Dear Naomi,
Palagi kong hinihiling na sana bumalik tayo sa dati. Yung masaya tayong dalawa tapos gagalitgalitan ka kunware sa akin... Pero hindi ko na gusto yung galitgalitan mo ngayon dahil alam kong totoong galit ka sa akin. Ilang beses ko nang sinabi 'to pero sana talaga mapatawad mo na ako. Hindi ko gustong nagagalit ka sa akin. Kung iniisip mo na baka gawin ko ulit yun in the future, hindi, pangako, hindi talaga. Alam kong hindi ko pa 'to nakukwento noon sayo pero yung totoong dahilan kung bakit ginusto kong maging kaibigan ka ay gusto kitang protektahan at tulungan. Dahil sa kondisyon mo noon, alam ko na kung anong mangyayari sayo. Nangyari din ito sa ate ko noon dahil hindi din siya nakakapagsalita, at hindi ko siya natulungan, nagpakamatay siya. Ayokong matulad ka sa nangyari sa kanya. Hindi ko gustong mawala ka dahil habang tumatagal ay naging importante ka na din sa akin. Nung umalis ako, sobrang nag-alala ako sayo dahil baka walang magpoprotekta at tutulong sayo kapag may manakit sayo. Nung nabully ako sa school, naalala kita. Hindi ko alam kung okay ka o hindi. Gusto kong malaman mo na kahit nasa malayong lugar ako ay inaalala padin kita. Hindi kita nakalimutan kahit isang segundo doon. At nung bumalik ako dito, may boses ka na, palaban ka na, at isa pang ikinalungkot ko ay may iba ka nang kaibigan. Ang mas masakit pa doon, hindi na kaibigan ang turing mo sa akin, parang kung sinong tao nalang. Palagi mo akong pinapaalis, pinapalayo sayo pero Naomi, hindi ko talaga kasi kaya. Sobrang nasasaktan ako kapag tinataboy mo ako, kapag masamang tao ang tingin mo sa akin. Ikaw lang ang tanging kaibigan ko na hindi ako niloko o ginamit. Kaya nung hindi mo ako pinatawad, at kahit ilang bugbog pa ang abutin ko kay tito, wala akong pakialam basta gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. Hindi talaga ako sumuko. Ibabalik ko ang pagkakaibigan natin kung papayag ka lang. Tinanong kita kung gusto mong maging magkaibigan ulit tayo, pero ang sabi mo, ayaw mo. Doon ako sumuko. Ayaw kitang pilitin baka lalo ka lang magalit sa akin at hindi ko na hahayaang mangyari yun. Kaya tinanggap ko nalang na wala na talaga ang pagkakaibigan natin. May dumating nanamang sulat, galing sa gusto ni dad na paaralan para sa akin, sa amin at gusto nilang mag-aral ako doon. Naisipan ko din na para hindi na ako makagulo sa buhay mo, aalis nalang ulit ako. Total, hindi mo na rin naman ako kailangan dahil may Kurt ka na diba? Kaya, ngayong Valentine's day, susulitin ko na ang natitirang araw kasama ka. Baka hindi na rin ako makabalik dahil sa scholarship na offer nila sa akin. I'm sorry kung aalis nanaman ako pero dahil mukhang ayaw mo namang nandito ako, mas mabuti pang lumayo nalang muna ako hanggang sa maging totally okay ka na. Hindi na kita guguluhin at hindi na din kita pipilitin pang patawarin ako. Basta palagi mong tandaan na hinding hindi kita makakalimutan at wag mong pabayaan ang sarili mo ah.
I like you, I love you, I purple you.
Louie.

BINABASA MO ANG
A Silent Goddess
FanfictionTry to imagine a girl, beautiful as a goddess but couldn't speak a word even if she wanted to. She is Naomi Silver Ocampo... and she's bullied because of that. -- What if one day, bumalik ang boses niya? What if one day, everything changes? Her atti...