SETH's POV:
One month later :
"Tito, wala na po akong balak makipag blind date uli. "
" I know you will like it. Matanda kana Seth, kailangan mo namang bigyang oras ang sarili mo. " Takang- taka ako sa ikinikilos ng kapatid ng ina ko. Unang beses nya akong pinipilit ng ganito ka tindi. Masyado itong seryuso sa lahat ng bagay.
"Tito, may mahal po akong iba. Sya na ho ang nagmamay ari ng puso ko. "
"Can you do this for me? This is my first and last wish. "
"Para ka namang mawawala nyan eh. Bakit ba atat kayong e date ako sa babaeng kakilala nyo, baka senior na rin to kagaya nyo. " Binatukan nya ako ng mahina.
"Just a friend. Do it. "Wala akong magawa kung hindi ay pag bigyan ang hiling nito. Kahit papano ay masaya akong nakikita itong hindi na sinisiryuso ang lahat ng bagay, marunong na itong makisama ngayon.
Sa totoo lang gusto ko nang kausapin si Storm ngunit panay ang iwas nito sa akin. Lahat na ng paraan ay ginawa ko ngunit ni isa ay hindi umubra."Kailangan mong maging extra gwapo ngayong gabi Seth, isipin mo nalang na regalo ko to sayo. " Tuwang-tuwa namang pinagmamasdan sya ng kanyang ina. Kasalukuyan silang nag hahapunan.
"Go, anak. Ipakita mo sa babaeng maging kaibigan mo kung gaano ka kakisig. " Sulsol pa ng aking ina. Pumasok ako sa silid, maraming tanong sa utak ko kung bakit ganoon na lang ang mga ito kasaya.
Gusto ko isang simpleng suot lang ang isusuot ko kagaya kapag lumalabas ako. Wala naman kasing tanong sa isip ko na baduy akong manuot. Sa makatuwid ay maraming pupupuri sa pananamit at kagwapuhan ko. Lumabas ako ng silid, pagkakita sa akin ng aking ina ay napasama ang mukha nito hanggang sa ito nalang ang pumili ng susuutin ko."Mom! Wag mong ikalat ang mga damit ko. I don't like it. "
"Later I will fix your room anak, from now on you need to wear this. "
"Eh, napaka pormal naman ho ata nyan. "Tinulungan nya pa akong hubarin ang damit ko.
"Mom, go out. Ako na. I'm old enough okay?" Namamaktol itong lumabas. Napangiti ako. Masaya akong nakikitang extra sweet ang mga ito sa akin. Sa pangalawang pag labas ko ay abot tainga ang mga ngiti nito. May binigay na address ang kanyang tito. Address ng bahay bakasyunan ng pamilya nila.
"Wait... Wait... What's this? Bakit dito? Mom... I don't like this kind of idea. Masyado bang malapit sa inyo ni tito ang babaeng ka date ko ngayon? "
Nagsitayuan ang mga ito at pumunta sa kusina na parang wala lang narinig."Hey, mom and Tito!" Tawag ko ngunit nagbibingi-bingihan ang mga ito. Asar na lumabas ako at sumakay sa sasakyan. Habang papunta sa lugar kung saan sila magkikita ng babae ay hindi ako mapakali. Ayaw kong isa naman to sa dahilan para makasakit ako ng damdamin ng babae.
Storm Pov :
"Nay, kuya. Bat may ganitong damit? Ayaw ko ng ganito ha."
"Nak, diba ayaw mo nang makipag kita sa doctor na yon? Kaya bibigyan ka namin ng ka date. "
"Nay, hindi naman ibig sabihin na ayaw kong makipag kita sa kanya ay gusto ko nang humanap ng iba. "
"Kaibigan lang naman anak. "
"Marami po akong kaibigan nay. "
"Sige na, anak. Ngayon lang to. Pag ayaw mo pwede ka namang umuwi kaagad dito eh. " Bumuntong hininga ako. Noong nakaraang mga araw pa ang mga ito nangungulit sa akin.
"Sige po, payag na ako, basta wag lang ganito ang susuutin ko, masyadong bulgar ang kurba ng katawan ko dito eh. "
"Magtatampo ako pag di mo yan suutin ngayon. "
Talagang mapilit ang mga ito. Naligo nalang ako at pinaunlakan sila para wala na akong marinig. Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako sa naging resulta ng pag ayos ko. Napagtanto ko rin na kailangan ko din ng oras para sa sarili ko sa subrang daming trabaho na inaatupag ko simula ng pag balik ko.
BINABASA MO ANG
Ang Maputik Na Dyamante 💎
RandomKayod kalabaw ang naging buhay ni Storm. Kailangan nya iyon para matustusan ang pangangailangan nilang pamilya. Habang ang kanyang ina ay adik sa pag susugal. Dumating ang pagkakataong sya ang naging pamusta nito at natalo. Ngunit ang hindi nya ina...