Louie.
Sinundan ko siya palabas ng paaralan. Hayst, pag may mangyaring masama kay Naomi ng dahil sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko.
"Naomi! Naomi! Uy sorry na!" Hindi ko alam kung saan siya pumunta. "Naomi! Uyy!" Patuloy padin akong tumatakbo at hanap ng hanap sa kanya. Wala eh. "Paano kung may nangyaring masama sa kanya? Hindi hindi hindi. NAOMI!! NAOMI!"
May nakita akong malaking lalaking may bitbit na babae. "Sandali, si Naomi yun ah! Hoy! Anong ginagawa mo sa kanya!" Tumakbo ako palapit sa lalaking iyon. "Hoy!" Tumingin siya sakin. Walang malay si Naomi. "Bitawan mo siya!"
"Bakit? Anong gagawin mo?" Tanong niya. "Gusto mo bang umuwing sira ang mukha?"
"Hindi ako natatakot sayo! Ibaba mo ang kaibigan ko!" Sinapak ko siya ng hindi nagdadalawang isip.
"At lumalaban ka ah. Pero pasalamat ka nagmamadali ako ngayon. Mauuna na kami ng kaibigan mo." Nagsmirk siya tapos naglakad paalis.
"Hindi pa ako tapos sayo!" Sinipa ko naman ulit ang likod niya at napatigil siya.
"Aba matigas ang ulo mong bata ka!"
"Ibaba mo siya kung hindi.. " Kinuha ko ang pocket knife ko sa bulsa. "Magkakamatayan tayo."
"Inuulit ko. Nagmamadali ako kaya wag mo akong subukan!" Ayaw niya talagang ibaba si Naomi ah!
"Ako ang wag mong subukan! Hindi mo ako kilala!" Mabilis kong tinusok sa paa niya ang pocket knife na dala ko kaya nabitawan niya si Naomi. Buti nalang at nasa damuhan kami. "Naomi, gising!" Nakikita kong unti unting tumatayo ang hayup na 'to kaya binuhat ko kaagad si Naomi at tumakbo paalis.
Mabuti at hindi kami nasundan.
Pagdating namin sa isang waiting shed, pinaupo ko muna siya. "Naomi, gising. Naomi.." Paano ba 'to? May nakita akong water bottle na may konting laman kaya naisipan kong ibuhos ko iyon sa kanya. Buti naman at nagising siya. "Naomi! Okay ka lang ba? Anong ginawa ng lalaking yun sayo?"
Bigla nalang tumulo ang mga luha niya at niyakap ako. "Wala na siya, wala na siya.. Nandito na ako, ligtas ka na. Wag kang matakot." Tama lang ang ginawa ko sa lalaking yun. Hindi ko hahayaang masaktan niya ang kaibigan ko. "Tara, kukunin muna natin ang mga gamit natin sa school at ihahatid na kita sa bahay niyo." Tumango siya at bumalik kami sa classroom para kunin ang gamit namin.
Tamang tama naman, dumating na yung sundo ni Naomi. "Ayan na pala ang sundo mo oh." Duamting din yung akin. "Dito na rin yung akin." Ngumiti siya. Buti naman. "Um, bye?" Kumaway siya tapos tumakbo sa sasakyan nila.
Sumakay na rin ako sa sasakyan namin. Bakit ko ba kasi siya inaway? Napahamak tuloy siya.
Naomi.
Buong biyahe, wala akong inisip kung hindi yung pagligtas ni Louie kanina. May mga hindi pagkakaintindihan nga kami, pero hindi ko padin kaya kung wala siya. Siya palagi ang tumutulong sa akin. Ano nalang kaya kung bigla siyang mawala o umalis? Wag naman sana.
"Ms. Naomi, okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka?" tanong ni kuya. Umiling ako. Hindi ko pwedeng sabihin. Baka kasi masabi niya kela mommy, talagang mapapagalitan ako. "Ah, siguro napagod kayo."
Pagdating namin sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto at nagpahinga. Hayyy, Happy Valentine's day..
"Naomi?" Pinagbuksan ko ng pinto si mommy. "Nakapagpaalam ka na ba kay Louie?" Nakapagpaalam? Huh? Bakit naman? May pupuntahan ba siya? Wala naman siyang sinabi. "Sandali, hindi pa ba niya nasabi sayo?" Ang alin? "Pupunta siya sa U.S. para mag aral. Natanggap kasi siya sa gusto niyang school."
BINABASA MO ANG
A Silent Goddess
FanfictionTry to imagine a girl, beautiful as a goddess but couldn't speak a word even if she wanted to. She is Naomi Silver Ocampo... and she's bullied because of that. -- What if one day, bumalik ang boses niya? What if one day, everything changes? Her atti...
