Chapter 13: Another Chance

40 4 0
                                        

Louie.

Kanina pa niya ako hindi pinapansin. Gusto ko lang namang magpaliwanag.

"Class dismissed." Kailangan ko na talagang makausap si Naomi.

"Naomi please, kausapin mo naman ako. Uyy, hindi ka naman ganito kalala noon." Bigla akong hinarangan ni Kurt.

"Hindi ka pwedeng lumapit sa kaibigan ko. Kung ayaw mo ng gulo, lumayo ka nalang sa kanya." Ang tapang nito ah. Siya lang ba ang kaibigan ni Naomi?

"Kaibigan ko din siya."

"Talaga? Kaibigan ba ang tawag sa taong tumulak sa kanya at pinahiya sa airport? Kaibigan ba yung nananakit ng damdamin? Niloloko mo ako eh!"

"Kurt, kurt, tama na. Wag mo nalang siya pansinin. Tara na." Hinila siya ni Naomi paalis.

Ako naman yan noon! Ako yung palaging pumuprotekta kay Naomi. Ako yung sumasagip sa kanya. Tapos ngayon, hindi na ako makakalapit sa kanya? Ano 'to?

"Hindi ako papayag na agawin niya ang best friend ko." Sinundan ko silang dalawa papunta sa library.

Hindi ko pinansin ang halimaw na nasa gilid niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko pinansin ang halimaw na nasa gilid niya. "Naomi." Tumingin siya sa akin. "Kahit limang minuto lang."

"Wala tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na dahil may ginagawa pa ako." Nagpatuloy siya sa pagsusulat. "Wala akong oras para makipagusap sa mga katulad mo."

Kinuha ko ang notebook na sinusulatan niya. "Isang minuto."

"Ibalik mo yan." Sinara ko ang notebook niya at lumabas sa library. "Louie!" New it. "Akin na!"

"Mag-usap muna tayo." Lumabas naman yung Kurt. "Ng tayo lang."

"Hindi ako makakapayag." Panira talga 'to eh. Hanggang ngayon kontra bida talaga siya. "Ibigay mo na sa kanya ang notebook niya."

Nilagay ko sa loob ng bag ko ang notebook. "Umalis ka muna."

"Kurt, kaya ko na 'to. Isang minuto lang naman daw." Yan, makinig ka kay Naomi.

"Hindi ako naniniwala sa kupal na yan. Wala akong tiwala sa kanya." Mas wala akong tiwala sayo.

"Mabilis lang 'to."

..

"Subukan mong saktan siya, magtatapat talaga tayo." Bumalik siya sa loob ng library. 

"59 seconds."
...

"Hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo. Hindi ko lang gustong umasa ka pa na babalik pa ako. Akala ko kasi noon, permanente na ako doon. Napilitan lang akong gawin 'yon dahil ayaw kong maghintay ka sa wala. Alam mo namang hindi kita kayang saktan o iwan. Pero yun ang gusto ng parents ko para sa akin. Nung pumunta ka airport, hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako. Naalala ko lang ang hiniling ng mom ko kaya ako tumuloy. Sana naman naintindihan mo ako. Hindi ko naman planong umalis. Kung hindi nga dumating ang invitation na iyon, hindi naman ako aalis. Please, Naomi, hindi ko ginustong wakasan ang pagkakaibigan natin. Patawarin mo ako."

A Silent GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon