STORM POV:
Nasa likod ako ng isang malaking delivery truck na pinaglalagyan ng kunyaring puro isda ngunit mga druga pala. Nailabas na nila iyon at kasalukuyan ng papunta sa barko para maitawid sa ibang lugar.
Akmang tatakbo na sana ako sa kabilang sulok para makalapit lalo sa mga ito ngunit may hindi ko alam na may guardya pa palang naiwan."Hoy! " Puna nito sa akin at sinabayan ng pag putok ng baril na umalingawngaw sa buong paligid. Hudyad para maging alerto ang lahat ng naroroon.
"Sh*t!" Wala akong ibang choice kung hindi ay makipag palit putukan sa mga ito. Si Luke ay nasa loob na kasama ang iba pa naming mga kasamahan sa operasyon habang ang mga kasamahan ko naman ay nakakalat na sa buong paligid.
Habang patuloy ang putukan ay may mga kasamahan kaming nataramadan ganoon rin ang mga kalaban.
Naawa man ako ngunit kailangan kong matapos ang misyong ito dahil sa laki ng perwisyo na naidulot nito hindi lang sa mga kabataan na maagang naligaw ng landas kung hindi ay pati na rin sa bansa." 'V' anong nagaganap d'yan? " Tanong ni Luke.
"Do your duty. Papunta na kami sa loob. Kailangan nating madaliin ito dahil marami na tayong mga kasamahang natamaan. Secure all the evidences. "
"Detective 'V'! " Pag baling ko sa likuran ay nakita ko si Patrick na napaluhod. Sinalo nito ang bala na para sana sa akin.
"K-Kuya... " Bigla akong nanlumo.
"B-bilis, baka ma corner ka nila dito. "
"Bakit ka nandito? Ipina ubaya mo na sana sa amin lahat ng ito. "
"Mas alam ko ang pasikot-sikot dito. Tuwagin mo nalang ang medic para tulungan ako. " Inalalayan ko sya sa pag tayo. Mabuti nalang at daplis lang ang natamo nito kaya makakatakbo pa ito para makapag tago. Tumawag ako para sa back up at tinuloy ang pakikipag putukan.
Nasa sentro ako ng mga stucks na sa tingin ko ay mga druga. Tahimik na doon, wala ng putukan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngunit pakiramdam ko ay may mali. Hanggang sa napatunayan ko na ang kutob ko ay tama."Long time no see, Storm. Maganda ka pa rin hanggang ngayon. " Napa urong ako ng makita ko ang isang matanda na wala wheel chair. Tandang tanda ko pa ang mukhang yon.
"Buhay ka pa pala, akalain mo nga naman. " Nabuhay ang galit ko sa pagkakataong iyon. Sa likod nito ay nakita kong duguan si Luke at ang kuya ko na tinututukan pa ng baril sa ulo.
" Parang kelan lang ng ganitong eksena rin ang nangyari noong huli tayong magkita hindi ba, Storm? " Ngumiti pa ito na tila baliw habang umiikot sa akin.
"Pakawalan mo sila. "May tigas sa tinig ko, ayaw kong ipahalata na natatakot na rin ako sa pagkakataong iyon.
" At sino ka para utusan ako? Now...put your gun down at sipain mo papunta dito. "Utos nito na sinunod ko. Palihim kong minamasdan ang paligid ko, may mga kasamahan kaming naka tutok ang mga baril sa kalaban, ngunit kahit konteng pagkakamali lang ang magawa nila ay tiyak na mamamatay ang kanyang kuya at si Luke.
" Hayop ka tanda, wag mong galawin ang kapatid ko! " Sigaw ng kuya ko.
"Oh?? Nakalimutan kong magkapatid pala kayong dalawa. Kaya pala parang nasa teleserye lang ako. Sayang ka Patrick, ang husay mo mag trabaho, ngunit pasensyahan tayo dahil naunahan kita. "
Nagkaroon ako ng pagkakataong mag bigay hudyat sa mga kasamahan ko, habang naka harap ito sa kapatid ko. Pag lapit nito sa akin ay kinuyom ko ang kamay ko bilang hudyat na barilin ang mga kalaban. Alam kong ako ang madidihado sa pagkakataong iyon ngunit mas mabuti ng ako ang mapahamak wag lang ang mga kasamahan at kapatid ko."Takbo! " Sigaw ko sa dalawa habang sinipa ko ang dalawang kamay ng lalaki na may hawak na armas na nakatutok sa akin. Panandalian kasing nawala ang atensyon nila sa akin. Tumakbo ang mga ito kahit pa man nahihirapan na. Ngunit huli na ang lahat, bago pa man ako naka sunod sa mga ito ay umalingawngaw ang sunod-sunod na putok sa paa at balikat ko.
Nawalan ako ng balanse dahilan ng pagkatadapa ko. Agad akong pinatayo ng dalawang armadong lalaki at tinutukan ng baril sa ulo.
BINABASA MO ANG
Ang Maputik Na Dyamante 💎
DiversosKayod kalabaw ang naging buhay ni Storm. Kailangan nya iyon para matustusan ang pangangailangan nilang pamilya. Habang ang kanyang ina ay adik sa pag susugal. Dumating ang pagkakataong sya ang naging pamusta nito at natalo. Ngunit ang hindi nya ina...