POOL

308 5 2
                                    

Seth Pov :

Kanina pa ako naka masid sa kanila, ayaw ko munang magpakita dahil alam ko na naiilang sila sa tuwing nandito ako habang nagkakasayahan sila. Naka upo lang ako sa veranda. Kitang kita ko kung ano ang kanilang ginagawa.

"Kakanta na yan! Kakanta na yan! " Paulit ulit nilang hamon kay Storm na pina unlakan naman ng dalaga. Napaayos ako ng upo. Di ko alam kung bakit biglang lumakas ang pagkabog ng dibdib ko sa intro palang ng kanta.

...
Tuwing tititigan mo
Parang natutunaw ako
Hindi mapakali, nanlalamig pag nasa yong' tabi...

"Sir, bakit ka ho nandito? Kanina ka pa namin inaantay. " Tawag pansin sa akin ni Mercedes. May hawak itong pagkain na dadalhin sa mga kasamahan.

"Sige ho manang, mauna na kayo. "

"Tara na ho. Sabay na tayo. " Hindi ito umalis hanggat hindi ako tuwayo.  Wala akong magawa kung hindi ay sumunod na lang. Napatingin sa akin ang lahat, pati si Storm ngunit ng magtama ang aming paningin ay umiwas ito kaagad.  Ilang beses nya nang napapansin na talagang umiiwas ito, hinahayaan ko na lang dahil alam ko namang nahihiya lang ito sa nangyari.  Napangiti ako ng maalala iyon.
Pina upo nila ako kaharap si Storm.  Nakayuko lang ito habang kumakanta, kung hindi naman ay nakatingin lang sa iba.

...

At pag tuwing kausap ka
Wala namang masasabi
Nauutal,parang sinasakal
biglang nabibitin

"Ang ganda pala ng boses nya nay no? Nakaka'inlove... "Rinig kong komento ni Eric habang nakatitig kay Storm. Sa di mapaliwanag na dahilan parang gusto ko itong patahimikin, naiirita ako pag nagkokomento ito tungkol kay Storm.

"Sinabi mo pa anak, parang anghel sya ano? "Dagdag puri pa ni manang Mercedes.

...
Hindi normal sa akin ang ganito
Ngunit ang nadaramay gusto...

Hindi ko alam ano ba to?
Tila nahuhulog sayo
Bakit lumulukso ang puso ko
Kapag nariyan kana..
Hindi ko alam kung bakit ba
Lagi nalang mayroong kaba
Sa tuwing kausap ka'y dinidinig
Ang tawag nga ba ritoy pag -ibig...

Hindi ko alam kung bakit parang ako ang natatamaan ng bawat lyrics ng kanta.  Hindi pa rin bumabalik sa normal ang pintig ng puso ko. Naka tingin lang ako sa kanya na para bang ayaw kong mawala sya sa aking paningin.
Natapos ang kanta at bumalik na ito sa upuan katabi sya.

"Bagay pala kayo sir no? Kung hindi lang sana naging mahirap si Storm, perfect match kayo. "

"M-manang talaga... " React ni Storm.

"Kung magmamahal ka ba manang kailangan basihan ang istado ng buhay?"Tanong ko kay manang.

"Sa totoo naman po hindi eh. Pero kaming mahihirap ay takot husgahan ng kapwa kaya malaking parti sa amin ang estado ng buhay. "

"Kung ganoon ho, hindi yon pagmamahal manang, kasi diba pag nagmamahal ka di naman napipili at napipigilan, kung di mo kayang panindigan at ipaglaban ibig sabihin hindi yon malalim na pagmamahal. "

"Tama naman po kayo sir, pero sa tanda ko nang to-"Pinutol ni Storm ang sinabi ni manang.

"Bakit  ba naging love ang usapan? " Anas ni Eric. Binigyan nya ako ng baso na may lamang alak ngunit tinanggihan ko iyon.
Kinuha iyon ni Storm at ininom.

"Bawal si sir uminom, may trabaho pa sya bukas. "
Lumalalim na ang gabi at nagpaalam na ang ito na umuwi dahil kaya pa naman daw habang naiwan naman sila ni Storm. Naka subsub ito sa mesa.

Ang Maputik Na Dyamante 💎 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon