Naomi.
Su-sumigaw ba ako? Ano? Ako ba talaga ang may gawa nun? Paano? Tumigil sa pagtulo ang mga luha ko nung bigla kong narinig ang sigaw nila daddy at mommy. "Naomi! Jusko, bakit ka nakaluhod? Akala ko ba magpapaalam ka lang kay Louie?"
"Nakaalis na ba siya? Wag mong sabihing, hindi mo na siya naabutan?" Naabutan ko siya, daddy. Pero, parang hindi siya yung kausap ko. Sigurado naman akong hindi yun magagawa ni Louie.
"Naomi, bakit ka umiiyak? Babalik din naman si Louie after several years. Don't worry. Magkikita din naman ulit kayo." Hindi mom eh. Tinapos na niya ang pagkakaibigan namin at hindi na siya babalik. Kahit bumalik pa siya, wala lang din naman yun dahil hindi na kami magkaibigan. Ano ba 'to? Gusto kong umiyak pero natatakot akong umiyak sa harap ng mga magulang ko. Mas lalo lang silang mag aalala. Pero hindi ko talaga kayang pigilan... "Naomi.." Niyakap ko kaagad si mommy at umiyak.
Umiyak ako ng umiyak para malabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kahit maraming tao, wala akong pakialam. Iniwan ako ng bestfriend ko, na naging kasama at tagapagligtas ko for three years. Tinapos pa niya ang pagkakaibigan namin. Sinong hindi iiyak kapag iniwan ng best friend?
"Naomi? Tama ba ang naririnig namin? May boses ka na ba talaga?" Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanila mommy. "May boses ka na, anak?"
Sinubukan kong magsalita. Wala namang mawawala kapag subukan ko, diba? Nakakapagsalita na ba talaga ako? "Humahagulgol ka kasi sa pag iyak."
"Po?" Natigilan ako, gayon din sina mommy. To-totoo ba 'to? Paanong? Nakakapagsalita na ako? Pwede ba? "Nakakapagsalita na ako.." Gusto kong tumalon sa saya, ngunit naalala ko yung ginawa ni Louie. Yung itulak ako tapos sasabihing, tinatapos na niya ang pagkakaibigan namin.. "Pero, si Louie.. Hindi ko po siya gustong umalis.."
"Nako Naomi. Wag ka na maging malungkot. Tignan mo, nakakapagsalita ka na. Ang mas mabuti pa, magpahinga ka nalang muna. Wag ka nang umiyak kasi nag aalala kami ng daddy mo." Pinunasan ko ang mga luha ko. "It's gonna be okay." Sana nga po mommy.
Umuwi kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto. Wala akong ganang kumain. Buong biyahe, hinahayaan ko lang na tumutulo ang mga luha ko. Wala naman akong magagawa eh. Nasasaktan ako.
"Naomi, feeling better? May gusto ka bang kainin?" Umiling ako. Matutulog nalang ako. Bakasakaling, mawala lahat 'to. "Okay, matulog ka na ah. Wag ka masyadong magpastress. We love you." Ngumiti ako at natulog.
Author's POV
Tatlong araw na ang nakalipas at hindi padin makalimutan ni Naomi ang nangyari. Hindi na siya kumakain ng tatlong beses bawat araw, kulang na din minsan ang tulog niya dahil sa kakaiyak. Ang mas malala pa, hindi na siya lumalabas sa kwarto niya. Dinadalhan lang siya ng pagkain ng kanilang mga katulong. Hanggang isang araw..
"Sir, ayaw na po niyang magpapasok. Hindi pa siya kumakain mula kaninang umaga." Sabi ng isang katulong.
"Ano? Gabi na ah. Ang ibig mo bang sabihin, wala siyang kahit na anong kinain buong araw? Ano ba ang nangyayari sa anak kong yun? Hindi naman siya ganito noon." Sabi ng ama ni Naomi. "Kasalanan 'to ng Louie na yun eh. Sana hindi nalang namin siya pinagkatiwalaan."
"Ano pong gagawin namin sir?" Tanong ng katulong.
"Kukunin ko lang ang susi. Kailangan na niyang kumain." Nang makuha na ni Owen ang susi, dali dali silang umakyat sa kwarto ni Naomi.
Nang buksan nila ang pinto, wala na ang batang babae sa kanyang silid.
"Nasan na siya? Nakita niyo ba siyang umalis ng bahay?" Tanong ni Owen.
"Hindi po sir. Kanina pa po nakalock ang pinto niya." Sagot naman ng katulong. Napansin nila ang kumot na nakalagay sa bintana. "Sir! Dumaan po siya dito!" Magkadugtong ang mga kumot at ibang damit ni Naomi. Hanggang lupa na ang kahabaan nito.
"Naglayas siya?! Saan pupunta ang batang yun? Tatawagan ko ang mga security guards. Baka hindi pa nakakalayo ang anak ko." Mabilis na kumilos si Owen at tinawagan kaagad ang mga security ng village nila. "Hindi pa siya nakakaalis. Sige salamat." Binaba niya ang phone. "Tawagin mo si Carlo. Hahanapin natin si Naomi."
Kurt.
Hanggang ngayon hindi ko padin makalimutan ang naging Valentine's Day ko. Nakapartner ko lang naman ang babaeng gusto ko sa espesyal na araw na iyon.
Pero nag-aalala na ako kay Naomi. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa paaralan. Wala manlang may alam sa amin kung bakit. Ganon din yung Louie, wala rin.
Sa totoo lang, nagagalit ako kay Louie dahil pinapalayo niya sa akin si Naomi. Para bang may nakakahawa akong sakit. Hindi talaga siya makamove on sa nangyari noon. Nagawa ko lang naman yun dahil gusto kong makilala ako ni Naomi in a different way.
"Tignan niyo yung babae! Magpapakamatay na yata!" Napatingin ako sa direksiyon kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. "Miss!"
"Si, si Naomi ba yan?" Lumapit ako lalo. "Sh*t siya nga. Naomi! Magpapa-sagasa ka ba?! Naomi! Umalis ka jan!" Bakit hindi siya gumagalaw? Tumakbo ako palapit sa kanya at hinatak paalis sa pwesto niya. "Naomi! Okay ka lang? Bakit ganyan ka? May problema ka ba?"
"Si Louie.." Si Louie nanaman? Palagi nalang si Louie, si Louie- Sandali nga-
"Nagsasalita ka ba? Ikaw ba yun?" Paano? Nagsasalita na siya?
"Umalis si Louie..." Biglang tumulo ang mga luha niya.
"Uy, uy, bakit? Hindi ko alam ang gagawin! Wag kang umiyak." Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang mga luha niya. "Shh, wag ka nang umiyak."
"Naomi!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki. "Hoy!" Bigla niya akong tinulak palayo. "Anong ginawa mo sa anak ko?!" Ako? Ako talaga? "Naomi, anong ginawa niya?"
"Tito, wala po akong ginawa sa kanya. Mababanggaan siya sana kanina pero niligtas ko po siya." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Naomi, totoo ba ang sinasabi niya?" Tumango si Naomi, pero hindi padin tumitigil ang pagtulo ng nga luha niya. "Pasensiya na. Nahusgahan kita kaagad. Ayaw ko na kasing magtiwala sa ibang tao. Hindi ko na hahayaang mangyari ang nangyari three days ago."
Ano bang nangyari? May kinalaman ba dito ang Louie na yun? Ang galing niyang magkunwaring pinoprotektahan niya si Naomi. Pero ano, siya naman pala ang naging dahilan kung bakit nagkaganito si Naomi.
"Salamat ulit. Anong pangalan mo? Kaibigan ka ba ng anak ko?" Tanong ni Tito.
"Kurt Reyes po. Hindi ko po alam kung kaibigan na po ako ni Naomi pero, sana magkaibigan na kami."
"Ganon ba? Magpakilala nalang tayo ng mas maayos sa susunod. Kailangan na ni Naomi na magpahinga at kumain." Hindi pa siya kumakain? Gabi na ah. "Mauuna na kami."
Sumakay na sila sa sasakyan, kasama ang iba nilang katulong.
Naalala ko ang mga binanggit ni Naomi kanina. Umalis raw si Louie. Siya ang may kasalanan nito. Muntik nang mamatay si Naomi dahil sa lalaking yun. Hinding hindi na siya makakalapit kay Naomi kung babalik pa siya dito. Sisiguraduhin ko yan.
BINABASA MO ANG
A Silent Goddess
FanficTry to imagine a girl, beautiful as a goddess but couldn't speak a word even if she wanted to. She is Naomi Silver Ocampo... and she's bullied because of that. -- What if one day, bumalik ang boses niya? What if one day, everything changes? Her atti...