This chapter is dedicated to Mystic_Kiss for creating my book cover! thank you so much
Sofia's POV
Maaga akong nagising dahil may pasok pa ako, Hindi pa ako nakapag pakilala sainyo kahapon ako ng pala si Princess Sofia Leigh Corazon ohh diba Corazon ang unang aswang hahaha! Ano Hindi kayo tatawa? Pwessss! Edi wag! Pinipilit ko ba kayo?
Hayyy tama na ang pagmamaldita malalate na ako sa first subject ko, agad akong pumasok sa pinto mabuti nalang di pa nagsisimula ang klase umupo ako sa malapit sa bintana salikod ko naman ay may bakanteng upuan hindi ko na ito pinansin dahil pumasok na ang professor namin may katandaan na Ito, mababa lang sya at may nakakatakot na pagmumukha
“Okay class ako ang inyong professor sa statistics and probability" pambungad na sabi ng professor namin habang naglalakad lakad sa unahan
“ayaw na ayaw ko ang maingay at natutulog sa klase ko kung gagawin nyo yun ngayon ay umalis na kayo dito" sunod na sabi ng professor ko
Hayyy! Statistics and probability! I hate math and math hate me so it's a tie! Pag iniisip ko palang ito sumasakit na ang puso ko dahil Hindi ako love ng math.. mas gugustuhin ko pang manirahan sa bukid kaysa ang mag solve ng napakaraming equation tapos pagnakagraduate ka di mo naman maiiaply ang mga equation na ininvent pa ng mga kilalang scientist! para saan pa ang pinag aralan ko??.
Bigla ko naman na bitawan ang ballpen ko at nahulog ito sa may ilalim ng likudan ng upuan ko balak ko sanang ipaabot ito doon sa lalaking nakayuko akala mo'y nagbabasa ng libro ngunit natutulog naman
Masumbong nga sa terror na professor namin, magsasalita na sana ako kaso bigla nyang inaangat ang ulo nya
“Try to say it and you will die" bored na sabi nya na ikinagulat ko dahil nalaman nya na nais ko syang isumbong, tatayo na sana ako kasi hindi ako natatakot sakanya at isa pa sya si Mr.Sungit/Mr.Yabang/Mr.Bastos/Mr.Kabute gusto kong bumawi sa ginawa nya saakin kahapon biruin mo Yun kaklase ko pala ang hambog at halimaw na lalaki na Yun, kaso hindi ako makatayo
"Asssh!!" Malakas na sigaw ko dahilan para mapukaw ang atensyon nila at tumingin sakin kasi naman may nakadikit na bubble gum sa upuan ko tumingin ako sa likod at nakasmirk si Mr.Sungit walang hiya talaga sya nakakadalawa na sya saakin ah!
"Anong ginagawa mo Ms.Corazon?" Tanong ng professor ko
"Sir may demonyo po dito sa room nyo dapat na po kayong kumuha ng pari para pabendisyunan ang room nyo" sagot ko sa tanong nya
“Talaga ba Ms.Corazon? Nakakakita ka ng di namin nakikita? Nahihibang kana talaga! Bagay na bagay ang apelido mo sayo Corazon ang unang aswang" pilosopong tugon ni Sir
“Aray ko naman Sir magsalita ka naman parang wala kang pinag aralan" bwesit na tugon ko naman Kay Sir, bastos na kung bastos pero sya ang nanguna at isa pa sabi nila pag nasakatwiran ipaglaban mo!
“Alam mo ba Sir parang nakita na kita? Saan nga yun? Ahahh! Naalala ko na ikaw yung isa sa kasama ni snow white ikaw yung isa sa mga dwede na laging nakabuntot sakanya!" Pang aasar na tugon ko dahilan para mag sitawanan ang mga kaklaklase ko
“Get out of my class right now!"galit na tugon ni Sir
“right now? Di ba pwedeng mamaya na Sir? Look may bubble gum na nakadikit sa palda ko please wait a minute until I finish this!"pagmamaktol ko kay Sir
“I said now! Or else ipapaguidance kita at ipapatawag ko ang daddy mo" galit na saad ni Sir
“Well di naman ako natatakot kasi una palang ayaw ko na sa school na to kaso may mission pa ako so I choose to leave this room.. ok good bye Sir! Have a nice day, see you around"pamamaalam ko
Pero bago ako umalis tumgin na muna ako Kay Mr.Sungit/Mr.Yabang/Mr.Bastos/Mr.Kabute na ngayon ay nakatingin din saakin at nakangiti na parang nakakaasar hmm.. hantayin mo lang at ako mismo ang bubura sa mga labi mo
“Hey mister! I shall return! Di pa tayo tapos.." Sabi ko sa kanya
Plaplanuhin ko na muna ang kamatayan nya! Ano kaya kung isumbong ko sya sa pulis at sabihing gumagamit sya ng ipinagbabawal na gamot? O Kaya naman ipamigay ko nalang sya sa bantay bata 163? Hmm. Cool! Parang exited na ako, alam kong magtatagumpay ang misyon ko at mawawala na sa buhay ko ang lalaking hambog at pangit na yun.
BINABASA MO ANG
Mark Of Love
Teen FictionWhat if hate turns into love? And love turns into hate? Date started: February 20, 2019 Date Finished: .........