Chapter 17 (Don't touch my girl)

33 26 0
                                    

Angelo POV

Dati naman masaya akong nakatingin lang palagi sakanya pero ngayon gusto ko ako nalang ang palaging nasa tabi nya, nagseselos ako eh! Bakla na kung bakla ang mga ikinikilos ko pero maiintindihan nyo naman ako kung bakit ako nagkakaganito.

Ayaw kong maunahan ako lalo na ng francis na yun! Ang init ng dugo ko doon simula pa ng pumasok sya kahapon sa room at nalaman ko pa na may gusto si sofia my love doon sa mukhang pirana na yon, mas gwapo pa naman ako doon ah pero bakit mas gusto nya pa yun! Ewan ko nga kung anong nakita doon ni sofia my love.

Bakit pa kasi dito payan nagtransfer eh! Dapat doon sya sa tubig lumangoy kasi mukhang pirana sya! Magkakahigh blood ata ako! Si jorhea kasi inaasar asar pa ako ang hina hina ko daw dumiskarte kaya daw naagawan ako.

Nakakainis kasi si sofia, nakita nya lang yun nakalimutan nya ng may kasama sya kahapon.

Iniwan nya si jorhea eh may usapan kaya silang sabay silang uuwi at balak ko sana syang ihatid para official na sabihin ko na mahal na mahal ko sya for real, seryoso ako at wala akong pakealam kung tatawanan nya ako basta itutuloy ko ang panliligaw ko sakanya, gagawin ko ang lahat para mahalin nya ko pero mukhang mahihirapan ako dahil may asungot na dumating! Isang malaking harang sakin.

Naglakad lakad ako para hanapin si sofia my love dahil umalis sya kanina at kasama nya pa ang mortal enemy ko walang iba kundi ang transferee student nayon na mukhang pirina!

Nakarating ako sa may hardin at nakita ko sila pero hindi nila ako nakikita dahil parang may sersoyo silang pinag uusapan kaya minabuti ko nalang makinig sa usapan nila.

Sofia I came here because of you, because I love you! I just want you to know that I'm falling deeper in love with you! Please accept me to be your boyfriend, I promise to love you no matter what happen, I will love you through hard and thin. I don't want to be your friend I just want to be your boyfriend for real.

Para akong mapapaluhod sa narinig ko, mukhang naunahan na ako. Ano bang laban ko sa lalaking yun eh may gusto doon si sofia my love siguro hanggang crush lang ata ako o kaya naman maghihintay kung kailan sila magbrebreak.

Aalis na sana ako dahil sapat na ang mga narinig ko para ipamukha sakin na wala akong pwesto sa puso ni sofia pero napatigil ako sa sinabi ni sofia.

I'm sorry Francis but I don't love you because I love someone else, yes maybe I like you but hanggang don lang yon, marami panamang babae jan, sana walang magbago sa pagkakaibigan natin, I'm really sorry.

Nabunutan ako ng tinik ng marinig ko ang lahat ng yon parang lumulukso ang puso ko at ako ang pinakamasayang tao sa oras na yon.

No! Ikaw lang ang mahal ko at hindi ako papayag masayang lang ang pagpunta ko dito sabi ni Francis habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni sofia

Bitawan mo ako please nasasaktan ako! Sigaw ni sofia sakanya kaya naman hindi na ako makapagpigil kaya sinugod ko ng suntok ang pirana na yon at sisiguraduhin wala na syang mukhang ihaharap sakin!

Don't touch my girl! Sabi ko dito habang sinuntok ulit kaya dumugo na ang labi nya ngayon

Stop it!!! Umiiyak na sabi ni sofia kaya tumigil na ako at tinignan ko sya at yinakap

Psshhh stop crying ang pangit mo pag umiiyak, are you alright? Tanong ko dito

Yes, I just want to be alone right now so please let me leave, I'm going to my dorm sabi nya sakin

Okay fine, promise me to be safe okay?

Okay!

Tumakbo na sya kaya wala na akong nagawa, nandito parin yung transferee student yung mukhang pirana kaya wala na akong hinintay na oras para suntukin ulit sya.

Akala ko ba mahal mo? Bakit sinasaktan mo?

I'm so sorry, I didn't mean it, I just can't accept the truth, I'm sorry! Umiiyak na sabi nya, hoy hindi ako madadala sa maladrama nyang acting at may paenglish english pa sya kala nya ang ganda pakinggan eh parang tunog nga ng bubuyog ang boses nya ang pangit kasing pangit nya!

Tumakbo yung francis na yun matapos nyang umiyak sa harapan ko siguro narealize nya na bakla sya dahil umiiyak sya.

Natapos ang araw ko ng may dinadalang kasiyahan dahil busted yung francis na yun at ang ibig sabihin lang naman non ay may pag asa ako kay sofia my love

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mark Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon