Chapter 11 (Jealousy)

34 47 0
                                    

A/N: Heyyy guizzzz!└(^o^)┘ Hahaha? Hyper ba? Syempre ginaganahan akong magsulat ngayon ehh, Ito po ang news ko ngayon ang magpo-POV ngayon ay si jorhea! Tadahh improving? Naisipan ko lang, magpapahinga na muna si Sofia.ツ

                         ****

Jorhea POV

Nabalitaan ko ang nangyari sa best friend ko, kaya Naisipan kong pumunta ng clinic.

Absent kasi ako kanina kasi tinapos ko lang yung project ko sa reading and writing, pupunta na sana ako sa clinic ngunit naisipan ko na munang dalhan ng pagkain si Sofia.

Sino kaya ang mabait na nilalang ang nagdala kay Sofia? Dapat ay magpasalamat ako mamaya.

Dala ko rin sa bag ang bagong luto kong pagkain para kay angelo,simula kasi ng nawala si faye ay ako na ang nag aasikaso sakanya, lagi kaming nagbobonding tuwing sabado at linggo.

Unti unti na akong nahuhulog kay angelo, wala na si faye kaya ayos lang na magkagusto ako sakanya, hindi naman kasi sya mahirap mahalin ehh. masungit sya sa mga taong hindi nya kilala, kaya saakin lang sya mabait.

Pinagtataka ko lang na kung  bakit naging malapit sila ni sofia, nahuhuli ko syang ngumingiti kapag naasar sakanya si Sofia.

Hindi kaya iniimagine nya na si faye at sofia ay iisa? O kaya naman nahuhulog na sya dito?
Hindi pwede, hindi rin ako papayag! Kahit na kaibigan ko si Sofia ay ipaglalaban ko ang pagmamahal ko kay angelo.

Marami na akong pinagdaan para mahalin rin ako ni angelo, araw-araw akong nariyan noong mga panahon na ang puso nya ay sugatan.

Ako ang dumadamay kapag may problema sya, ako ang natatakbuhan nya kapag wala na syang mapupuntahan.

Ako ang taong tumanggap sakanya kahit na marami syang nagawang mali sa buhay, ako ang nagsilbi nyang lakas ng mga panahong walang Faye sa tabi nya.

Ako ang lahat lahat na gumawa ng tungkulin ni faye, ako ang pumalit ngunit hindi nya parin ako napapansin.

Matalik na kaibigan lang ang tingin nya saakin.

Ngayon ko lang napansin na bumalik na ang sigla nya at ang dati nyang ngiti na kay tamis.

Dahil ba may gusto na sya kay Sofia?

Bakit ko pa ba yan itinatanong kung sa umpisa palang alam ko na ang sagot. Hindi mahirap basahin si angelo dahil sa simula palang ay ako na ang nakakakilala kay angelo. Kilalang kila ko sya higit pa sa pagkakakilala ng karamihan.

Dapat na ba akong magparaya para sa ikakasaya nya?

Ang tanging gusto ko lang naman ay ang mahalin nya.

Napakahirap isipin na palaging kaibigan ko at malapit saakin ang nagugustuhan nya. Bakit ba hindi nalang sya tumingin sakin at wag ng tumingin sa katabi ko.

Mahirap pala ang ganitong sitwasyon, magmamahal ka nga lang ay don pa sa taong hindi ka kayang mahalin at kaibigan lang ang turing sayo, para ka lang naman tinutusok ng napakaraming karayom sa dibdib.

Papasok na sana ako sa clinic ngunit may nakita akong lalong nagpasakit sa ng dibdib ko, hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko

Sobrang sakit makita na ang best friend mo at ang taong mahal mo ay masayang magkasama at naglalambingan.

Nakita kong napakalapit ni angelo kay sofia, ganon pala kasakit kapag actual mo ng makikita kung gaano sila kasaya.

Tumakbo ako ng tumakbo, nahulog ko sa daan ang pagkain na para kay sofia at angelo.

Balak ko sanang puntahan si angelo pagkatapos kong bisitahin si sofia, pero hindi ko inaasahan na doon ko sya mahahanap at ang ganda pa ng bungad sakin.

Tumakbo ako papuntang dorm ko, sinaraduhan ko kaagad ang pinto pagpasok ko, at pumunta ako sa kama para ibuhos lahat ng luha ko.

Pinagtatapon ko ang mga unan ko at lahat na bagay na mahahawakan ko.

Pangit ba ko? Kapalit palit ba ako?

Lumaki ako na sanay na lahat ng bagay ay nakukuha ko.

Maari ngang kayang bilhin ng pera ang lahat ng bagay ngunit hindi ang pagmamahal. Hindi mo kailangang mamalimos para maawa sila sayo, ang tunay na pagmamahal ay hindi kailaman napapalitan ng pera sa kahit anong halaga.

Minsan na akong nasaktan ng paulit ulit ngunit hindi ako martyr para saktan ang sarili. Ito nalang ang natitira saakin ngayon, kung ang iba ay nagagawa kong mahalin, bakit hindi ko kayang bigyan ng pansin ang sarili ko? Oo nagmahal at nasaktan pero hindi ibig sabihin noon na susuko na ako at magpapakamay dahil nasaktan ako.

Nasaktan ako ngayon,pero darating ang araw na maghihilom ang lahat ng sugat na nakatanim sa puso ko.

Alam ko na darating ang araw na may magmamahal sakin ng higit pa sa pagmamahal na binigay ko sakanya.

Sa ngayon, I just only need time and space.

Mark Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon