Pain

218 1 0
                                    

Narrator :

Hawak-hawak ni Storm ang kanyang labi. Sa totoo lang ay nahihiya sya sa nangyari pero mas pinili nyang isipin nito na hindi nya gusto ang ginawa nito. Ayaw nyang magmukhang tanga sa harap nito.

"Baliw ka talaga Storm!"
Ngunit ang kaligayahang nadarama nya ay pansamantala lamang. Nag ring ang cell phone nya at sinagot nya iyon. Wala syang kaalam-alam kung sino ang nasa kabilang linya.

"Hello, sino to? "tanong nya.

"It's been a while Storm, kamusta kana? "
Tanong ng nasa kabilang linya. Bigla syang kinabahan sa boses nito. Para kasing narinig nya na ito ngunit di nya lang matandaan.

"S-sino ka? "

"Sa wakas na tunton din kita. "

"Anak patayin mo ang telepono mo, wag kang maniwala dyan!"

"T-tatay...?" Mahina kong usal.
"Anong ginawa nyo sa kanya ha? Mga hayop kayo! "

"Sa ngayon wala pa, pero sa oras na hindi ka magpakita sa akin, di mo na maitatanggol ang tatay mo. " Tumawa pa ito ng malakas, nasisiyahan pa itong makita na nahihirapan ang ibang tao.

"H-hayop ka! Anong kailangan mo? " Garalgal na tanong nya.

"Ikaw, kapalit ang kaligtasan ng kaibigan at ng tatay mo. "

"P-paano?" Nanghihina na sya, ayaw nyang mapahamak ang mga taong mahal nya dahil lamang sa kanya. Mas mabuti pang sya nalang ang nahihirapan,wag lang ang mga ito.

"Matino ka naman palang kausap e. Bukas ng madaling araw, aantayin kita. I will send you the information. " Wag kang magkamali baka pati tinutuluyan mong bahay ay madadamay. "
Napatakbo sya sa bintana. Tulog ang gwardyang naka bantay sa gate at sa labas ng bahay ay tanaw nya ang mga lalaking may hawak-hawak na galon na sa tingin nya ay may laman iyon na gas.
Nanlumo sya. May dumating na mensahe na naglalaman kung saan siya pwedeng pumunta. Halos di na sya maka tayo sa subrang takot at pagkabahala. Nagmamadali syang mag hanap ng papel at ballpen o kung anong pwedeng masulatan. Pagpatak ng alas sais ay inayos nya ang sarili, ayaw nyang madamay na naman ang taong tumanggap sa kanya ng buo na walang pag alinlangan.

"Kamahalan! Tawag nya kay Seth. " Kinatok nya ito sa silid ngunit walang sumasagot doon, nagtaka sya. Pumunta sya sa music room, wala rin ito, tumuloy sya sa sala at may nakita syang sticky note na naka patong sa mesa.

Bumili lang ako ng pwedeng makain natin ngayong gabi. Hindi na kita inabala pa dahil alam kong pagod ka rin.
-Seth,

"Ito na ang huling gabing magkasama tayo Seth, at sisiguraduhin kong makabawi sayo sa maiksing oras na natitira ko na magkasama tayo. "

Inaayos nya ang hapag kainan ng dumating ito.

"Hey! How's your sleep? "Ngumiti ito sa lalaki.

"Nag take out lang ako ng makakain natin."

" Masyado namang marami yan? "

" Ginutom ako eh. Ikaw ba hindi? "

"Nagugutom nga eh. " Tinulungan nya itong ayusin ang mga binili at nagsimula na ring kumain.

"Hindi ba ako naging pabigat sayo rito? "
Kunot noong bumaling ang atensyon ni Seth sa kanya.

"Of course not! "Ngumiti lang ang dalaga at nagpatuloy sa pagkain. Tatayo na sana sya para abutin ang isang ulam ng mag brown out. Naging tahimik ang paligid.

Ang Maputik Na Dyamante 💎 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon