Chapter 8: Missions and Messages

48 4 0
                                        

Louie.

Hay.. Nakakailang games na kami, hindi parin talaga kami nananalo ni Suzie. Pero sina Naomi, sus, kanina pa sila nananalo ni Kurt.

"This is so unfair! Bakit sila nalang palagi?" Reklamo ni Suzie.

"Hayaan mo na at least nageenjoy naman lahat diba?" Tama, nageenjoy nga lahat, maliban kay Suzie. Highblood na siya oh.

"Okay, next segment na tayo! May isang kahon dito at kailangan gawin ng bawat pair ang mission na mabubunot within the alloted time. If not, bubunot din kayo ng punishment. Bubunot kami ng first pair!" Bumunot sila sa isang box. "Louie and Suzie!"

Umakyat kami sa stage at bumunot ng mission. Naunang bumunot si Suzie, ako yung sumunod. 'Kumanta ng kahit na ano with your partner' ang nabunot ko. "Ano yung nabunot mo Suzie?"

"Nothing." Ipinakita niya sa akin ang papel at 'Nothing' nga yung nabunot niya. "Ano yung sayo?" Ipinakita ko sa kanya ang nabunot ko. "Nice.. Love Story by Taylor Swift? Okay ba?"

Kinanta namin ang first verse papuntang chorus ng kanta tapos nagpalakpakan ang mga kaklase namin. Ni wala ngang feelings yun eh.

After several pairs, sina Kurt at Naomi na ang tinawag. Sana naman hindi SOBRA ang dare nila. Hindi pwede ang hug, lalo na ang kiss. Magwawala talaga ako dito.

Bumunot muna ng mission si Naomi at napataas siya ng kilay nung nabasa niya yun. Ano kaya ang nakuha niya? Si Kurt naman nakafreeze lang. Mukhang hindi maganda ah.

Pumunta si Naomi sa buffet table at kumuha ng ice cream tapos, SANDALI! BAKIT NIYA SINUBUAN ANG WALANG HIYANG YAN?! HOY ANO YAN?! MATANDA NA SIYA! "Damulag!" Sigaw ko. Nakakainis na!

"Um, Naomi, pasensiya na ah... Pero p-pwede ba k-kitang, h-halikan?" WHAT THE-ANO DAW? HINDI! "As a friend lang? Sa pisngi? Sabi kasi dito oh." Sabi niya tapos ipinakita kay Naomi ang papel.

"Time's almost up..."

Bigla niyang.. AHH! Hindi ko masabi! BASTA GINAWA NIYA ANG DARE! SINONG MAY GAWA NG MGA 'TO!? Nakafreeze lang si Naomi sa kinatatayuan niya. "Naomi, I'm sorry talaga." Sabi pa niya.. AABANGAN KITA SA GATE MAMAYA...

Biglang hinila ni Naomi ang kamay ni Kurt tapos bumaba sa stage. ANO?! HAHAYAAN NIYA LANG YUN? PARANG WALA LANG?! KUNG AKO SA KANYA, SINAPAK KO NA SIGURO ANG LALAKING YAN!

Pupuntahan ko na sana sila sa mesa nila pero pinigilan ako ni Suzie. "Don't take it seriously. Dare lang naman yun. Hindi naman sadya." Siguro tama siya. Pero alam kong masaya ang hayup na yun.

Pagkatapos ng ilang pairs, delivering of messages na. "Anyone who volunteers to be the first?" Tinaas naman ni Suzie kaagad ang kamay niya. Teka! Anong sasabihin ko? ALANAGN NAMAN AAMIN AKO?! "Okay, Louie and Suzie." Umakyat kami sa stage.

"Um, ako na ang mauuna. I think today is the right time para sabihin ko na sayo na, I like you Louie." Napa 'oohh' ang mga kaklase ko, pati na rin ako nabigla. Talaga ba? Totoo? "Happy Valentine's Day." Sabi niya tapos ngumiti. "May sasabihin ka ba?"

"Ah.. Gusto ko din sabihin na, hindi ka nag-iisa... I like ME too. Gusto ko rin na malaman mo na, isa ka sa mga hinahangaan ko dito sa school. Keep up the good work. Happy Valentine's Day." Ngumiti siya pero halata namang fake. Bakit naman?

Bumaba kami sa stage at ang sumunod na naglakas loob ay si Kurt. "Okay, Kurt and.. Naomi?" Tumayo si Kurt tapos umakyat sa stage.

"Naomi! Makinig ka ah! Una sa lahat, I'm sorry sa mga nagawa ko sayo noong elementary days natin. Sorry dahil kinawawa kita noon. I hope you will stay understanding, friendly and kind. At sana, magpatuloy kang isang palaban na tao. Wag mong hayaang may manliit sayo ulit. Tandaan mo na, nandito ako para sayo. Happy Valentine's Day Naomi." Sabi niya. Psh.. Kung ako siguro ang nagbigay ng message kay Naomi, MMK ang dating. May kasama pang iyak. Walang wala yan..

Bumalik si Kurt sa table nila na may malawak na ngiti. Nginingitiian din siya ni Naomi. Walang hiya siya, hindi ko padin nakakalimutan ang ginawa niya kanina. HINDI NIYA PWEDENG BASTA LANG HALIKAN ANG KAIBIGAN KO!

Nakinig kami sa mga messages ng iba pa naming mga kaklase. Napatingin ulit ako sa table nila. ANAK NG- BAKIT NATUTULOG SI NAOMI SA BALIKAT NG ADIK NA YAN?! Pupuntahan ko sila at hindi ako mapipigilan ni Suzie o kahit na sino.

"Hoy. Anong ginagawa mo sa kanya kupal ka ha?" Tumingin siya sa akin.

"Pagod na siya. Alangan naman pabayaan ko diba?" sabi pa niya. "Bumalik ka na nga sa Suzie mo. Hindi ka namin kailangan dito." Aba! Sino siya para sabihan ako ng ganyan.

"Ako ang kaibigan niya, hindi ikaw. At wag mong gawing rason ang pagiging partner niya." Ngayon lang naman yan eh.

"Pwede bang umalis ka na? Baka magising ang Naomi ko eh." ANO?! NAOMI NIYA? EH GAG* PALA SIYA EH! DAYDREAM PA!

"Hindi mo siya pagmamay ari." Hindi ko hahayaan. Hinding hindi. "Mawawala muna ako."

"Psh.. Sa ngayon." ANO DAW?! SA NGAYON? WOW, SO MAY PLANO TALAGA SIYA AH! "Bumalik ka na. Istorbo ka dito eh. Baka sugurin kami mamaya ng partner mo."

Bwis*t.

Bumalik ako sa table namin. Aabangan ko talaga 'to mamaya. Humanda talaga 'to sakin. Pasalamat siya maraming tao ngayon dito. Kung hindi, sirang sira na ang mukha niyan kanina pa.

Pagkatapos ng mga messages, nag early lunch na kami. Pinauna muna namin ang iba naming mga kaklase at nung kami na ang kumuha ng pagkain, halos ubos na.

Napatingin ulit ako sa mesa nila Naomi. Masaya siyang kumakain ng paborito niyang friend Chikin. Request niya talaga ang pagkaing yan kaya pinilit ko sina Suzie. Kitang kita sa mukha niya na masaya siya. Pero may epal talagang Kurt eh. Hay... Sana matapos na 'tong araw na 'to. Nakakapikon na talaga...

--
A/N: Guys sorry kung short chapter lang siya. Nagloloko kasi si wattpad. Kagabi ko pa 'to sana ginawa kaso nawala lahat kanina kaya inulit ko. Ang sakit eh. Ang lahat ng pinaghirapan ko, bigla nalang naglaho. Pero thank you talaga sa mga nagbabasa nito!

A Silent GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon