Warning: there are some grammatical errors and wrong grammars you've may encounter on this story. Sorry for that, thank you.
Sofia's POV
Naglalakad ako ngayon sa madilim at madamong gubat, hindi ko alam kung saan ako papunta naghahanap kasi ako ng labasan kasi hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa mala horror na paaralan na ito.
Ni hindi ko nga alam na may nag eexist pa palang paaralan na ganito. paaralan na kung titignan mo sa labas napakaganda, malawak at may nag gagandahan at nag gwagawapuhang estudyante pero linggid sa kaalaman ng iba ang paaralan na ito ay may tinatagong sekreto, sekreto na kung saan wala pang nakakaalam at sekreto na kailangan kong tuklasin malay mo may hidden treasure pala dito? pero ngayon palang suko nako! ayaw ko na, gusto ko ng umalis bakit pa kasi ako dito naisipan ni daddy na ienroll sa paaralan na ito.
Hindi pa naman masyadong matigas ang ulo ko. sinusunod ko pa naman ang gusto nya. Halerrr! marami pa akong pangarap sa buhay gaya na lamang ang maikasal kay francis, Francis Dela Cruz ang love of my life ko hihihihi... ano ba kayo kinikilig ako yayyyyyyyy!!!!
Lakad dito, lakad doon, hindi ko nga alam kung saan talaga ako pupunta, mabagal at mahina ang mga yapak ko dahil baka may makita saakin dito pero hindi pa nga ako nakakatapak may naririnig akong kaluskos, agad akong nagtago sa likuran ng malaking puno ng acasia, tumingin ako pero wala naman tao hayyy masyado lang siguro akong napaparanoid
Naglakad ulit ako, sa nakikita ko sa daan puro puno lang ang nandidito sa gubat, may lagusan ba to palabas? Gusto ko sana makalabas kahit minsan lang kasi feeling ko maboboring lang ako dito, my life without mall and bar is kinda boring! Yeah I'm a party girl pero bihira lang dahil sa kalagayan ko, yes I am sick pero kung tratuhin ako ni daddy para na akong useless, he send me in Europe para doon magpagaling, home study lang ako nagkaroon lang ako ng freedom noong 16 ako and now I am totally a bitch pero ginagamit ko lang ang bitch side ko kapag may gusto makipaglaban sakin
Masyadong preoccupied ang isip ko kaya di ko alam kung saan na ako nakarating at bigla akong natauhan ng may nakita akong nakacoat bigla saan akong tatakbo ng biglang may tumakip ng bibig ko.
OMG! katapusan ko na goodbye francis my loves babantayan nalang kita wag ka mag alala safe naman sa heaven sabi nila masaya doon and daddy sorry di mo makikita ang nag-iisa at maganda mong anak, wala kanang papamanahan ng mga ari-arian natin kung mamatay kana rin, wala ng mag mamanage ng mga companies natin, wala ng manghihingi sayo araw-araw ng pera para mag shopping, wala ng magpapasakit ng ulo mo at higit sa lahat hindi kana mag kakaapo..
Natapos ang ang pag-iisip ko ng may biglang may humawak ng braso ko ng napakahigpit at parang mababali ang mga bones ko.. Ohh God help me please ayaw ko pang mamatay.
"Gabi na at curfew na, alam mo ba ang kaparusahan na ginawa mo?" tugon ng lalaki na hindi ko naman kilala infairness ang gwapo nya ha! matangkad, may maitim at bagsak nabuhok at kissable lips kaso lang pangit ang ugali malayong malayo kay francis my loves, aray ko ha, kanina pa to nakakasakit lalaking to hanggang ngayon hindi parin binibitawan ang braso ko.
"hoyy! sino ka ba? pwede bang bitawan mo muna ako at napapagkamalan kitang may gusto saakin, sabihin mo lang ayos lang naman saka alam ko ba na may curfew dito ehh unang araw ko palang dito nais ko lamang libutin at at pagmasdan ang napakaganda nyong paaralan" pagsisinungaling ko
"Miss ako ba talaga ang nagkakagusto sayo?" Pagtatanong nya "sayo na mukhang palaka? at ngayong gabi balak mo mag explore? anong klaseng nilalang ka?"pagduduktong nya habang umaalis dito sa gubat
"anong klaseng nilalang ako? ikaw anong klaseng nilalang karin? nag eexplore karin sa gubat, anong ginagawa mo dito?" pagtatanong ko dito " isa karin ba doon sa mga lalaking dumaan?" patuloy na pagtatanong ko pero hindi ko namalayan na nawala na pala sya sa paningin ko bastos talaga yung lalaking yun! Sya si Mr.Sungit/Mr.Yabang/Mr.Bastos/Mr.Kabute
hysss.. paano na ako makakabalik sa dorm ko?may nakita akong mga beads, beads?? Pano magkakabeads dito at parang may pattern ang mga ito, masundan na nga lang. Ang pinagtataka ko lang wala naman beads kanina ng dumaan ako dito. Hala! baka may multo na naglagay nito tapos dadalhin ako sa haunted house o kaya patibong ito ng mga taong nakacoat kanina, ayos na yun! kung kukunin nila ako pwede na gwapo naman sila wala na akong choice kaysa makuha ng multo aarte paba ako?
di ko namalayan nakalabas na pala ako ng gubat at nakikita ko na kahit papano ang dorm ko,
Well kaya lang naman ako nandito ay dahil may isang rason, hindi ako papayag pumasok sa paaralan nato kung walang rason, gusto nyo bang malaman? Saka na tinatamad kasi akong magkwento ehhh this school is creepy but I need to do my task, yes I am here because I have a task, at mukhang matatagalan pa ako...
hay! mabuti nalang ligtas ako mahaba-haba pang paghihirap ang mararamdaman ko, sa ngayon matutulog na muna ako..
BINABASA MO ANG
Mark Of Love
Teen FictionWhat if hate turns into love? And love turns into hate? Date started: February 20, 2019 Date Finished: .........