Chapter 4(Nakaraan)

73 72 17
                                    

Sofia point view

Magrerecess na at papunta ako ngayon sa canteen dahil tinupad ko ang usapan namin ni jorhea, Hindi ako paasa no! Alam ko ang feeling ng pinapaasa, kaya yung mga taong nagpapa-asa dyan please be aware na nasasaktan din kami.

Nakita ko na si jorhea, nakangiti ito ng napakalapad akala mo ay nanalo sa lotto

"Mabuti at dumating ka" bungad nya saakin

"Alam mo bang kaklase kita kaso di mo ako napansin" dagdag nya pa habang di parin nawawala ang ngiti nya sa labi

"Di ka parin talaga nagbabago lagi mo parin iniinis ang professor natin" dugtong nya

"Huhh? Paano mo nasabing di parin ako nagbabago? Eh hindi naman tayo nagkikita dati?" Tanong ko sakanya ngunit ngumiti lang sya ng mapakla

"Gusto mo bang umorder o maglakad lakad?"pagiiba nya ng usapan

"Maglakad lakad nalang tayo" sagot ko kahit alam kong iniiwasan nya ang tanong ko

" Ok saan mo ba gustong pumunta?"

"Gubat?"

"Pero delikado na masyado sa gubat na iyon ipinagbabawal ang pumunta doon at kapag pumunta ka doon may punishment na ibibigay sayo na di mo magugustuhan"

"Bakit anong meron doon?, Bakit maraming nakacoat doon? Sunod-sunod kong tanong

"Transaction" sagot nya habang nagmamasid masid sa paligid kung may taong nakikinig

" Transaction ng" interesado kong tanong

" Yan ang di namin alam" sagot nya

"Bakit Hindi nagpapalabas ng mga estudyante dito hanggang hindi pa sila graduate? Tanong ko

"Itong school na to ay pag aari ng isa sa pinakamayaman sa mundo, siya ang ama ni Faye na matalik at nag iisa kong kaibigan, ipinamana itong school nato kay faye at ang perang nalikikom dito ay ipinapamahagi nya sa mga batang may cancer, dahil sa taglay nyang kabaitan marami ang humahanga sakanya nya bukod doon nagtataglay din sya ng kagandahan,at katalinuhan halos nga ay nasa kanya na..

Umibig sya kay Angelo, matagal nya na itong gusto simula bata palang kami kaso pinipigilan nya dahil may gusto din kay Angelo ang kapatid nya, hindi ko nga alam na may kapatid si Faye kasi di nya naman nakwekwento saakin pero ramdam ko namahal namahal nya Ito.

Pero di nagtagal umamin si Angelo na may gusto sya sakanya mahal nya ang kapatid nya at mahal nya rin si Angelo kaya mas pinili nya ang magmahal dahil minsan lang ito mangyayari sa buhay nya kahit na alam nyang magagalit ang kapatid nya.

Mark Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon