Bridge's P.O.V
Naglalakad kami sa corridor dahil break na namin at pupunta kami ngayon sa cafeteria. Napaisip agad ako ng maalala ko ang lalaking yun. Ex ni Maxine? Bakit siya andito? Babalikan ba niya si Maxine? Hayz! Bakit ba ako nag-iisip ako ng ganito.
"Bridge! Ano? Tatayo ka na lang?" napapitlag ako dahil sa narinig na pagsita ni Cross saakin. Naka-upo na pala sila. Umupo ako sa bakanteng upuan.
"Ano bang iniisip mo? Ang lalim ah!" hindi ko pinansin si Sky. Pino-problema ko ngayon ay si Maxine. Mahal pa kaya niya ang lalakeng iyon!
"Miss flat!"
Napatingin ako sa gawing isinigaw ni Kyle. Si Binj na naman siguro ang iniinis neto. Napa-iling na lang ako.
"Aba't! Bakit hindi namamansin yun? Parang others lang!" maktol ni Kyle nang hindi isya pansinin ni Binj. Tulala ang tatlo sa DQ. Cassandra, Binj and... Maxine.
"Talagang hindi ka papansinin niyon! Alam mong may pagkamuhi yun sa'yo!" sabi ni Sky kaya nakatanggap siya ng batok kay Kyle.
"Gago!" sabi na lang ni Kyle bago tumingin ulit kay Binj. "Ikaw, pancake na babae ka! Wala pang nang-iisnob kay Kyle Montecruz! Lagot ka saakin!"
Hayz... Tinignan ko si Maxine... kausap nito si Cassandra. Ano kaya ang nangyayare ngayon?
3rd Person's P.O.V
"Bakit kaya nandito ang mga ex niyo? Ano yun? Binabalikan kayo?" tanong ni Amanah sa tatlong nakatunganga lang.
"As if may babalikan pa sila! Huh!" naiiritang sabi ni Binj bago tinusok ng tinidor ang manok niiya. Kanina pa niya ginagawa yun kaya ayun ang nakakaawa na ang manok tignan,
"Wag mo namang i-double dead yang manok! Akin na nga yan kung hindi mo kakainin!" sita ni Amanah at akmang kukunin ang plato ni Binj pero pinalo siya ni Binj at tinignan ito ng masama.
"So? Anong gagawin niyo? Iiwasan niyo ba sila?" tanong ni Micah bago uminon ng orange juice.
"Hindi natin magagawa iyon sapagkat magka-klase na tayo. Maging civil na lang siguro tayo sa kanila." sabi ni Cassandra na ikinatango ng apat.
"Pero sayang yung isa oh! Gwapo pa naman!" sinamaan ng tingin ni Cassie si Micah dahil sa sinabi niya.
"What?!" defensive na tanong ni Micah. "Uma-appreciate lang ako ng mga gwapo sa mundo." sabi pa nito na ikinaikot ng mata ni Binj at Maxine.
"Eh, yung si Sky? Gwapo yun ah! Bakit hindi mo manlang sinabihang gwapo?" tanong ni Amanah. Sumimangot naman si Micah.
"Eww! Yung bwisit na mokong na iyon? Eww... Yuck!"
"OA mo teh!"
Binato na lang ni Micah ni Amanah ng tissue. Naiinis na siya eh.
Pero aaminin ko... gwapo naman talaga ang langit na iyon!
Napa-isip ni Micah sabay ngiti...
Pero hindi alam ng lima na habang nag-uusap sila ay nakamasid sa kanila ang tatlong myembro ng Fifth hell.
"Cassandra still hates me..." nasambit ni Yohan sa kawalan. Ayaw man niyang aminin pero nasaktan siya nung sabihin ni Cassie ang mga katagang nasa classroom sila. Pero alam naman niyang kasalanan rin niya. Siya ang nang-iwan at siya rin ang naghanap ng iba.
"Hindi lang naman ikaw. Hindi nga ako pinapansin ni Binj eh. Nagpapansin na nga ako pero walang effect! Hayz! Martyr pa naman minsan ang babaeng iyon!" sambit naman ni Eric habang hindi hinihiwalayan ng tingin si Binj na busy sa pag-uusap sa mga kaibigan neto.
"Alam niyong malaki ang atraso natin sa kanila so you should expect it." sabi ni Tyrone at napatingin sa grupo ng 5X at pinako ang tingin kay Bridge. Natatandaan pa niya kung paano nito yinakap si Maxine nung nagkita sila sa subdivision na iyon.
"Alam niyo! Marami namang ibang babae diyan ah! Bakit niyo pa hinahabol ang mga babaeng iyan?" tanong ng playboy sa grupo na si Michaelo.
"Dahil mahal namin sila..."
"Eww! Kadiri ka Tyrone! Wala sa bokubolaryo ko iyan kaya sorry ka! Hindi ko naiintindihan ang word na mahal na iyan. Yuck!" mahabang lintanya ni Aaron kaya nakatanggap siya ng batok kay Tyrone.
"Gago! Kung ikaw talaga ang main-love, pagtatawanan kita!" banta ni Tyrone.
"Well, baka nga mangyari iyon. Nakuha ng interes ko ang babaeng iyon." sabi ni Michaelo na nginuso si Michaela.
"Wow! Nagka-interes ka pa sa kaibigan ni Cassandra. Malupit yan pare!" sambit ni Yohan at umiling. Nakatitig parin siya kay Cassandra.
"Interes lang naman." sambit nito. Hindi na lang nag-komento ang apat at tinignan ang grupo ang DQ.
Pero napansin ni Cassandra ang pagtingin na iyon kaya sinuri niya ang paligid pero imbes na sa grupo ng Fifth Hell mapadpad ang mga mata niya ay sa leader ng 5X siya napatingin. Nakatingin rin pala si Ace sa kanya!
Tinaasan ng kilay ni Cassandra si Ace. Ngumite si Ace dahilan na mapamura si Cassie.
"Damn! Bakit ba ngumingiti ang isang yun?!"
Tanong ni Cassie sa utak niya pero nawaglit iyon ng namataan niyang tumayo si Ace at naglakad papunta sa kanya. Hanggang huminto ito sa harap niya.
"Mag-usap tayo." simpleng sabi nito at hinawakan ang wrist ni Cassie na ikinagulat niya.
Sa kabilang lamesa naman ay hindi na nakatiis si Yohan at tumayo na ito. Hindi niya gusto na may humahawak sa babaeng mahal niya. Lumapit siya sa lamesa ng DQ at inalis ang kamay ni Ace sa wrist ni Cassie.
"Hey! What's wrong with you?!" galit na tanong ni Ace pero hindi siya nagtaas ng boses. Pinagtitinginan na sila ng mga ibang estudyante.
"Get rid of your filthy hands on the woman I love." Sabi ni Yohan na ikinatigil ni Cassie. Naglaban ng tingin ang dalawang lalake.
"Wala akong pakialam kung mahal no siya... hindi ka naman niya mahal pabalik ah! Kaya wala kang karapatan!" sabi ni Ace at akmang susugudin si Yohan pero nakalapit na ang grupo ng dalawang panig.
Habang ang miyembro naman ng DQ ay naghihintay lang sa magiging sagot ni Cassie. Bumuntong-hininga si Cassie bago nagsalita.
"Tumigil nga kayong dalawa! Sasama na ako sayo, Ace sa kung ano mang pag-uusapan natin."
"Pero----"
HIndi na naipagpatuloy ni Yohan ang pagsasalita ng lumakad na paalis si Cassie. Matagumpay na ngiti ang iginawad ni Ace kay Yohan. Iniwas lang ni Yohan ang tingin niya. Nasaktan man siya sa inasal ni Cassie pero binawaleng-wala na lang niya iyon.
"Hoy! Ace Monteverde! Mag-uusap tayo o mag-uusap tayo?! Bilisan mo diyan!"
Napatawa na lang ang iba sa inasal ni Cassie pero hindi si Yohan. Lumapit na si Ace kay Cassie. Inirapan lang ni Cassie si Ace at naglakad na ang dalawa. HIndi nga nila alam kung saan sila pupunta eh.
"It's harder that I thought. But, this is only the start. I will get you back, Cassandra. I will..."
~~~~~~~~~~~~~
Oiy! Musta na kayo? Naiinip na ba kayo sa matagal na updates? Sorry na poh! Eto na ang hinihingi niyong update and treat ko na rin sa Valentines kahit late na.
TANDAAN: WALANG FOREVER (#BITTER SI AUTHOR)
VOTE
COMMENT
FOLLOW ME
BINABASA MO ANG
War Of Gangsters
Teen Fiction#200 in TeenFiction in April 25 2019 War Of Gangsters - They KILL. They FIGHT. They have NO MERCY. They are not that usual girls who love shopping or stuffs. They have no FEAR when it comes to DEATH. NO ONE wins against them. . . - They're FAMOUS...