKIN! "Oh bakit? Nakakita ka lang ng manok, sumigla agad ang mukha mo?" Kumuha siya ng isang paper plate at kumuha ng dalawang manok at binigay iyon sa akin. "Kunware ka pang busog.." Eh chikin yun eh...

Bumalik kami sa upuan namin at kumain habang hinihintay pa ang iba naming kaklase. Pagkatapos ng ilang minuto, nag umpisa na.

Siyempre, after magbigay ng speech ni Ms. President, nag games agad sila. Halos lahat, game na game. Pati ako siyempre.

Ang first game ay newspaper dance with your partner. Pumagitna kaming dalawa ni Kurt, pati na rin ang iba pa naming mga kaklase.

(Music) Hindi ako marunong sumayaw kaya clap clap lang yung nagawa ko habang umiikot. Ganon din naman si Kurt kaya hindi ako nagiisa! (Stop) Mabilis kaming umapak sa newspaper at hindi gumalaw. May pa tanong tanong pang nalalaman ang aming host classmate pero, hindi naman ako makakasagot.

(Music) Tinupi ni Kurt ang newspaper into half kaya medyo maliit nalang yung space. Same sa unang level, paclap clap lang ako. Wala namang rule na hindi pwede ang clapping. (Stop) Agad kaming umapak ni Kurt sa newspaper at hindi gumalaw.

Dahil marami kaming malulusog na kaklase, at dahil mahirap nang kumasya, out na sila.

Limang pairs nalang ang natira. Lumipat sina Louie malapit sa amin. Like literally, sa gilid lang namin sila. "Goodluck." Sambit ni Louie.

(Music) Tinupi ni Kurt yung newspaper kaya medyo lumiit ulit. Elimination round na talaga. (Stop) Pumwesto si Kurt ng maayos sa newspaper. "Apakan mo yung mga paa ko." Sabi niya, sinunod ko naman. Para hindi ako maout balance, napahawak ako sa balikat niya. IT'S A REFLEX ACTION, I SWEAR!

Nabawasan ulit kami ng dalawang pairs kaya tatlo nalang kaming natira. Stay strong padin sina Louie.

(Music) Tinupi ulit ni Kurt yung newspaper at medyo mahirap na talaga. Isang paa nalang ang kakasya. (Stop) Nilagay ni Kurt ang isa niyang paa sa papel. "Naomi, okay lang ba kung magpiggy back ka?" Sus, piggy back lang pala. Dali dali akong tumalon sa likod niya at nagpiggy back. Maganda ang balance ni Kurt kaya hindi kami natumba. Dalawang pairs nalang ang natira at kami yon at sina Louie.

(Music) Tinupi ulit ni Kurt yung newspaper. This time, mahirap na talaga. Kalahating paa nalang ang pwede. (Stop) "Naomi, piggy back ulit." Tumalon ulit ako sa likod niya. Siya naman, ginamit niya ang 'toes' niya para makatayo.

Napatingin ako kela Louie. Pareho din kami ng sitwasyon. Ang pagkakaiba lang, Louie is shaking. Pagkatapos ng ilang segundo, natumba sila at kami ang panalo! "Yes! Panalo tayo Naomi!" Naghigh five kaming dalawa. "Ang gaan gaan mo kasi." Talaga? Ako? Magaan?

"Naomi, congrats sa inyo." Sabi ni Louie at nakipagkamayan kami sa kanila ni Ms. President.

Kinuha namin ang prize namin na isang pair ng couple necklace. Magnenecklace ba talaga si Kurt? Well, technically yes dahil excited siyang sinuot iyon. Sinuot ko rin yung akin.

Louie.

"It's fine. Babawa nalang tayo sa susunod na game. Marami pa naman eh." Sabi ni Suzie. Napatingin ako kela Naomi. Kung ako siguro yung naging partner niya, hindi siguro kami nanalo. Tama lang siguro na si Kurt ang naging partner niya.

A Silent GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon