The Truth

121 1 0
                                    

Storm Pov :

Ilang linggo na buhat ng makalabas si Luke sa hospital. Sa ngayon ay sya muna ang nag sisilbing mata ko. Isa isa ko na napasukan ang loob ng bahay ng sindikato at nalagyan spy camera ang iba't ibang sulok ng bahay. Hindi na rin kami nag kita ni Seth nagmula ng tinulungan nya ako.
Sa isang linggo ay gaganapin ang malaking pag export ng mga druga sa ibang bansa. May isang vessel na mag eexport.
Papunta ako ngayon sa bahay nila Patrick dahil may kukunin akong isa rin sa ebidensya. Nag dala nalang ako ng mga pasalubong para sa mga ito.

"Tao po! " Lumabas si Patrick.

"Oh. Napadalaw ka? "

"Gusto ko lang magpasalamat sa tulong nyo. Lalo na sa inyo ng inay mo. " Inabot ko dito ang mga prutas at cake na dala ko. Nag kunyari akong napadaan lang.

"Nag abala ka pa talaga. Pasok ka. "

"Nako, napa daan lang talaga ako. "

"Nako, si V ba yan anak? Papasukin mo. "

"Pasok ka kahit saglit lang. " Sumunod na rin ako. Maliit lang ang sala nila ngunit malinis. Napadako ang paningin ko sa isang litrato. Matagal na iyon. Lumapit ako para tingnan. Ganoon na lamang ang pagka gimbal ko ng makita si tatay at noong baby pa ako na kandong kandong ng ina ni Patrick.  Larawan iyon ng masayang pamilya. Nanginginig ang kamay ko na kinuha iyon.

"P-pamilya nyo ho? "Parang hangin lang ang boses ko.

"Ah Oo." Lumapit ito sa akin at may tinuro sa litrato. " Yan si  Patrick, yan yung asawa ko, ate ni Patrick si Dainne at ito si Storm, ang bunsong anak ko. "
Biglang lumambot ang tuhod ko sa nadiskobrehan.

"Ayos ka lang anak? Patrick, alalayan mo si V,  namumutla sya. "Lumapit naman ito kaagad at inalalayan syang maka upo.

"S-saan na po ang asawa at mga kapatid ni Patrick? "Patuloy ko paring tanong. Lumungkot ang mukha nito.

"Ang Dainne, namatay na. Bata pa sya namatay, ang ama nila ay natagpuang patay mahigit apat na taon na ang nakaraan. Si Storm di ko alam kung buhay o patay na. " Tuluyan ng napaluha ito.

"P-paano po kayo nagka hiwalay?"

"May babaeng patay na patay sa tatay nila noon, ginawa nya lahat para mapag hiwalay kami. Ngunit sadyang matibay kaming mag pamilya. Isang beses. Anim na taong gulang palang noon ang panganay naming anak. Walang ka awa-awang pinatay nya ang anak ko. Susunod sana ako kaso nakipag sundo ang asawa ko na magsasama nalang sila kapalit ng katahimikan at kaligtasan naming lahat, ngunit di na kontento ang babae, tinangay pati bunso naming anak. "
Nanlulumo na ako, halos binagsakan ako ng langit at lupa. Tuluyan ng bumigay ang puso ko. Tumayo ako kahit parang wala ng lakas ang mga tuhod ko. Kailangan ko munang humanap ng lugar na makapag isip ako ng matino.

"A-aalis po muna ako... "Hindi ko na inantay na maka sagot pa ang mga ito. Mabilis akong umalis sa lugar na yon at huminto sa gilid ng daan mga ilang metro mula sa pinanggalingan kong bahay.

"May pamilya ako? "  Hindi ako makapaniwala. Kaya pala ganoon na lang ang pagka munhi ng tinuturing kong ina. Gusto ko mang yakapin ang totoo kong mga kadugo ngunit wala pa akong lakas na loob para gawin yon. Sumakit ang ulo ko sa kakaiyak at kakaisip hanggang sa subrang pagod naka tulog ako. Mabilis kasi akong nakakatulog pag pakiramdam ko halos na pati katawan ko ay nawawalan ng lakas ang mali lang ay wala ako parati sa tamang lugar.

Seth Pov :

Sa di kalayuan, habang nagmamaneho ay may napansin akong sasakyan na naka parada sa gilid ng daan. Familiar iyon sa akin.

"Storm? " Sasakyan nya ang nakikita ko. Kinabahan na naman ako sa naisip ko na baka napano ito. Sa mga oras na yon ay kasama ko si Camille. Tumigil ako at bumaba ng sasakyan. Nag tataka namang sumunod sa akin si Camille.

Ang Maputik Na Dyamante 💎 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon