Operation

245 4 0
                                    

STORM Pov :

  " Sigurado ka ba sa pina plano mong to? "
Nababalisa si Luke ng malaman na ipapain ko ang sarili ko. Actually, parati naman.

"All you need is to trust me. " kinuha ko ang box na may chip recorder, kailangan naming maka lapit sa mga sasakyan nila isa-isa.

"Ako na ang bahalang maglagay nito sa mga sasakyan." Naka suot ako ng dress na backless at 2 inches na high heels dahil matangkad naman ako. Sadyang nag ayos ako ng tudo para mapansin nila.

"Okay ka lang? " Tanong ni Luke.

"I'm fine, atupagin mo ang chip recorder, pagkatapos mo ay sumunod ka dito sa loob.  Copy all the datas, ako bahala sa atensyon nila. "

"Copy. "

Pagpasok palang sa bar ay marami ng nagtitinginan sa akin. Nilibot ko ang paningin para mahagilap ang mga target.

'' Miss 'V'.  Matagal ka na rin hindi naka punta dito ah?" Kilala sya sa bar doon sa ganoong pangalan.

" Andito ba sila? "Bulong ko sa medyo may katandaang babae. Isa sya sa regular costumer nito dati.

"Oo, nasa harap. " Sagot nito na pabulong din.

"Good. Kaylan ako pwedeng umiksena? "
Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa harap. May bandang tumutugtog.

"Paumanhin po muna sa lahat,  may bago po tayong Vocalist kasi sayang naman at hindi natin marinig ang boses nya. My friend!" Naka tingin ito sa akin. Humarap ako sa mga tao na halos kalalakihan. Nagpalakpakan ang mga ito, ngunit bago pa ako naka umpisa ng kanta ay nakapasok na rin si Luke.

"I'm done. " Lumugar ito sa likod ng mga target. Habang inaaliw ko ang mga tao ay ito naman ang abala sa pag save ng data. Pag signal nito na okay na lahat ay tinapos ko na rin ang isang kanta at nagpaalam. Nauna na itong lumabas.

" Hi..."  Bati ng isa sa target namin.

"Oh... Hello... " Ngumiti ako.

" Parati ka dito? " Tanong ng lalaki na sa tingin ko ay di lang magkalayo ang edad namin.

"Dati, regular costumer. "

"Ahh... Ahm... Pwede ko bang hingiin ang number mo? "

"Sure."Sagot ko, alam kong kumagat na sa pain ko ang lalaki. Binigay nito ang cellphone para e type ang number ko.

"Thank you."

"Welcome! I'll go ahead first, di pa kasi ako naka uwi e. " Naka ngiti ito na halatang tuwang-tuwa dahil binigay ko ang contact ko. Nilagyan ko iyon ng tracking device ng di nya namamalayan. Naabutan ko si Luke na naka pikit ang mata.

"Kung matutulog ka, ako nalang ang mag mamaneho."

"No, I'm not. Saan na tayo ngayon? "

"Ihahatid na kita sa inyo bago ako uuwi sa condo ko. " Minalas kasi kami kanina. Nakaapak ang sasakyan nito sa isang kahoy na may pako kaya dinaan muna namin sa talyer.

"Wala ka bang bahay na inuuwian? "

"No personal questions allowed. " Nag simula na itong patakbuhin ang sasakyan.
Tahimik lamang kami habang nagmamaneho ito at ako naman ay naka tingin lang sa daan. Ngayon ko lang napag masdan muli ang mga lugar. Marami nga talaga ang nag bago.

"Hello." Sagot ko ng tumawag ang matalik kong kaibigan.

"Asan ka? Bat di ka pa umuuwi?"

" Miss mo ako no? Hmn... Wag ka muna matulog,  marami akong pasalubong sayo. "

Ang Maputik Na Dyamante 💎 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon