STORM Pov :
"Sabi mo antayin kita kagabi, ano naman ba nadaanan mo at nawala ako sa isip mo?Nilalamok na ako sa kakaantay sayo. " Si Fee.
"Sorry na po. Tinapos ko lang ang dapat tapusin kagabi. "
"Pasalubong ko? "Parang batang nag lambing ang kanyang kaibigan. Nginuso ko ang maleta sa gilid ng kama. Agad naman itong bumangon at binuksan iyon.
"Saan dito sa akin?"
"Sinabi ko bang nandyan sa loob? "May nakita itong box sa gilid. Binuksan nya iyon, halatang tuwang-tuwa ito sa pasalubong nya. Binalot ko na sa iisang box ang mga pasalubong ko rito.
Mahilig ito sa T-shirt na itim at may collection din ito na shades."Di ka pa ba nag sasawa mangulekta ng shades? "
"Hindi. Saan ang chocolates ko? "
"Naibigay ko na lahat eh. "Nag peace sign ako sa kanya. Alam kong uusok na naman ang ilong nito kaya iniwas ko na ang tingin ko sa kanya.
"Bakit puro gamit ang akin? Ang sama mo! "
"May pera ka pambili ng chocolates na mamahalin, kaya ibinigay ko nalang sa nagugutom. "
"Sa ilang taon talaga yan yung ugaling hindi mawala-wala sayo. "
"Lutuan mo ako ng makain please... "Paglalambing ko sa kanya.
"Bahala ka. May lunch date kami ni Vanessa."
"Sama mo naman ako sa date mo, mag iibang table lang ako. "
"Hindi pwede. "Bumangon ako at nilapitan sya. Hindi talaga ito halatang tomboy dahil mas sexy pa itong manamit sa akin.
Minasahe ko ang kanyang likod."Isama mo na ako. " Tumingin ito sa akin.
"Kiss muna. " Hinalikan ko sya sa pisngi. Alam kong may gusto ito sa akin dati pero nagkalinawan na kami, hindi ako naiilang dito dahil open minded naman ang kaibigan ko.
"Tayong dalawa nalang mag date. "
"Paano ang girlfriend mo? "
"Pwede namang mamayang gabi kami."
"Feeling mo hindi ako ma guilty nyan? Okay lang, may report din kasi ako mamayang ten eh. "
"Sabay na tayo, ihahatid kita sa presinto. "
Kanya-kanya na kaming nag ayos at hinatid ako sa opisina. Hindi pa ito na kontento at bumaba pa ito at hinatid ako sa loob. As usual nakatingin lang sila sa amin dalawa ni Fee, andon na rin si Luke."Detective 'V', hindi mo ba kami ipakilala sa kapatid mo? " Si Steve talaga parating nauuna pag babae ang pinag uusapan.
"Ahm...Hello! Fee nga pala. I'm just here para ihatid ang -" Di ko na tinapos ang sasabihin nya.
"She's my girl friend. " Napatingin sa akin si Fee. Biglang nawala ang ngiti ng lahat at nagsi balikan sa kani'kanilang pwesto.
Hinihila nya ako papunta ng sasakyan."Anong drama yon? "
"Nakakapagod na kasing makinig sa kanila, nakakarindi na, kaya ayon para maayos ako maka trabaho ng walang lumalapit. "
"Kaya ako pinain mo? Kakaiba talaga ang timbre ng utak mo Storm. " Nag paalam na ito sa kanya. Hanggang sa maka upo ako ay subrang tahimik nila. Si Luke ang napansin kong naka titig lang sa akin. Balisa ito. Hindi nito sukat akalain na tomboy sya.
Minomonitor namin ang pinupuntahan ng mga kalaban. Kanya- kanya kaming sasakyan para mapa bilis ang aming trabaho. Wala rin akong choice kundi ay umuwi at kunin ang sasakyan.
Nag sombrero ako ng itim at leather jacket na itim, naka skinny jeans at tennis shoes.
Sinundan ko ang trucking device ng isa sa mga ito, may ka meet up ito. Kailangan kong makunan ng litrato.
Sa ilang minuto na pag upo ko doon ay nag umpisa na silang mag abutan. Pasimple ko silang kinunan ng litrato ngunit nakalimutan kong e off ang flash kaya agad nila iyon napansin, wala akong ibang choice kung hindi ay tumakbo.
BINABASA MO ANG
Ang Maputik Na Dyamante 💎
De TodoKayod kalabaw ang naging buhay ni Storm. Kailangan nya iyon para matustusan ang pangangailangan nilang pamilya. Habang ang kanyang ina ay adik sa pag susugal. Dumating ang pagkakataong sya ang naging pamusta nito at natalo. Ngunit ang hindi nya ina...