Naomi.
Just like what happened noong umalis siya, wala kaming pansinan, walang pakialaman sa mga nangyayari sa mga buhay naming dalawa. Ayoko siyang kausapin. Total, magkasama naman sila palagi ng bago niyang best friend, edi wala naman akong dahilan para pumasok ulit sa buhay niya. Okay naman sana noon pero nagbago na talaga lahat. Wala na talaga kaming koneksiyon for the past 8 months.
I'm friends with Kurt, he's friends with Shelly.
Sina daddy at mommy naman, medyo okay na sila ng dad ni Louie. Parehong lumalago ang nga business ng mga pamilya namin.
"Okay, guys let's plan for our Valentine's Day program." Ah, eto pa... May naalala ulit ako sa mga program program na 'to. Nakakainis na. "Since may ilang weeks nalang tayo for preparation, kailangan natin magtulungan." Sambit ng president namin.
"Ano bang plano Ms. President?"
"Food committee, decorations committee, sound committee, program committee. Kailangan by group nalang para mabilis matapos. Anyone who volunteers to be the leader of food committee? Okay, we have Roselle. Decorations?... Liza, wow first time... Sound?... Jena? Are you raising your hand? Good! And program, eto yung pinakamahirap. As your president, I say no. Anyone else?"
"Nako, mahirap kaya jan. Dadami haters ko." sabi ng kaklase ko sa harap.
"I know marami talagang problema when it comes to deciding about the program at maraming magagalit sayo pag hindi nila nagustuhan ang flow nito. Anyone brave enough?"
...
"Wala talaga? Guys naman, maawa kayo sa presidente ninyo.. Jusko.. Marami pa akong gagawin. I'm so stressed! Wala pa akong pahinga. Hindi na ako nakakatulog ng maayos. Hindi na ako nakakakain ng pagkain ko araw araw, marami pa akong personal problems, tapos marami pang mga judgemental na tao na wala namang ginawa kung hindi manghusga sa akin, nakakabwiset. Have mercy on me!" Mabilis na sabi ng president namin.
...
"Mukhang hopeless na talaga siya. Gusto kong makatulong pero hindi naman ako sobrang responsable para sa mga ganitong bagay. Baka mafail ko lang sila pag ako nagvolunteer."
"Si Naomi nalang daw!" Sigaw ng hangal na Kurt. "Okay daw sa kanya!"
"Naomi, you are a gift from heaven! Okay, si Naomi na daw ang bahala sa program! Thank you! Go to your desired committee, sige na sige na! Bilis!"
Halos lahat ng mga kaklase ko sa decorations pumunta. As if naman tutulong sila. Baka naman messenger sila ng messenger hanggang sa matapos ni Liza lahat ng gawain ng siya lang. Yung iba naman, sa food. Heh, kain lang naman ang habol nila. I based all of these judgements from the past years. Alam ko na 'to.
Ang kasama ko naman sa group, si Kurt, si Joy, si Shelly at si Louie. Oh diba, wonderful.
"Ano nang plano?" Tanong ni Louie.
"Excited? Nag iisip pa ako." Ngayon lang uit kami nagkausap after many months. "Sa prayer muna tayo. Sino ba ang gusto niyong isuggest para dito?"
"Ako nalang Naomi. Saulado ko na lahat ng prayers sa prayer book ko." Sabi ni Joy.
"Sige, 'Joy'." Sinulat ko ang pangalan niya sa prayer. "Ngayon, pag-isipan nalang natin ang activities at games."
....
"Okay, leaders please pass your plans forward." Pinasa ko ang papel sa harap. If you're wondering what happened, wala lang. Quiet place lang kami kanina. Kung sino lang may suggestions, siya lang magsasalita. "Thank you guys!"
*Ring*
"Goodbye and thank you everybody!"
Kinuha ko ang backpack ko at nagmadaling lumabas kasama si Kurt. "Pupusta ako, one thou, nagmamadali kang umalis dahil hindi mo na kayang makatabi o makasama si Louie?"
BINABASA MO ANG
A Silent Goddess
FanfictionTry to imagine a girl, beautiful as a goddess but couldn't speak a word even if she wanted to. She is Naomi Silver Ocampo... and she's bullied because of that. -- What if one day, bumalik ang boses niya? What if one day, everything changes? Her atti...
