Naomi.
"Naomi?! Oh my gosh, what happened?" Pumasok sina mommy at daddy sa loob. "Ito yung sinasabi ko eh.. Hindi ka na sana pumunta pa dito."
"Kaya pala hindi ka nakauwi kahapon." Sabi ni daddy. "Maybe your mom's right. Wag kang mag alala, itatransfer ka nalang namin ng school."
"Mr. And Mrs. Ocampo, we are so so sorry. In behalf of the school, humihungi ako ng tawad." Sabi naman ng principal, kasama ang adviser namin.
"You better be. Anong klaseng school ba 'to? Bakit ganito ang nangyari sa anak namin? You know what? I should sue you." Hinila ko ang braso ni mommy. Sobra naman yun. Buhay naman ako. "Anak, tell us, who did this?"
Tumingin sila ni daddy kay Louie. "Siya ba anak? Siya ba ang nambully sayo?! Sabihin mo sa amin ang totoo." Sabi ni daddy.
"Bakit mo ginawa 'to sa kanya ah?! Anong klaseng pagpapalaki ba ang ginawa ng mga magulang mo ah?! Alam mo naman ang kondisyon ng anak ko diba?!" Bakit si Louie ang sinisisi nila? Kung nakakapagsalita lang talaga ako..
"Hindi po, hindi po. Hindi po ako ang gumawa sa kanya niyan. Nakita ko po siya kanina sa likod ng school, na nakatali sa isang puno doon. Maniwala po kayo wala akong kasalanan."
"Ma'am, sir," Bumalik ulit sa ma'am nurse. "Siya po ang nagdala kay Naomi dito." Hay, buti naman at dumating siya. Baka kung ano na ang nagawa ng parents ko sa kaibigan ko.
"Is this true Naomi?" Tumango ako kela mommy. "Hay, I'm sorry iho. Galit lang talaga kami ngayon. Pasensiya na sa mga nasabi namin."
"Okay lang po."
"Naomi, isulat mo kung sino ang may gawa sayo nito." May inabot sa akin na papel si daddy. Anong isusulat ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na sina Beth at Nei ang maygawa nito. Lalong magagalit silang dalawa sa akin. "Please Naomi."
'Hindi ko po alam. Hindi ko sila kilala.'
"What? Are you telling us the truth?" Tumango ako. "So we'll blame it on the school. Bukas na bukas ipaeenroll kita sa mas mabuting school. You should leave this place."
'Mommy at Daddy, wag na po. Okay na rin naman ako eh.'
"No. Pwede pang maulit ang pangyayaring 'to. We won't let that happen." Paano ko ba sila pipilitin? "At wag mong sabihin that you can handle yourself. Tignan mo ang nangyari sayo."
...
...
...
..."Babantayan ko po siya kung gusto niyo." Biglang sabi ni Louie.
"We can't trust you yet. Hindi ka pa namin kilala ng lubos." Sagot ni mommy.
"What's your last name? Who are your parents?" Tanong naman ni daddy. Kinikilatis ba talaga nila si Louie?
"Louie Salazar po. I'm not sure if you know my dad, Jonas Salazar, owner of 'Dine' Restaurant. And my mother, um-"
"She's Aimie? Am I right?" Sabi ni Mommy. Kilala niya ang pamilya ni Louie?
"Well, kilala naman pala namin ang parents mo. We're close friends. Thank you for saving our daughter." Sabi ni daddy tapos ginulo ang buhok niya.
'Daddy, mommy, dito nalang po ako. I promsie you, hindi ko hahayaang mangyari ulit 'to. Please? Babantayan naman daw ako ni Louie.'
"Okay sige, pero isang insidente nalang, aalis ka dito." Tumingin sina mommy kay tecaher. "And I'll make sure na wala nang magpapaenroll sa inyo kapag may masamang mangyari sa anak ko, ulit."
"We'll go now anak. Gusto mo bang umuwi?" Tanong ni daddy. Umiling ako. Magpapahinga nalang muna ako dito at kapag okay na ako, pupunta ulit ako sa classroom.
"Okay. See you later Naomi. Be careful okay?" tumango ako. "Louie, please keep an eye on her." Tapos umalis na sila.
"Naomi, we are really sorry. We will not let this happen again." Ngumiti ako kela teacher.
"Sige na, magpahinga ka na muna. Sigurado akong pagod na pagod ka." Sabi ng adviser namin. Tumango ako at humiga ulit.
"Teacher, pwede ko ba siyang bantayan?" Tanong ni Louie.
"Sure. Excused ka for today Louie." Umalis na rin si teacher at ang principal namin.
"Kamusta na pakiramdam mo?" Nagthumbs up ako sa kanya. Napangiti naman siya. Hindi ko gustong mag alala pa sila. "May gana ka pang mag thumbs up ah."
--
"Are you sure you're okay? Baka may masakit pa sayo. Hindi mo naman kailangang pumasok ngayon eh. Bukas nalang para siguradong okay ka."
Kahit pinipigilan niya ako, tumayo pa din ako at inayos ang suot ko. Buti nalang may mga blouse at sweat pants dito. Loose lang yung blouse kasi payat ako.
"Naomi, dito ka nalang muna." Inayos ko muna yung gamit ko sa bag. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Gusto mo ba talagang mag alala ang parents mo?" Hinarap ko siya at umiling ako. "Then stay and rest."
I shrugged it off and carried my bag. Hindi niya ako mapipipilit. Narinig ko naman na tumakbo siya palapit sa akin.
"Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?" Naintindihan ko naman, ayoko ko lang talagang sundin. "Uhm, mauna ka muna. May pupuntahan pa pala ako." Mabilis siyang tumakbo paalis. Saan naman siya pupunta?
Nang nasa harap na ako ng pinto ng classroom, huminto muna ako. Papasok ba talaga ako? Oo. Papasok ako kahit ano pang sabihin nila. Pero baka sumugod ulit sina Beth? Paano kung may gagawin ulit sila? Hay anong gagawin ko?
...
"Sandali!" Sigaw niya habang tumatakbo papunta sa akin. "Sabay na tayo." Ha? Anong sabay? Sa ibang classroom naman siya ah. "Pinilit ko ang principal natin na lumipat ako dito. Hindi siya ng hindi kanina pero after threatening her, pumayag naman siya." Iba siya ah. "Papasok ka na?" Tumango ako. Inikot niya muna ang doorknob. "Babantayan kita. Wag kang mag alala. Dito lang ako." Sabi niya tapos binuksan ang pinto.
"Naomi, are you okay now? Papasok ka ba talaga?" Tanong ni Teacher. Confident naman akong tumango. "Okay. Louie?"
"Pinalipat po ako ng principal dito. Tanongin niyo pa po siya kung hindi kayo naniniwala. Gusto ko lang pong protektahan si Naomi."
"Okay then. Pumasok na kayo." Hinila ni Louie ang kamay ko at umupo sa upuan namin. Pinalipat muna ni teacher ang katabi ko para makatabi ko si Louie. Hay, lahat nalang gagawin niya para mabantayan ako.
"Now I have my eyes on you. Palagi na kitang mababantayan. Don't worry Naomi. Sisiguraduhin kong wala nang mananakit sayo." Sabi niya in a very serious tone. Ngayon ko lang narinig siyang nagsasalita ng ganon ka seryoso. "I promise you that."
BINABASA MO ANG
A Silent Goddess
Hayran KurguTry to imagine a girl, beautiful as a goddess but couldn't speak a word even if she wanted to. She is Naomi Silver Ocampo... and she's bullied because of that. -- What if one day, bumalik ang boses niya? What if one day, everything changes? Her atti...