Chapter 13 ( A night with her)

31 49 3
                                    

Angelo POV

Pumasok ako sa dorm ni sofia, totoo nga palang nilalagnat sya, akala ko kasi ng una ay nagbibiro lang si jorhea kaya inasar ko sya, nagpadelivery ako ng pagkain nya pero sya ang magbabayad.

Wala lang trip ko lang asarin sya kasi hindi sya pumasok, pinuntahan ako kanina ni jorhea sa upuan ko at sinabing puntahan ko daw si sofia ang love of my life ko dahil nilalagnat daw ito, akala ko ay nagbibiro lang si jorhea kasi baka gusto lang ni sofia na hindi pumasok sa Gen.Math kasi nahihiya pa sya.

Nang magdapit hapon na ay pumunta ako sa dorm nya, hindi naman kasi mahirap hanapin dahil matagal ko ng alam kung saan ito dahil sinundan ko sya dati sa gubat, hindi ko naman talaga sya dati iniwan ehh, yung ginawa nyang pattern para makaalis sa gubat ay sakin galing yun, mga beads na galing sa bracelet ko.

Nagdoorbell ako, medyo natagalan pa nga ako sa labas dahil wala ata syang balak pagbuksan ang magandang nilalang na nilalamok na.

Sa wakas ay bumukas din ang pinto nya, tinitigan ko sya at ang putla na nya, para syang zombie, di joke lang para lang naman syang dyosa na nahulog sa puso ko.

Ilang beses syang kumurap at parang hindi naniniwala na kaharap nya ako, ganon na ba ako kagwapo para hindi sya maniwala na may nakikita syang hulog ng langit sa buhay nya?

Pumikit ulit sya ng matagal kaya naman tinake ko na ang oppurtunity para makapasok, kaya pagmulat ng mata nya ay wala na ako sa harapan nya.

Nakatalikod sya sakin pero ramdam ko ang malakas nyang buntong hininga at para syang nabunutan ng tinik ng nalaman nyang wala talaga ako, siguro ay iniisip nyang namamalikmata lang sya.

Isininara na nya ang pinto at humarap na sya sakin, nanlaki ang mga mata nya at bigla nalang sya nahimatay?

Anong gagawin ko? Ang bigat panaman ng babaeng to kahit na ang payat.

Halikan ko kaya? Malay mo sya si sleeping beauty at kailangan nya ng prinsipe na hahalik sakanya para magising sya? Pero syempre joke lang yun, hahalikan ko pa lang  nga ay dumampi nata ang mala porselana nyang kamay.

Hinanap ko ang kwarto nya at hindi naman ito mahirap hanapin kasi iisa lang naman ang kwarto dito.

Inihiga ko sya sa kama nya, hinawakan ko ang kanyang noo at napaso ako dahil sobrang init nya, alam ko naman na hot sya pero nasobrahan na ata, baka ka nga masunog na sya.

Bumababa ako para kunan sya ng basang bimpo para ipunas sakanya.

Pagkatapos ko non ay lumabas ako para bumili ng gamot sa lagnat dahil ayaw ko namang makialam sa mga gamit nya.

Buti nalang at ang nagbabantay ay si aleng sita, yung caretaker dito sa paaralan, inutusan ko sya na sumama sakin dahil papabihisan ko si sofia sakanya dahil kung ako ang gagawa at kapag nalaman yun ni sofia my love ay busted agad ako sigurado.

Naghanap ako ng damit nya sa cabinet, ghadd help me sana ay wala akong makitang undergarments nya, buti nalang at puro t-shirts na ang bumungad sakin at pajamas na kulay blue? Lahat ng pajamas nya ay kulay blue, hindi pala sya mahilig sa blue?

Binigay ko kay aleng sita ang damit at lumabas na ako sa kwarto.

Mabilis na natapos si aleng sita at umalis narin, nagpasalamat ako dito bago umalis.

Pumunta ako sa kwarto nya at tinignan kung mataas pa ba ang lagnat nya, mabuti naman at bumaba na ang lagnat nya.

Natulog ako sa labas ng kwarto nya, doon sa sofa nya. Oras oras ay pumupunta ako sa kwarto nya para icheck sya.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising para magluto ng almusalan, tulog pa si sofia at wala narin syang lagnat.

Buti nalang at punong puno ang ref ng babaeng to, marunong naman ako magluto kaya easy lang ito saakin, just a piece of cake lang yan!

Pagkatapos ko magluto ay nag iwan ako ng note sa ref nya para kapag nagising na sya ay alam nyang ako ang nag alaga sakanya buong gabi, gustuhin ko pa man tumagal para makasama ko sya ay hindi pwede dahil may practice ako ngayon sa basketball dahil malapit na ang foundation day.

Kailangan ko ng umuwi ng dorm ko para maligo at kumain,walang pasok ngayong umaga pero mamayang hapon ay meron na kaya makakapagpahinga pa si sofia my love.

Siguro ito na yung time para kalimutan ko na ang nakaraan dahil masaya na ako ngayon para saaking kasalukuyan at hinaharap.

Pumunta na ako sa dorm at pumasok sa kwarto, pagpasok ko ay nakita ko ang picture namin ng dati kong minamahal.

I will miss you faye, you will stay forever in my heart, I'm sorry if I've loved again.

Mark Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon