Umuwi ako ng gabing gabi na, wala naman akong napala dahil hindi naman ako nakapasok, useless din naman lahat, buti nalang at hindi bumalik ang lagnat ko.
Sabado bukas kaya walang pasok at ang ibig sabihin non ay dito lang ako sa dorm mag tatambay.
Ano kaya kung pumunta ako kay jorhea?
Mukhang maganda ang ideya ko dahil medyo matagal tagal na kaming hindi nagkikita, nakamiss na nga ang kadal dalan ng babaeng yun.
Hindi pa rin pala tumatawag si daddy kaya wala pa akong update, hysss antok na antok na ako kaya naman pagdating ko sa dorm ko ay agad akong nahiga sa kama.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil ipagluluto ko si jorhea kasi bibisita ako ngayon sa dorm nya.
Naglinis na muna ako ng dorm dahil sobrang makalat, simula ng nagkasakit ako ay parang binagyo ang dorm ko, nasa signal #3 na siguro yon. Pagkatapos kong maglinis ay nagluto na ako, beef steak, chicken afritada, mock tuna chick peas salad, green bean casserole, at heavenly hawaiian chicken ay ang ilang mga niluto ko.
Pagkatapos ko namang magluto ay naligo na ako, I wear my favorite versace dress and dior jacket and also my hermes pumps. Gotcha! Ready na akong umalis
Bubuksan ko na ang pinto ng may bigla nagdoorbell, perfect timing dahil lalabas narin ako,pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang gwapong nilalang este empakto pala!
Anong ginagawa mo dito?
Binibisita ang love ko?
Nagkamali ka ata ng napuntahan
Ehh sabi ng puso ko puso ko dito daw ako pumunta
Mali pala ang itinuturo ng puso mo, pwede ba umalis kanalang at may pupuntahan ako.
Iiwan mo ako love?
What? Kailan pa kita naging security guard?
No I'm not your security guard, I'm your soon to be boyfriend
Mandiri ka nga sa sinasabi mo!
Hahaha! Arte mo, mamahalin mo rin ako but wait bago ang lahat may ibibigay ako sayo.
Anong ibibigay mo? Pamana ng mga ninuno mo?
At may inabot sya saking bulaklak, what! Bulaklak ng patay? Anong tingin nya sakin patay?
Ano to? Nangigigil kong tanong
Hindi ko alam love na nabububo kana, bulaklak ang tawag dyan sagot nya habang nakangiti
BINABASA MO ANG
Mark Of Love
Teen FictionWhat if hate turns into love? And love turns into hate? Date started: February 20, 2019 Date Finished: .........