New Home

301 2 0
                                    

Storm Pov:

"Welcome po ma'am." Sabay-sabay na bati ng naka unipormeng kababaihan sa akin.Ngumiti ako sa kanila ngunit may pagtutol sa loob-loob ko.

"Bakit ma'am? Baka akala nila na guro ako? "
Inusente kong tanong sa isip. Nakasunod ako kay Seth.

"Ready na ho ba ang kwarto manang? "

"Opo sir, sya na ho ba ang magiging ma'am namin? Ang ganda naman ho ng girlfriend mo sir, bagay kayo. " Nagkatinginan silang dalawa ni Seth. Ngunit wala man lang itong reaction sa sinabi ng isang matanda.

"N-nako manang, di po ako kasintahan ng amo nyo. Tinulungan nya lang ho ako habang wala pa akong bahay na matutuluyan. " Tumawa ang ginang.

"Palabiro pala si ma'am, sir. Hala... magpahinga muna kayo at tatawagin ko lang kayo kung tapos ko na maihain ang pagkain sa mesa. " Sinamahan ako ni Seth sa magiging silid ko. Manghang-mangha ako sa ganda at laki ng bahay.

"Bakit hindi mo man sinabi na di mo ako girlfriend? " Inis na tanong ko rito.

"Diba ikaw nagpaliwanag? Pinaniwalaan ka ba? " Tanong nito sa akin.

"Paano naman po kasi ako paniwalaan ni di mo man lang denepensahan ang paliwanag ko isa pa, bat nandito ako sa silid na malaki ? Sana kung saan sila natutulog doon nalang din ako. "

"Okay, sasabihan ko si manang Bebang mamaya na isasama ka nila pauwi." Seryuso nitong tugon sa akin.

"Anong isasama pauwi? " Takang tanong ko.

"Umuuwi sila alas syete emidya ng gabi. Walang maiiwan dito kundi ako. Diba sabi mo doon ka sa kung saan sila matutulog. Ikaw na bahala kung sino sasamahan mo,at lahat ng yon may asawa. Kung matutulog ka sa kanila siguraduhin mong nasa gilid ka ha kasi baka akalain ng mga partners nila na ikaw ang asawa at hindi sila. " Seryuso nitong paliwanag sa akin na ikinatayo ng balahibo ko.

"Iwan ko sayo! " Akma na akong tatalikod para pumunta sa kusina ngunit pinigilan nya ako.

"Hep! Hep! Saan ka pupunta? "

"Sa kusina, mas matino pang kausap sayo ang matatanda. "

"Opo! " Utos nito. Nakahawak ito sa braso nya kaya wala syang magagawa kundi umupo sa malambot na kama.

"Sabihin mo lahat ng conditions sa pag tira mo dito. "

"Ano??? "Gulat na tanong ko, akala siguro nito ay nakalimutan ko.

"Isa... "

"Rule # 1 : Kailangang may naka handa ng breakfast 6 am in the morning.
Rule # 2 : Effective tomorrow ay ako na ang maglilinis ng silid mo.
Rule #3: Dapat laging alerto kapag tinatawag mo.
Rule # 4: Wag paki'alamera sa gamit ni monster. Sumama ang tingin nito sa akin.

"Paki ulit ng sinabi mo. "

"Alin po? Yung 1 to 4 na rule ni monster"

"Anong monster? "

"Diba yon yung tawag sa amo mo? Monster? " Pa inusente kong paliwanag, asar na kasi ako sa inaasta nya kaya napag'isipan kong asarin din sya.

"Hindi kita bibilhan ng mga gamit... " Panghahamon nito sa akin.

"Okay lang ho, kontento na ako sa isa kong damit. "

"At ang panloob mo? "Bigla akong namula sa sinabi nya. Wala nga pala syang panty at bra maliban sa kasalukuyan nyang suot. Nag peace sign ako.

"Sorry po, sir..."

Seth Pov:

Hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob si Storm para tawagin akong 'monster '. Pero sa totoo lang, I really found her cute doing pang aasar sa akin but I need to hide my true feelings. Pinagmamasdan ko sya ng palihim.
Pinayagan ko na kasi itong pumunta sa kusina at tumulong kay manang.

Ang Maputik Na Dyamante 💎 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon