Sofia POV
Pauwi na ako ngayon sa dorm, hindi na ako napahatid doon sa empaktong naghatid sakin sa clinic.
Paglabas namin kanina sa clinic ay may nakita kaming baunan na may lamang pagkain, ang sarap ata ng pagkakaluto dahil nangangamoy pa sa lupa ang sauce, sayang naman.
Pagdating ko sa dorm ay nakaramdam ako na parang ang init init ng katawan ko, nilalagnat pa ata ako dahil sa nangyari kanina sakin.
Ang hirap gumalaw, kaya natulog nalang ako, hindi ko kasi kayang kumain dahil feeling ko ay isusuka ko lang ito.
Nagising ako ng bandang alas tres ng umaga dahil nilalamig ako pero sobrang init ko, kaya kahit nahihilo ako ay pinilit ko paring tumayo para magsuot ng jacket.
Medyo natagalan pa ako dahil wala akong nakikita, kaya naman naging magulo ang damitan ko. Pagkakuha ko ng jacket ay agad akong bumalik sa kama pero ng nahiga na ako ay parang umiikot ang paligid ko. Kaya naupo nalang ako, ghaddd wala panaman akong gamot para sa lagnat ang tanging me ron lang ako ay ang gamot ko sa sakit ko.
Sumapit ang umaga at ang sakit sakit parin ng ulo ko, kaya minabuti ko na hindi na muna pumasok dahil lalong tumaas ang lagnat ko.
Hindi ako makaalis sa kwarto dahil kaunting galaw ko lang ay umiikot na ang paningin ko, yung parang sumakay ka ng paulit ulit sa ferris wheel.
Naisipan ko na may number pala ako kay jorhea, kaya tinext ko sya na kung may vacant sya ay pumunta sya sa dorm ko dahil nilalagnat ako.
Mga ilang oras palang ay tumunog na ang doorbell ko, pinilit ko na buksan ang pinto kahit na hilong hilo ako.
Ma'am delivery po.
Huhhh? Ano daw? Delivery? Ehh wala akong maalala na nagpapadeliver ako? Baka galing kay jorhea dahil walang vacant kaya naiisipan nya nalang ako padalahan?
Nagkakamali ata po kayo ng pinuntahan?
Ikaw po ba si Ms.Princess Sofia Leigh Corazon?
Yes ako nga.
Ohh tama naman pala ang napuntahan ko, ipinapabigay po ni Sir Angelo
Huhh? Ok.
Kahit na naguguluhan ako ay tinanggap ko na dahil nagmamadali ako, masyado na akong nahihilo
Isasara ko na sana yung pinto ng biglang nagsalita yung lalaki.
Wait ma'am hindi pa po yan bayad, sabi po ni sir angelo ay kayo po ang magbabayad
Ano?
Agad na tumaas ang dugo ko sa ulo,ghadd hindi ko kailangan ng tulong nya kung ako rin naman ang magbabayad, how rude he is!
Kinuha ko sa bulsa ang three thousand at ibinigay doon sa lalaki para tantanan na ako.
Kinahapunan ay ganon parin, wala parin nagbabago, mataas parin ang lagnat ko, hindi ko parin kayang kumain.
Kinagabihan ay may nag doorbell, pinag iisipan ko pa kung bubuksan ko ito o hindi na dahil baka yung delivery boy nanaman ang nandyan ay masasayang lang ang oras ko.
Bahala na nga, baka ngayon lang naisipan ni jorhea na bumisita sakin, binuksan ko ang pinto ngunit laking gulat ko ng si empakto ang nakita ko.
Akala ko ay namamalikmata lang ako ngunit kahit ilang pikit pa ang gawin ko ay sya parin ang nakikita ko.
Pumikit ulit ako at pagmulat ko ay wala naman sya sa harapan ko, masyado lang akong maraming iniisip kaya baka ay namamalikmata lang ako
Sinara ko na ang pinto at pupunta na sana ako ng kwarto ng nakita ko sa harapan ko si empakto, ano to hindi ba talaga ako nananaginip?
At bigla nalang akong nawalan ng malay
BINABASA MO ANG
Mark Of Love
Teen FictionWhat if hate turns into love? And love turns into hate? Date started: February 20, 2019 Date Finished: .........