Chapter Two

1.1K 29 0
                                    

Chapter Two: Holdap 'to

"Maganda ba? Eh ito? O kaya 'to?" tanong ko kay Maris na busyng busy sa pagtetext sa kaniyang cellphone. Tango lang siya ng tango samantalang agit na agit ako dito kakapili ng magandang damit. Paano ba naman kasi nandito kami sa isang sikat na Mall dito sa Manila. Biyernes ng hapon ngayon at parehong wala na kaming klase ni Maris. Mamayang gabi na kasi kami uuwi sa Batangas. 

"Bes, alam mo. Kahit anong damit dyan ay bagay naman sayo! H'wag kang mag alala, kahit magbihis pulubi ay mahal ka pa din ni Joshua 'no," pabiro niyang tugon. Nalukot naman ang mukha ko. Syempre, gusto ko lang naman maging presentable pag nagkita kami ni Joshua 'no. 

In the end, nakabili din ako ng ilang damit at pagkatapos ay dumiretso kami sa isang kainan.

"Grabe 'no. Nakaka one and a half month na tayo dito sa Manila," pag oopen ko ng topic. Buti naman ay itinabi muna ni Maris ang kaniyang cellphone. Palagay ko kasi si Fifth iyong katext niya dahil naikwento niya iyon 'nung isang araw. Si Fifth, nakilala namin dito ng mag inquire kami sa University na pinapasukan namin. Alam ko na sa una pa lang ay nagugustuhan na ni Maris si Fifth dahil sa ngiti at jolly personality nito. Kaya nga 'nung hingin ni Fifth ang number ni Maris eh talaga nga namang kinilig ng bongga ang lola mo. 

"Grabeeeee! Bes!! Oh my gaaaad!! Hiningi niya number ko! Tingin mo may gusto na siya sa akin?!" naulanigan ang tainga ko sa tili niya. Grabe. Bestfriend ko ba talaga ang kaharap ko ngayon? Kinikilig siya ng todo todo. At ano daw porket kinuha ang number gusto na agad? Hindi ba pwedeng friendly lang so Fifth? 

At oo nga pala, may kakambal si Fifth at iyon naman ay si Kuya Fourth. Talagang magkamukhang magkamukha sila. Pero mahahalata mo di ang pagkakaiba dahil mas matured si kuya Fourth mag isip. Na-meet naman namin siya ni Maris ng ipakilala siya sa amin ni Fifth. 

"Oo nga eh. Akalain mo 'yun. Teka, kamusta naman daw si Joshua dun sa Batangas?" napalingon ako kay Maris ng magsimula siya. Sinubo niya ang huling bite ng kanyang pizza at nilingon din ako. 

"Huh?" napakunot-noo ako. Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin eh halos binabalitaan ko siya tungkol kay Joshua. I mean, lagi akong nagkwekwento about kay Joshua. 

"Kasi diba, yang si Joshua. High school pa lang tayo eh lakas maka hearthrob sa school! So pano mo na memake sure na walang umaaligid aligid sa kaniya ngayon?" napahinto ako. Ang ibig ba niyang sabihin, paano ko malalaman kung may lumalapit ba kay Joshua habang wala ako? And the biggest queston is, ineentertain naman ba ni Joshua 'yun? 

"I trust him. He trusts me. We trust each other. Case closed," sambit ko at nagkibit balikat lang siya. Ayoko kasing mag isip ng kung anu ano. At habang wala si Joshua sa tabi ko, ay as long as I can, iniiwasan kong mag isip ng ganun. 

Syempre hindi rin maiiwasan yun dahil admit it or not, gwapo si Joshua. Sa tangkad at ngiti pa lang niya ay makalaglag panga na. Ang swerte swerte ko diba. 

Namasyal pa kami saglit sa Mall at pagtungtong ng alas singko ay umuwi na kami sa dorm. Hindi na rin kami mahihirapang mag empake pa dahil nag empake na kami bago kami umalis papuntang Mall. 

"Ayos na ba ang lahat? Wala ka ng naiwan? Check mo nga," ani Maris habang pababa kami ng hagdan. Wala naman akong naiwan syempre excited akong umuwi e. 

Nang makasakay kami ng bus, binuksan ko yung phone ko at nagpatugtog. 

Wherever you are
Everynight I almost call you
Just to say it always will be you
Wherever You are

I could fly a thousand oceans
But there's nothing that compares to
What we had so I walk alone

Nagpunta naman akong messaging at may nakita akong isang text galing kay Joshua at yung karamihan puro GMs. Phew. 

Place Where I Belong(Book II of IBTY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon