RAINY DAY

260 3 0
                                    

SETH:

Kasalulakuyan kaming nasa hapagkainan. Halos mag iisang bwan na rin kami magkasama ni Storm sa loob ng bahay. Medyo naging panatag na rin ang loob nito at hindi na nangungulit tungkol sa pagsama sa labas. Naging kampante na rin ang loob ko.

"Ayusin mo nga ang pag upo mo habang kumakain. Para kang lalaki. Tomboy ka ba? " Inismiran lang ako nito habang nagpatuloy sa pagkain ng almusal.
"Lalabas ako mamaya para mag grocery, wala kasi si manang at pa ubos na ang laman ng ref. "

"Alam ko. "

"Tingnan mo to, hindi mo na ako nirerespeto ah. Kung di mo ako nirerespeto bilang may ari nitong bahay, respetohin mo ako bilang lalaki. "

"Bakit?Nirerespeto mo ba ako bilang babae? " Balik tanong nito sa akin na ikinagulat ko.

"Ano kaya ang nakain ng babaeng to at ganon na lamang itong sumagot sa akin? "
Tanong ng isip ko.

"Bakit, babae ka ba? " Inis na tanong ko rin dito. Bigla itong tumayo at iniwan ang plato na may laman pang pagkain.
" 'San ka pupunta? "

"Ikaw mag ligpit pagkatapos mong kumain. Gusto ko munang magpahinga. "

"Ano??? "T-teka...trabaho mo to ah?"

"Ikaw na rin ang may sabi na hindi ako obligado na mag trabaho dito diba? "
Hindi ko alam kung kong inaasar lang ako nito o sadyang nag bago na ito.

"Humanda ka sa akin na babae ka..!"
Pagkatapos kong ligpitin ang pinag kainan naming dalawa ay pumasok na ako sa silid at nag bihis para namalengke ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya wala akong magawa kondi manatili sa loob ng silid. Ilang oras pa ang dumaan ng may kumatok sa pinto.

"Pasok "
Dahan-dahan iyon bumukas at tumampad sa akin ang naka ngising dalaga. Napa kunot ang noo ko.

"Bakit ngiting dimonyo ka ngayon? Buti naman naisipan mong mag linis ng silid ko?" Wika ko ng makita ko ang pang linis na hawak nito.

"Ha??? Hindi ho, nandito ako para turuan kang mag linis. "

"Talagang hinahamon ako ng babaeng to ah. "

"At bakit naman kita susundin? "

"Dahil walang maglilinis ng kwarto mo sa loob ng isang linggo dahil sa makalawa pa babalik sila manang at dahil hindi mo ako tinuturing na babae at hindi kita tinuturing na lalaki, ikaw gagawa nyan. "

"No way. " Tumalukbong ako ng kumot. Pumasok ito ng tuluyan at kinuha ang kumot na nakatakip sa mukha ko.

"Bakla ka ba? "

"Aba't, inaapakan mo na pagka lalaki ko ah. "

"Hindi ka nga lalaki sa paningin ko -" Hindi ko na tinapos ang sasabihin nito at hinila ko na sya pahiga sa kama. Halata ang pagka bigla sa mukha nito. Ilang sandali ring wala kaming imik sa isat-isa.

"Hindi ba talaga ako lalaki sa paningin mo? " Tanong nito habang nakahiga ito sa pisig ko.

"H-hindi... "Maiksing sagot nito.

"Okay, di kita pipilitin. " Napangiti ako ng bahagya sa biglang pumasok na ideya sa isip ko. "Since its rainy day and I'm bored, pagbibigyan kita, but stay here. Kailangan mo akong turuan diba? " Bulong ko dito.

Ang Maputik Na Dyamante 💎 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon