Amanah's P.O.V
" Sino si Montenegro? " tanong ko sa isa naming kaklase.
" Ahh! Yung lalakeng naka-upo sa dulo. " sabi niya saakin kaya nagpasalamat na ako. Pumunta na ako sa lalaekng itinuro niya.
" Excuse me, Mr. Montenegro? " tanong ko sa kanya. Making sure lang naman.
" Yes. What do you need? " tanong niya saakin. Aii! Grabe! Hindi nalkikinig eh!!
" Partner tayo sa project. " simple kong sagot sa kanya.
" Ahh! Okay. " sabi niya at naglagay ng headset. Napanganga na lang ako. Wala ba sikyang pakialam sa project namin? Walangya toh! Tinanggal ko ang headset niya kaya napatingin ulit siya saakin.
" Hoy, lalake! Wala ka bang pakialam sa project natin? Tumayo ka na jan at bibili pa tayo ng materials sa gagawin natin. Walangya toh! " sabi ko at hinila ang kamay niya. Tapos na ang klase namin dahil nga daw sa project na pinagawa ng professor namin.
Nagulat ako ng pumigsi siya.
" Hey! What's your problem? " tanong niya saakin. Bwisit! Bakit bato english ng english? Bumuntong hininga ako.
" Hoy! Lalake ulit! Sabi nang gagawa tayo ng project eh! Tigas ng ulo! " sabi ko sa kanya. Tinignan lang niya ako ng bored look.
" Oh! Ano namang tingin yan? " inosente kong tanong sa kanya.
" Hey, Miss-whoever-you-are. May 3 days pa tayo na magagawa ang project. Bakit ka ba nagmamadali? " kalmanteng tanong nito.
" Oo. 3 days pa bago ipapasa at ngayon na ang simula ng 3days na yun at kailangan na nating magsimula, pero kung ayaw mo namang tumulong, okay lang naman at sasabihan ko na lang si Sir. " sabi ko sa kanya sa kalmante rin na tono. Pero sa loob-loob ko nanggagalaiti na ako sa galit.
" Tsk. Fine. Let's go! " sabi niya at siya na ang humila sa kamay ko.
------------------
" Anong mas maganda? Blue or Red? " tanong ko kay Montenegro. Hindi ko alam ang pangalan niya eh at wala akong balak na magtanong.
" Red. " tumango ako. Ang tipid talaga magsalita ng mokong na ito. Kinuha ko ang red na ribbons. Pumunta naman ako sa mga color papers. Bawal na ang red dahil may red na ribbons na so . . . anong kulay?
Cross'es P.O.V
Nakita kong nalilito na tong babaeng ito sa kulay na pipiliin niya. Ewan ko ba sa kanya at bakit minamadali ang scrap book na pinapagawa ng professor namin. Oo, scrap book lang ang pinapagawa sa amin na nagco-contain ng history ng China. Kaya ewan ko sa kanya kung bakit may ribbon-ribbon pa. Napa-iling na lang ako.
" Bakit ba kasi may pa ribbon-ribbon pa? " bulong ko.
" Gusto ko lang, bakit ba? " nagulat ako nang sumagot. Narinig niya pala.
" History kasi ang pinag-uusapan, hindi rin bagay ang ribbon. " satinig ko.
" Edi, walang ribbon. " sabi niya at inilagay ang ribbon sa rack nito.
Napa-iling na lang ako.
------------------
" Wahh!! Kapagod na! Ayaw ko na! Ikaw kaya magdala neto?! " napatingin ako sa babae na nakahawak sa mga tuhod niya at kapwa hinihingal. Ang dami kasi niyang pinangbili na materials para sa scrap book namin. Lumapit ako sa kanya para kunin ang mga pinangbili niya.
" Hindi pa ako tutulungan kung hindi ko sasabihin. Psh! " rinig kong bulong niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na sa kotse ko.
" Saan tayo gagawa? " tanong niya saakin.
" In our house. " sabi ko sa kanya. Tumango lang siya. Tahimik lang ang biyahe namin. Tinignan ko ang babae kung bakit nananahimik. Nakatingin siya sa cellphone niya.
Maya-maya ay malapit na kami sa bahay namin ng. . .
" JETT FORESTTER!!!! "
Muntik ko nang mawala sa lane ang kotse dahil sa sigaw niyang iyun. BWISIT! Sino ba yung sinisigawan ning Jett.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagda-drive hanggang nakarating na kami sa bahay namin.
" Baba ka na! " sita ko sa kanya dahil parang wala siyang plano na bumaba sa kotse. Tinignan niya muna ako bago bumaba sa kotse. Pumasok na kami sa bahay namin.
" Arf! Arf! Arf "
" A-Ano yun?! " tanong niya saakin. Ano bang problema nito at bigla na lang lumapit ng husto.
" Malamang aso. May narinig ka bang pusa na tumatahol? " sabi ko sa kanya at pilit iwinawaksi ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.
" A-ASO?! MAY ASO KAYO?! HUHU! AYAW KO NA DITO?! " bigla niyang sigaw at yumakap na saakin.
" Huy! Bitaw ka nga! " sita ko sa kanya.
" Ayaw ko! May aso! MAMA!! " napapikit na lang ako sa kulit ng babaeng ito. Tinignan ko siya. Naka-bahid ang takot sa mukha niya at parang iiyak na.
" Arf! Arf! Arf! "
" WAAAAHH!! MONTENEGRO!!! " hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya.
" Bumaba ka nga! Nasa yard ang aso, ano ka ba? " sabi ko at sabay alis sa yakap niya.
" Buti naman kung ganun! " sabi niya at parang nakahinga ng maluwag.
" Come on! Gawin na natin ang project natin. " sabi ko at nagpatiuna na sa paglalakad.
-------------------
" Kukuha muna ako ng merienda! " sabi ko kay Amanah. Nalaman ko lang ang pangalan niya sa I.D niya. Tumango lang ito.
Malapit na naming matapos ang project. Ewan ko ba talaga kung bakit niya minamadali ang project na ito? Pumunta na ako sa kusina at naghanda ng pagkain at juice.
<< A FEW MINUTES LATER >>
" Amanah, kumai--- " natigilan ako ng makita kong natutulog si Amanah sa carpet.
Napagod marahil.
Napailing na lang ako at inilagay ang pagkain sa sahig muna bago siya kinarga papunta sa guest room.
Pagkalatag ko sa kanya ay tinitigan ko siya. Himbing na himbing ang pagkatulog niya at para siyang baby. Hindi ko namalayang naka-ngiti na pala ako.
(( Amanah's Phone Ringing ))
Tinignan ko ang phone ni Amanah ng nag-ring ito. Napakunot ang noo ko.
Death is Calling. . .
" Sino si Death? " naisatinig ko. Maya-maya pa ya tumigil na ang tawag. Tinignan ko si Amanah. Mahimbing pa rin itong natutulog. Hindi marahil narinig ang tawag. Pero hindi parin mawala sa isip ko ang tumawag. Death. . .
Aish! Bahala na!
VOTE~
COMMENT~
FOLLOW ME~
BINABASA MO ANG
War Of Gangsters
Teen Fiction#200 in TeenFiction in April 25 2019 War Of Gangsters - They KILL. They FIGHT. They have NO MERCY. They are not that usual girls who love shopping or stuffs. They have no FEAR when it comes to DEATH. NO ONE wins against them. . . - They're FAMOUS...