Naomi.
Pinipigilan ko lang ang sarili kong umiyak kanina. Bakit pa ba kasi siya pumunta dito? May pasa siya sa gilid ng mata at bibig niya. Kitang kita ko ang pagsuntok sa kanya ni daddy. Bakit kasi ang tigas tigas ng ulo niya?
"Daddy!" Sigaw ko. Bumaba naman siya kaagad. "Dad, bakit mo yun ginawa kay Louie? Oo, galit na galit ako sa kanya. Pero hindi ko naman gustong, ganon ang mangyari sa kanya."
"Naomi, sinaktan ka ng hayop na yun. Kung ang mommy mo siguro ang nakaharap niya, doble pa ang makukuha niya. Pasalamat siya ganon lang ang inabot niya. Kung hindi lang siya nakatulong sayo noon, baka diretso na siya sa libingan niya. Pinoprotektahan lang kita Naomi."
"Pero daddy, pwede namang kinausap mo lang siya diba? It doesn't have to be that way. Kung tungkol ito sa muntik nang mangyari sa akin, it's my fault. Ako ang may kasalanan nun. Hinayaan ko ang kalungkutan ko na magtake over sa akin. Oo, nasaktan ako pero hindi solusyon ang ganon."
"Oo na. Si daddy na ang mali. Hindi ko na uulitin, mahal na prinsesa. Umakyat ka na sa kwarto mo. Parang ako na ang anak dito eh." Pansin ko nga.
"Salamat talaga sa lahat dad ah." Umakyat ako sa kwarto at nagbihis. Tinignan ko din kung nandiyan pa si Louie sa gate. "Mukhang nakaalis na."
"Naomi!" Ay bwis- Nandito pa siya? "Sorry talaga!" Nako.. Pasalamat siya nakausap ko na si daddy, kung hindi siguro nabugbog ulit siya.
"Anong gagawin ko sa kanya? Okay na sana nung hindi na siya bumalik eh, pero ito.. Nanggugulo na siya. Binabalik naman niya sa umpisa."
Lumabas ang isa naming katulong at pinaalis siya. "Sandali lang po..Naomi! Patawarin mo ako please!"
Hindi ako pwedeng lumabas. "Wag na wag kang maawa sa kanya. Not this time." Sinara ko ang bintana ko at pinaandar ang AC. "Wag mo na siyang isipin Naomi."
Kinuha ko ang libro ko at nagbasa. Hindi ko na dapat siya pinapansin.
--
"Sumusunod padin ba siya?" Tanong ko kay Kurt na kanina pa sinasamaan ng tingin si Louie. "Kanina pa yan eh."
"Oo, nakasunod padin. Alam mo, susuntukin ko na yan. Ipagpapatuloy ko ang ginawa ng daddy mo sa hayup na yan."
"OA? Hayaan nalang natin. Wala namang ginagawa eh."
"Naomi! Silver! Ocampo!" Ayan na. May ginawa na. "I'm sorry!" Nakakahiya... Hindi ba siya nahihiya?
"Pwede ko na bang bugbogin nang matahimik na?"
"Ako na ang kakausap. Mauna ka na muna sa classroom." Nasasayang nalang palagi ang oras ko kakapaalis sa kanya.
"Ah, hindi. Dito lang ako."
"Sa classroom o ikaw ang bubogbugin ko?"
"Sige na, sige na. Basta kapag may gawin siyang hindi maganda sayo, sumigaw ka lang at makakatikim talaga ang lalaking yan." Naglakad na siya paalis.
"Here goes nothing." Hinarap ko siya. "Ano pa bang problema mo? Hindi mo ba ako naintindihan?"
"Naomi naman.. Gagawin ko lahat para mapatawad mo ako. Ano bang kailangan kong gawin? Magjoke? Kumanta? Sumayaw? Ano?"
.....
"Lumayo ka ulit. Bumalik ka doon sa America. Doon ka na ulit mag-aral. Maghanap ka ng mga kaibigan mo doon. At wag ka nang bumalik ulit dito. Gawin mo yan."
"Hindi ko na gustong umalis pa. Hindi ko na kayang iwan pa ang buhay ko dito."
"Nagawa mo nga noon. Bakit hindi mo magawa ulit? Hindi mo ba naisip na kapag bumalik ka pa dito, hindi na ako ang Naomi na nakilala mo noon? Na hindi na ako ang kaibigan mo? Ikaw, nagpapakasaya sa labas ng bansa. Party, clubs, ganon.. Pero ako dito? Kamusta naman?"
BINABASA MO ANG
A Silent Goddess
FanfictionTry to imagine a girl, beautiful as a goddess but couldn't speak a word even if she wanted to. She is Naomi Silver Ocampo... and she's bullied because of that. -- What if one day, bumalik ang boses niya? What if one day, everything changes? Her atti...
