Prologue

258 8 0
                                    

Author's POV

"Anak, ready ka na bang pumunta sa Korea?" tanong ng ina ni Naomi na si Faye. Pupunta ang kanilang pamilya sa Korea para makita ulit ang kanilang mga kamag-anak na nagtatrabaho doon.

Masayang tumango bilang sagot ang anim na taong gulang na si Naomi. "Opo! Excited na po ako!"

"Oh sige, tutulungan na kitang mag-impake ah. Maaga pa tayo sa susunod na araw. Ayaw mong iwan tayo ng airplane diba?" Umiling lang si Naomi. "Oh sige na. Punta na tayo sa kwarto mo. Ano ba ang gusto mong suotin sa airport? Dadalhin mo ba ang stuffed toys mo?"

"Hindi na po. Si Gyom nalang po, okay na!" Sagot niya. Agad namang pumasok sa loob ng kwarto si Gyom, ang aso nilang kulay puti. "Gyom! Pupunta tayo sa Korea!"

"Anak sorry ah. Hindi kasi pwede eh. May magbabantay lang kay Gyom dito sa bahay. Baka kung anong mangyari sa kanya sa Korea." Sabi ng kanyang ina. Lumungkot kaagad ang mukha ni Naomi.

"Mommy gusto ko pong isama si Gyomie! Magiging sad po siya kung iiwan natin siya dito. Lonely po siya dito." Lumuhod ang kanyang ina para pumantay kay Naomi. "Mommy please?"

"Naomi, may mga bagay talagang hindi pwedeng gawin. Isang bwan lang naman tayo sa Korea eh. Hindi naman tayo agad agad mamimiss ni Gyom. Diba Gyom?" Tumahol naman yung aso. "Oh, oo daw."

"Sige po." Nagsimula nang magimpake sina Naomi at Faye. Pagkaraan ng isang araw, lumipad na silang tatlo sa Korea. Ayaw pa sana ni Naomi na umalis pero pinilit parin siya ng kanyang mga magulang.

Korea.

"Auntie Sol!" Sigaw ni Faye sabay yakap sa kanyang tita na tatlong taon niyang hindi nakita. "Namiss ko kayo!"

"Namiss ko rin kayo!" Kumawala sila. Binuhat naman kaagad ni Faye si Naomi. "Wow, si Naomi na ba 'to? Ang liit liit pa niya nung umalis ako ah. Nakikilala mo ba ako Naomi? Ako si ninang Solidad mo. Ilang taon ka na?"

"Six years old po." Sagot naman kaagad ni Naomi.

"Hay nagsasalita na rin siya. Noon naman ba be bi bo bu lang ang itinuturo ko sa kanya. Wala bang kiss kay ninang?" Mabilis namang hinalikan ni Naomi ang ninang niya sa pisngi. "Yiiee, ang inaanak ko."

"Ate Sol, sobrang kulit po niya. Ayaw pa nga niyang umalis sa bahay dahil ayaw niyang iwan si Gyom." Sambit ng kanyang ama na si Owen.

"Si Gyom? Yung asong puti? Yung niregalo ko sa kanya nung one year old palang siya? Close na sila?" Sunod sunod na tanong ni Sol.

"Opo." Sagot naman ni Owen. "Napalapit na rin sila sa isa't isa."

"Buti naman kung ganon. Nakakain na ba kayo? Baka nagugutom kayo? Nagluto kaming lahat sa apartment, tara na?"

Sumakay silang apat sa sasakyan ni Sol papuntang apartment nila. Pagdating nila sa apartment, may isang mesang puno ng Filipino food. "Ate Faye! Kuya Owen! Naomi!" Sigaw ng kapatid ni Faye sabay yakap kay Naomi. "Aww, malaki ka na!"

"Gail, Tonnie, namiss ko kayo!" Sambit ni Faye sa kanyang dalawang kapatid na babae. "Kamusta na kayo? May mga boyfriend na kayo noh?"

"Nako ate wala. Nakareserve kaya ang puso ko kay Taehyung." Pagtataray ni Gail.

"Ako naman para kay Jungkook oppa! Ahhh!" Nagsigawan na ang dalawang kapatid ni Faye.

"Magsitigil na nga kayo. Nakatingin lang sa inyo si Naomi oh. Iniisip niya kung ano ang mga pinagsasasabi niyo. Maawa naman kayo sa bata."

"Hay ate! Hayaan mo na! Oh, kain na kayo. Naghanda talaga kami ng Filipino food para feel at home kayo dito." Umupo silang lahat sa mga upuan at nagdasal muna bago kumain. Dahil gutom na din silang lahat, nagsikuha na sila ng makakakain at kumain.

--
"Mommy, okay lang po ba si Gyom sa bahay? Baka nagugutom na po siya?" Sabi ni Naomi na inaantok na.

"Pinakain na siya ng pinabantay namin ng daddy mo. Don't worry about Gyom dahil okay lang siya sa bahay. Okay? Matulog ka na. May pupuntahan pa tayo bukas."

Ngumiti si Naomi bago niya pinikit ang kanyang mga mata at natulog.

--
"Saan po ba tayo pupunta Mommy?" Tanong ni Naomi sa kanyang ina habang sinusuotan siya ng medyas.

"Lilibutin lang natin ang Seoul. Pupunta tayo sa mga parks, restaurants, at iba pang sikat na mga lugar dito." Sagot ni Faye at naganahan naman dun si Naomi.

Masaya siyang bumaba sa kwarto nila at kumain sa dining area. "Mukhang excited ka ngayon anak." Sabi ni Owen. "Gusto mo bang bilhan ka namin ng toys?"

"Hindi na po. Marama na akong laruan. Fried chicken nalang po!" Sigaw niya. Napatawa naman ang kanyang mga magulang sa sinabi niya.

Pagkatapos nilang kumain, pumunta muna sila sa isang amusement park. "Sino ang gustong kumain ng burger and fries?" Tanong ng kanyang ama.

"Ako po!" Masayang sagot ni Naomi.

"Sige bibili tayo." Habang nagbabayad ang mga magulang ni Naomi, may nakita siyang asong kamukha ni Gyom.

"Gyomie? Wow, nandito si Gyomie!" Mabilis siyang tumakbo ang hinabol ang asong kamukha ni Gyom.

"Naomi?" Clueless na tanong ni Faye. "Owen, nasaan na ang anak natin?" Tumingin din sa likod si Owen at hindi nila nakita si Naomi.

"Naomi?!" Tumakbo silang mag-asawa at hinanap nila si Naomi. Nilibot na nila ang buong park pero hindi parin nila nakita si Naomi.

"Jusko Owen, saan siya pumunta? Hindi naman niya alam ang lugar na 'to eh. Nasaan na siya?!"

"Hindi ko alam. Magtanong tanong tayo." Nagtanong tanong silang dalawa kung may nakakita sa kanilang anak pero wala talaga.

"Saan ba kasi siya pumunta? Bakit siya biglang umalis?" Kinakabahan na si Faye at hindi na niya kayang kumalma. "Naomi!"

"Teka, anong nangyayari dun?" May pinagpupulungan ang mga tao sa gitna ng daan. "Banggaan ba?"

Lumapit silang dalawa sa kalsada. Habang papalapit sila, mas lalo silang kinabahan. Natigilan nalang sila nang makita nila si Naomi na nakahiga sa daan at duguan. "Naomi?! Naomi anak!" Sigaw ni Faye sabay yakap sa kanyang anak. "Call an ambulance! Owen tumawag ka ng ambulansiya!"

Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na ang isang ambulansiya at dinala agad si Naomi sa ospital.

"Please iligtas niyo po ang anak namin. Save my daughter please. Do everything to save her!" Sabi ni Faye nang pinasok si Naomi sa emergency room.

...
...
...
...
...
...

"Family of the patient?" Agad na tumayo sina Faye at Owen.

"How's my daughter? Is she fine?" Tanong agad ni Faye sa doktor.

"The impact on your daughter's head was really strong. It's a good thing she's still alive. We just need to run some tests to know if there are other complications. For now, your daughter is safe."

"Thank you. Thank you so much!"

"I'll be going now." Umalis na ang doktor at gumaan na ang pakiramdam ng dalawa.

"Mabuti naman at okay si Naomi. Hindi ko talaga alam kung anong mangyayari kung mas malala pa dito ang mangyayari sa kanya. Bakit ba kasi natin siya pinabayaan kanina? This is my fault."

"Faye wag mong sisihin ang sarili mo. At least ngayon okay na daw si Naomi." Sabi ni Owen.
...
..
That's what they thought. After several days, gumising na si Naomi at nalaman nila na dahil sa malakas na impact sa ulo niya, nagkaroon siya ng Dysarthria. To make it more understandable, hindi na siya nakakapagsalita.

A Silent GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon