Sofia POV
Nagising ako ng maaga, mabuti naman at wala na akong lagnat, wait??? Anong nangyari sakin kagabi? Bakit iba na ang suot ko? Inisip ko kung ano ang nangyari sakin kagabi at bigla kong naalala na totoo ngang nandito kagabi si empakto!
Anong ginawa nya sakin? Ghadd baka pinagsamantalahan nya ako kagabi, kailangan ko na bang pumunta sa doctor para tignan kung buntis ba ako? Kung bumili kaya ako ng pregnancy test? What nababaliw na ata ako!
Ano ba kasing nangyari sakin at wala akong naaalala?? Ang alam ko lang ay nahimatay ako.
Pumunta ako sa kusina at naamoy ang mabangong nakahain na almusal, sino ang nagluto nito? Si empakto ba?
Tinignan ko ang refregrirator at may nakadikit doong note.
Have a nice day! Pinuyat mo ako kagabi! Kita tayo mamayang hapon, pumasok ka ha?
-love of your life
Yakkk! Love of your life? Inisip ko yung sinulat nya at isa lang ang natatandaan ko, pinuyat mo ako kagabi? Ghadd ano bang ginawa nya sakin kagabi at napuyat sya?
Tatanungin ko na lang sya mamaya at kung may masama mang nangyare samin ay tiyak na papatayin ko sya kaya maghukay hukay na sya ng paglilibingan nya!
Nagready na ako para pumasok dahil malapit na maghapon, kahit maaga pa ay papunta na ako sa room.
Nakasalubong ko si matandang hukluban.
Oh sofia ang aga mo ata? Inspired kaba?
Hindi po expire po ako
Hahaha nakakatawa kanaman
Talaga po natawa kayo? Eh hindi pa nga ako nagpapatawa
You're good at joking
I'm not! Ikaw nga sir ang bagay mag clown, hindi ka pa nga nagsasalita ay napapatawa na ako
Really?
Yes, just seeing your face makes me laugh
You're joking again
Haha I'm serious!
By the way miss sofia, can you gave it to the librarian? I'm so busy right now ehh! Sabay abot nya sakin ng libro
Ok fine!
Umalis na ako doon at pumunta ng library, tumunog naman ang bell hudyat na time na.
Mahaba haba pa ang lalakarin ko dahil medyo malayo ang library dito.
Pagdating ko library ay walang tao, kaya pumasok nalang ako para ilagay ang libro sa table ng biglang sumara ang pinto.
Ghaddd ang dilim, takot ako sa dilim, tinulak ko ang pinto ngunit hindi naman nabubuksan.
Gezz I'm trap! I knew it! Plano to ng matandang hukluban nayon! Humanda sya pagnakalabas ako dito!
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko para gawing flashlight, pero kapag dumadapo talaga sakin ang malas ay shutting down ang lumabas ng binuksan ko.
Sa susunod nga ay sampung cellphone na ang bibilhin ko.
Biglang lumakas ang hangin kaya naman kinikilabutan ako, ayaw ko na dito baka may multo! Kung dati sa gubat ay nakaligtas ako sa mga multo, ngayon ata ay naghihiganti na sila.
Omyy gulay, kakain na po talaga ako ng gulay basta palabasin nyo lang ako
Napaupo ako sa corner ng library ng biglang nahulog ang mga libro sa book shelves, halos nagpipigil nako ng ihi sa sobrang takot
Naubos ko na ata lahat ng panalangin mapa ave maria man at sumasampalataya, dinamay ko narin ang panalangin para sa mga namatay.
Tumaas ang lahat ng balahibo ko ng may humaplos sa buhok ko, napapikit nalang ako at nanalangin ulit.
Naramdaman ko naman na may nagflashlight ng mukha ko at tumatawa.
Ghadd! Baka multong demonyo na yun?
Binuksan ko ang mga mata ko para tignan kung multo ba talaga yun kasi parang familiar ang boses.
At nabigla ako ng nakita ko kung sino.
Miss me? Sabi ni empakto habang nakangiti pa
Anong ginawa mo sakin kagabi? Pinagtritripan mo ba ako? Plano mo ba to? Sabi ko sakanya habang pinagsusuntok ko sya sa dibdib.
Halos mawalan na ako kanina ng hininga tapos sya lang pala ang nanakot sakin! Dapat pala sakanya ko inalay lahat ng dasal ko, sana karmahin na sya dahil pinagtatawanan nya ako!
Chill love wala namang nangyari satin kagabi ok? Inalagaan lang kita at pinabihisan kay aleng sita, at isa pa hindi ko to plano sagot nya sakin
Siguraduhin mo lang dahil lalagpas ka sa pinto kapag ikaw ang may pakana nito
Inutusan lang ako ni sir para magresearch tungkol sa asymptote kaya nandito ako.
Bwesit talaga yung matandang hukluban nayon! Siya ang may pakana ng lahat ng ito! Humanda ka talaga sakin!
Anong oras na kaya? Estimate ko ay 9 pm na.
Kanina pa ako nakaupo dito at nangangawit na, si empakto naman ay nakangiti lang, seriously nakangiti pa sya sa lagay namin ngayon?
Nilalamok nalang ako dito, tinignan ako ni empakto habang nakakunot ang kanyang noo, akala ko ay lalapit sya sakin ngunit pumunta sya sa pinto at may kinuha sya sa bulsa.
Kinuha nya sa bulsa nya ang isang hairpin? What bakla ba itong lalaking to at may hairpin sya?
Isinuksok nya ang hairpin sa butas ng pinto at mga ilang minuto lang ay nabuksan nya na.
Hindi ko alam na may lahing magnanakaw pala to.
Magnanakaw ka no? Tanong ko sakanya
Hindi kaya, ikaw ang magnanakaw
Ako? Bakit naman ako?
Ehh kasi ninakaw mo ang puso ko!
What? Pagkasabi nya non ay bigla syang tumakbo kasi alam nyang bubugbugin ko sya!
BINABASA MO ANG
Mark Of Love
Teen FictionWhat if hate turns into love? And love turns into hate? Date started: February 20, 2019 Date Finished: .........