Naomi.
"Very good naomi for having the perfect score. The only one." Sabi ng teacher namin. "Bakit ganito ang mga scores niyo? Out of 20, 3? 5? 8? 1? Did you even listen to our discussion? Nag aral ba talaga kayo?"
"Nakalimutan po kasi namin." Sabi ng isa naming kaklase.
"Anong nakalimutan? Kahapon ko lang inanounce diba? Paanong makalimutan? Wala naman kayong mga importanteng gagawin ngayong araw. Mga iresponsable! For those who got scores below fifteen, write a letter to your parents and state the reason why you didn't pass the quiz." Agad din siyang lumabas.
"Ano ba tingin niya sa sarili niya? Ang hirap pa naman ng subject niya."
"Akala niya madali ah. Siya kaya sa pwesto natin?"
"Nakakasira ng araw! Ano ba 'to?!"
"Guys, kumalma nga kayo. Gumawa nalang kayo ng letter para walang gulo." Sabi ng president namin.
Yan kase.. Ang nakuha ni Shelly 7, kay Louie naman 4. Sa pagka-alala ko, nabanggit ko sa kanila na may quiz kanina... Psh..
"Salamat talaga Naomi dahil nasabihan mo ako kanina. Kung hindi, nako, mapapagalitan talaga ako. Thank you for letting me have the score of eighteen." Buti pa ang isang 'to.
"Walang ano man Joy." Tumingin ako kay Kurt. Kanina pa siya nagrereklamo dahil isa daw ang mistake niya. Pinalitan niya kasi ng maling sagot ang sagot niya na tama pala. Relate kayo noh? Charot.
"Hoy Kurt, wag ka ngang madepres. At least isa lang ang mistake mo diba? Yung iba nga hindi na narating ng scores nila ang kalahati ng perfect score. One mistake? Jusko, okay na yan."
"Sayang kasi."
Hindi na bumalik ang teacher namin pagkatapos niyang magwalk out. Nakakainis din kasi sa part niya.
Riiiing....
"Sandali lang." Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tumatawag. "Dad, ano po yun? Bakit po kayo napatawag?"
"Nak, pwede bang umuwi ka muna? May kailangan ka kasing gawin para sa amin ng mommy mo."
"Po? Ano po yun?"
"Remember Louie's dad?" Yep. Louie's dad. Mabait sana siya kaso walang hiya ang anak niya. "Nirecommend kasi siya ng mga prioritized business partners namin. Hindi ko siya mahaharap baka kung anong magawa ko. Same thing with your mom."
"So? Bakit niyo pa siya kakausapin? Galit kayo sa kanya diba?"
"Our partners said na kapag hindi daw natin kausapin ang dad ni Louie, baka daw magback out sila sa upcoming projects namin, which is food business."
"Sige. I'll try."
"By the way, I know you wouldn't like it pero, pwede mo din bang kausapin si Louie?" Tch, bakit naman? Wala naman siyang kinalaman dito. "We talked to his dad's secretary, at hindi daw basta bastang nagpapapasok ng kung sino ang dad ni Louie. Kailangan pa magpaschedule ng appointment. But this is urgent."
"Dad, I can't and I won't. Hindi pa kami totally okay, so, hindi talaga pwede."
...
..
..
"Okay. Hahanap nalang kami ng paraan. Kailangan naming makausap siya as soon as possible or our project's gonna fail. Sorry tumawag ako sa ganitong oras. Emergency lang talaga."
"It's okay dad. I'm sorry din."
"Ingat sa pag uwi ah." call ended
"Tungkol sa ano yun?" Tanong ni Kurt.
BINABASA MO ANG
A Silent Goddess
Fiksi PenggemarTry to imagine a girl, beautiful as a goddess but couldn't speak a word even if she wanted to. She is Naomi Silver Ocampo... and she's bullied because of that. -- What if one day, bumalik ang boses niya? What if one day, everything changes? Her atti...
