Chapter 1: Day 01

119 3 0
                                        

Naomi.

"Owen, sigurado ka bang hindi mapapahamak ang anak natin sa isang private school? What if sa school for special children nalang ulit? Okay naman siya doon eh." Sabi ni mommy.

"Hun, isang year nalang gagraduate na si Naomi. Alam mo naman ang hiling ng mama mo bago siya mamatay diba? She wants Naomi in that school. Hindi mo ba siya mapapagbigyan?"

"Alam mo naman ang sitwasyon diba? Paano kung ibully siya doon? I can't risk it. I'm sure maiintindihan ni mama." Tumayo ako at hinila ang braso ni mommy. "Oh, Naomi anak? May problema ba?"

Kinuha ko ang maliit kong notebook at sinulat ang, 'Okay lang po. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi naman ako mapapahamak.'

"But Naomi.." Tumango ako sa kaniya. Gusto ko rin maranasan ang buhay ng isang normal na estudyante. "Okay, just make sure na hindi ka nila aapihin doon." Tumango ulit ako.

It's been five years since nangyari ang accident na iyon. The reason kung bakit hindi na ako makapagsalita. But it didn't cause me to stop studying. A private school is really a challenge pero para kay lola, gagawin ko 'to.

--

"Are you sure you're okay about this Naomi? Pwede ka pang umalis." Of course I'm okay with this. Bukod sa hiling ito ni lola, gusto ko rin pumunta sa school na ito. Tumango ako bilang sagot dito. "Okay, I trust you. Basta wag mong pababayaan ang sarili mo ah." Tumango ulit ako. Nginitian ko sila ni dad para hindi na sila magalala. "Bye Naomi, see you mamaya!"

"Bye anak. If anything happens, just go to your teacher." Bilin ni dad. I'm not a kid anymore daddy.

Kumaway ako sa kanila tapos umalis na sila ni mom. Naglakad ako papasok sa gate tapos lumapit sa bulletin board para malaman ang section ko. '6-Silver' Parang pangalan ko lang 'to ah.

Naglakad ako papunta sa classroom ko. Nabigla ako dahil nasa loob na pala ang teacher. Nalito pa kasi ako kanina dahil wala akong alam dito. "Wow, ikaw pala ang transfer student? Class, what do you say to your new classmate?" Tumayo lahat ng magiging classmates ko.

"Hello new classmate. Welcome!" Sabay nilang sabi tapos umupo. Napangiti naman ako dahil dun.

"Sige, introduce yourself to the class." Ha? Paano? Naglakad ako papunta sa teacher. "Dito ka sa front ija." Umiling ako tapos sinulat ko sa maliit kong notebook na, 'May Dysarthria po ako teacher. Hindi po ako nakakapagsalita.' "Oh I'm really sorry, I wasn't informed." Sumulat ulit ako, 'Pero, ang pangalan ko po ay Naomi Silver Ocampo', "Okay. Class, this is Naomi Silver Ocampo. May problem lang kasi kaya hindi siya nakakapagsalita. Okay Naomi, umupo ka sa vacant chair malapit sa window."

Naglakad agad ako papunta sa vacant chair na tinuro ng teacher tapos nilagay ang bag ko sa sahig.

"So since first day of class ngayon, may game ako para sa inyo. By pair 'to okay? Now go find a partner." Nagingay na ang mga kaklase ko at naghanap sila ng mga partner nila. Hay, paano ba 'to? Wala naman akong kilala dito dahil bago palang ako. Kung sino nalang ang maiiwan.

"Okay. May pair na ba ang lahat?" Nag 'Yes' na lahat ng classmates ko. Sandali lang wala pa akong pair. Tinaas ko ang kamay ko, buti naman nanotice ni teacher. "Sandali, sino ang gustong maging pair si Naomi?"  Walang ni isang nagtaas ng kamay. "Kurt at Ryan, pwede niyo bang isama si Naomi sa group niyo?"

"Po?" Tumingin ako sa kanila. Tumingin din silang dalawa sa akin. "Bakit sa amin?" Sabi ng isa sa kanila.

"As the highest grader, Kurt, you need to guide Naomi. Bago palang siya. Ikaw rin Ryan." Tumango silang dalawa. "Sige na Naomi, pumunta ka na sa kanila." Tumayo ako tapos lumapit sa kanila. "Okay. Now that may pair na ang lahat..."

"Ikaw," Sabi ni Kurt. "Siguraduhin mong may maitutulong ka sa amin." Tumango agad ako.

"Ang game natin nagyon ay isang spelling bee. I will pronounce the word and you should write the spelling of it correctly. Paramihan ng tamang sagot, okay?"

"Sigurado akong tayo ang mananalo dito Kurt." Sabi ni Ryan.

"Okay, first word..." Niready na nilang dalawa ang white board at marker nila.
...
...
..

"I will tally the scores." Nagkaroon ng konting katahimikan. "Winners, Kurt, Ryan and Naomi. Congratulations." Nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

"Thank you! Ang totoo niyan kaming dalawa lang ni Ryan ang nagtulungan. Wala namang naitulong ang piping 'to sa amin." Sambit ni Kurt. "Umupo lang naman siya diyan at nanood." Anong magagawa ko? Eh hindi naman nila ako pinapayagang tumulong sa kanila.

"Kurt, don't be like that. It doesn't mean na ikaw ang highest honor dito, pwede po nang sabihin yan. Of course Naomi is still adjusting. Kaya nga pinasali ko siya sa group niyo para matulungan niyo siya. I didn't expect this to happen. Bawiin mo ang sinabi mo kay Naomi." Tumingin siya sa akin at sinamaan pa ako ng tingin.

"Sorry." Tipid niyang sabi.

"Good. Naomi, are you okay?" Tumango lang ako kay teacher. Kahit na nakakasakit ang sinabi ni Kurt, papalampasin ko lang iyon. Wala naman akong magagawa eh. "Okay back to your proper seats. We'll wait for the prayer."

Bumalik ako sa upuan ko at tumingin sa labas ng bintana. Don't worry Naomi, this is just your first day. Hindi ka lang siguro sanay dito.

Nagring yung bell tapos nagdasal muna kami tapos lumabas na lahat. Ako lang yung naiwan dito. "Naomi?" Tumingin ako kay teacher. "If you don't mind, bakit hindi ka makapagsalita? What happened?"

Kinuha ko ang notebook ko at nagsulat, 'Naaksidene po kasi ako five years ago. Naapektuhan daw yung speech ko dahil dun.'

"Ah, kaya pala. Buti naman at nalaman ko ito. I hope your classmates also understand. Lalong lalo na si Kurt. May pagkaganon talaga siya, you know mayabang. But don't mind him." Tumango ako. "Hindi ka ba pupunta sa canteen?" Umiling naman ako. May dala kasi akong snacks ngayon. "Okay. Aalis muna ako ah. Can you watch the room for me?" This time tumango ako. "Salamat Naomi." Lumabas naman si Teacher.

Well, ganon lang talaga ang magagawa ko. Tumango at umiling. This is the disadvantage of being mute. "Kurt!" Napatingin ako sa pinto. "Wala siya dito?" Sino siya? "Sino ka? Bago ka ba dito?" Tumango ako. "Alam mo ba kung nasaan si Kurt? Kilala mo naman siguro siya." Nakafreeze lang ako dito, hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. "Okay ka lang ba?" Lumapit siya.

Agad kong kinuha ang notebook ko at nagsulat, 'Lumabas siya at pumunta sa canteen. Pasensiya na hindi ako nakakapagsalita'

"Ah, sorry hindi ko alam. Ako nga pala si Louie." Inabot niya sa akin ang kamay niya. Pero, tinignan lang ako lang yun. Hindi ko alam kung iaabot ko rin ang kamay ko. "Um," Inalis na niya ang kamay niya, "Paseniysa na. Ikaw, anong pangalan mo?"

Nagsulat ulit ako, 'Naomi Silver Ocampo.'

"Nice to meet you Naomi. Mauuna na ako, pupuntahan ko pa si Kurt. See you again Naomi!" Sabi niya tapos umalis.

Ano raw yung pangalan niya, Louie?

"Ay teka," Bigla siyang bumalik. "Nasa kabilang room lang ako. 6-Gold. Punta ka minsan ah! Bye!"

A Silent GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon