ENCOUNTER

616 2 0
                                    

[NOTE]

This story is work fiction. Any Names, Characters, Events, Business, some Places are Product of Author's Imagination. Any Resemblance to Actual Events, Person living or Dead Places is Also Coincidental.

[This is my first published story. Hope you like it guys. ]

STORM  POV:

Tatlong sunod-sunod na sampal ang dumapo sa pisngi ko, galit na naman ang aking ina. Sabagay, parati naman.

"Linda, ano ka ba naman? Tigilan mo na yan, di ka ba naawa sa anak mo?" Pilit hinihila ni Itay ang kanyang kamay.

"Maawa? Kayong dalawa ang dahilan kung bakit ako naghihirap ng ganito ngayon, tapos tatanungin mo kung maaawa ako? " Akmang susugurin na naman sana ako ni Inay ngunit hinila na ako ni itay kaya hindi umabot ang kamay nya sa akin.  Sa totoo lang naman kasi ay sanay na ako sa ganitong pakikitungo ni Inay, hinahayaan ko nalang sya at kahit mahirap intindihin ay kailangan ko paring unawain.

"Aba't... Mag ama nga kayong dalawa! Hoy ikaw Storm, wala ka ng ginawa buong araw kundi maghilata sa kama mo! Lumabas ka at mamasada dahil wala tayong bigas! "

"Inaapoy ng lagnat ang anak mo, pambihira ka talaga!" Inaasahan ko na parang walang narinig si Inay, samantalang si itay ay kitang- kita ko ang matinding awa sa kanyang mga mata.

"Nak, pasensya na talaga ha, kung may magagawa lang sana ako di ka sana nakakaranas ng ganito. "

"Okay lang ako tay,  sanay na ako sa ganito. Ikaw, bat di ka pa nasanay? " Ngumiti ako na parang walang nangyari.
Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos kong kunin ang jacket ko at dumiritso sa tricycle na nakaparada sa gilid ng bahay.
Nahihilo pa ako ngunit di ko lamang ininda.

Nakailang ikot na ako sa bayan ngunit alam kong di pa sapat ang kinita ko pambili ng pagkain namin sa bahay at vitamins ni Itay. Napag isipan kong bumili muna ng isang kilong bigas at ulam para makakain na sila at bumalik ulit sa pamamasada.
Bandang alas sais ng gabi ay pumunta ako sa coffee and bar na kaibigan ko ang nagmamay'ari. Kung kapos kasi ang aking kinikita sa buong hapong pamamasada ay kumakanta ako bilang pandagdag sa akin kita.

"Oh, hija, buti naman at napag isipan mong bumalik dito. Alam mo bang maraming costumers ang nagtatanong kung kelan ka ulit kakanta? "

"Pasenaya na kuya, di kasi maganda ang pakiramdam ko simula kahapon eh. "

"Nako!  'Bat nandito ka, at ano yang marka sa pisngi mo? " Takang tanong nya sa akin.

"Wala to kuya, may lamok ho kasi kanina, medyo napalakat ko ang pag hampas ko sa pisngi ko. "

"Oh hala, nasa loob ang kaibigan mo.  Ito gamot oh. " Kahit kaylan talaga ready si kuya guard.

"Salamat kuya! Malaking tulong po to. "
Tumuloy na ako at dumiritso sa kusina dahil alam nyang tumutulong ang kaibigan nya para mapadali ang trabaho.

"Good evening! " Gulat ko sa kanilang lahat. Napangiti si Fee ng makita ako.

"Alam ko talaga na pupunta ka ngayong gabi kaya ayon, ikaw nalang ang inaantay nila. " Ang tinutuloy nito ay ang bandang tumutugtog sa coffee bar.

"Grabe ka, di mo man lang ba ako papahingain? " Anas ko na waring nagtatampo. Kinuha ko ang basong hawak nya na may lamang tubig at ininom kasabay ang gamot na binigay ni kuya Larry.

"May sakit ka? " Worried nitong tanong ngunit ngiti lang ang sinagot ko sa tanong nya.

"Adik ka ba?  Ano na naman ginawa sayo ni aling Linda ha? " May bahid na galit ang tanong nito.

Ang Maputik Na Dyamante 💎 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon