Naomi.
After ng early lunch namin, napagdesisyonan ng presidente namin na magslow dance daw. Ewan ko naman sa slow dance slow dance na yan.
Si Louie oh. Feel na feel. Nagtatawanan pa nga silang dalawa. Hayy..Pasalamat talaga siya mabait ako.
"Gusto mong sumayaw?" Umiling ako. Hindi ako sumasayaw noh. Hindi ko hilig ang mga yan. "Okay.." Tumingin ako kay Kurt. Mukhang bigla siyang nalungkot. Tsk, ano ba yan Naomi, wag kang maging selfish. Pagbigyan mo na yung tao.
Tumayo ako tapos hinila siya patayo. Sa ekspresiyong nakikita ako, mukhang naguguluhan siya.
"Sandali, sasayaw tayo?" Tumango ako. "Akala ko ayaw mo?" Nag shrug ako. Alangan naman susulat pa ako diba? "Marunong ka?" Yun lang.. "Sige, tuturuan kita ah. Basta wag mo akong tapakan."
Hinawakan niya ang mga kamay ko tapos ipinatong iyon sa balikat niya. Tapos, hinawakan niya ang bewang ko. Necessary ba talaga 'to?
"Yan. Tapos sundin mo lang ang paa ko." Sinunod ko naman yung sabi niya and... I'm doing it. Aba, ngayon ko lang 'to ginawa ah. Ineexpect ko na si Louie ang tuturo sa akin ng ganito pero, iba pa pala.
Nag-iba ang music at napatigil kaming lahat. Wow... 'Kung di rin lang ikaw' talaga? Galing.. Di naman bagay yan ngayon eh. Pang heartbroken naman yan.
"Upo na tayo. Nagsiupuan na rin naman lahat eh." Lahat, maliban kela Louie. Jusko naman, ganyan na nga yung music, sumasayaw padin sila? Oy, tama na yan! Silang dalawa nalang ang natira oh. Nagsosolo dance na.. "Problema nila?" Ewan ko ba sa kanila.
After matapos ng song, nagbigay ng message si Ms. President namin. It's mostly about what she felt. Mostly? Ay, lahat pala tungkol sa pag-amin niya kay Louie. Pagkatapos ng speech, nagpicture taking kaming lahat.
"Naomi, salamat sa pagsama mo sa akin. I really appreciate it. Kahit na ang sama sama ko sa iyo noon, mabait ka padin sa akin. Pwede mo naman akong ireject nung tinanong kita diba? Pwede ka namang umiling. Maiintindihan ko naman." Matagal na rin naman yun. Alam ko namang nagbago siya, kaya okay lang sa akin na maging partner ko siya.
Louie.
Pagkatapos naming magpicture taking, pupuntahan ko na sana si Naomi. Kaso, ang walang hiyang Kurt na 'to, kinausap pa siya. Hindi ba sila nag usap kanina? Kanina ko pa nga napapansin ang mga titigan nila eh. Hay, sinapak ko na talaga 'to kanina kung wala lang tao.
Bago pa man ako makalapit, bigla niyang niyakap si Naomi. KITANG KITA NG DALAWA KONG MGA MATA NA NIYAKAP NIYA SI NAOMI! BW*SIT SIYA! Plano ba niyang agawin si Naomi? Mawawala muna ako...
Kumawala sila tapos lumabas sa classroom. Susundan ko sila. Malay ko ba kung anong pwede niyang gawin kay Naomi. "Louie!" Hinarap ko si Suzie. Pagkatapos ng araw na 'to, nalaman ko na sobrang clingy niya pala. Isa sa nga bagay na ayaw ko sa mga babae. "Nagustuhan mo ba yung speech ko? Para sayo yun.." Isa pa 'to. Tumingin ulit ako sa pinto. Sht. Wala na sila. "Teka, saan ka pupunta? Picture muna tayong dalawa.." Ano? Kanina pa siya kuha ng kuha ng pictures namin.
"Next time nalang." Tumakbo ako palabas ng classroom. Nasaan na ba silang dalawa? Sinubukan kong pumunta sa front gate, wala sila doon. Tapos sa garden, wala rin. "Hayop kang Kurt ka. Saan mo dinala ang kaibigan ko?"
Tumakbo ako pabalik sa classroom. Nagbabakasakaling bumalik sila. "Nakita niyo ba sina Naomi at Kurt?" Tanong ko sa cleaning committee.
"Kanina pa sila umalis." So saan sila pumunta?
"Sige, salamat."
Naghanap ako sa hallway. Nagbabakasakaling makita ko silang dalawa. Lahat na ng hallways, napuntahan ko, ano ba 'to? Nasaan na sila? Anak ng baboy naman oh.. Sasapakin ko pa sana ang walang hiyang lalaking yun sa mga ginawa niya.
Hanggang sa nakarating ako sa locker room. "Hayst.." Nandito lang pala siya. Hinila ko siya at sinara ang locker niya. (Boy in luv scene) "Hoy Naomi." Tinaasan niya ako ng kilay. Aba.. "Nasaan na ang lalaking yun? Talagang sasapakin ko na siya!" Nagsalubong ang nga kilay niya. "Eh hindi naman pwedeng, HAYAAN ko nalang siyang gawin yun sayo? Yung yakap? Yung pagbuhat buhat niya? Yung HALIK?! Alam mo namang hindi pwedeng gawin yun ng kung sino sino lang sayo."
Naomi.
Bakit ba ang OA niya sa mga bagay?
'Yung yakap? 'Thank you' niya yun sa akin dahil naging partner ko siya. Yung buhat buhat? Hindi naman pwedeng magpatalo kami. At yung halik? Jusko Louie, dare lang yun. Wag kang OA.'
"Pwede naman niyang sabihing 'Thank You' lang. Bakit may pa yakap yakap pa? At yung sa halik na yun? Siya palang yung pinakaunang lalaking humalik sa pisngi mo, maliban kay tito. Pwede namang hindi gawin ang mga dare na yun. Palibhasa gusto din niya! At ikaw? Hahayaan mo nalang yun? At sinubuan mo pa talaga siya ng ice cream?"
'It's a part of the activity. Hindi naman ako kill joy. Sinubuan ko lang naman siya. Ikaw kasi, binibigyan mo ng malisya.'
"Wow, malisya? Alam mo, sana hindi ko nalang pinayagan ang lalaking yun. Kung alam ko lang ang mga mangyayari ngayon, edi hindi nalang kita pinayagang makapares siya." So anong sinasabi niya? Mas mabuti kung ako nalang ang walang pares sa araw na 'to? Napaka inconsiderate naman niya.
'Ako lang ang walang kapares kung hindi ka pumayag.'
"Mas mabuti pa ngang wala kang kapares kesa sa makapares mo ang isang hangal, tulad niya!" Huh, ang selfish naman niya!
'Kung ako nga pinagbigyan ko yung Suzie mo. Gusto mo siya diba? Sinuportahan naman kita.'
"Sandali. Anong.. Paano mo.."
'Kanina ko pa napapansin. Kita mo? Ikaw nga, kasama mo ang taong gusto mo sa araw na ito. Pero ako, ayaw mong may kapares ako? Ang selfish mo Louie'
"Ano? Pinoprotektahan lang kita Naomi! Bakit hindi mo ako maintindihan?" Pinoprotektahan? Nagbibiro ba siya?
'Protektahan? O mas pinapairal mo lang galit mo kay Kurt kaya ayaw mong makapares ko siya? Tapos na yung nangyari noon, Louie.'
"Oo, pero alam kong hindi parin nagbabago ang lalaking yun." Wala kang proweba.. "Wag mo na siyang kausapin. Wag na wag mo nang kausapin ang lalaking iyon."
Ano bang problema niya? 'Kung hindi dahil kay Kurt, siguro hindi na ako nakapunta dito. Ikaw, nagpapakasaya kasama ang babaeng gusto mo, tapos ako sa bahay lang? Mag-isip ka nga Louie. Unfair naman yun para sa akin! Ano ba? Kaibigan ba talaga kita? Bakit hindi mo ako maintindihan?' Tumakbo ako palabas sa school.
Wala namang masamang intensiyon o ginawa si Kurt sa akin. Kung makapagsalita siya akala mo isang kriminal ang nakapares ko.
Louie.
Sobra na ba ang mga nasabi ko? Sobra na ba para isipin niyang hindi niya ako kaibigan? Siguro nga.. Hindi ko alam eh. Sa mga nakita ko kanina, sa tingin ko gusto niyang agawin si Naomi. Para bang ginagamit na niya yung opportunity na yun para magkalayo kaming dalawa. Hindi ko alam kung galit ba ako, o nagseselos na.
BINABASA MO ANG
A Silent Goddess
FanficTry to imagine a girl, beautiful as a goddess but couldn't speak a word even if she wanted to. She is Naomi Silver Ocampo... and she's bullied because of that. -- What if one day, bumalik ang boses niya? What if one day, everything changes? Her atti...