Chapter Five: Mamimiss
"Bes, magkwento ka nga ng nangyari sayo nitong weekends.." yamot na sabi ni Maris. Monday na ngayon at balik na naman sa pag aaral. Nakaupo kami sa bench sa loob ng University. Maaga pa lang pero dahil pareho kaming maagang dinissmiss ng prof ay gumawa na lang ako ng assignment para sa subject ko bukas.
"Ano naman ikukwento ko sayo?" sabi ko na busy pa din sa pagsusulat. Marami ding estudyante ang nandidito, yung iba ay gumagawa din ng assignments at yung iba tumatambay lang.
Malaki ang University na pinapasukan namin ni Maris. Maswerte nga kami dahil nakapasok kami dito dahil na din sa tulong ng tito niya. Kumukuha ako ng kursong Tourism dahil pangarap kong maging flight attendant. Yeah, baby. Si Maris naman ay Accountancy. Doon naman sa Batangas, kumukuha si Joshua at Jane ng Communication Arts. Ang balita ko naman kina Manolo at Nichole, si Manolo ay Civil Engeenering at si Nichole ay pinersue ang HRM.
"Ah! Nung Saturday, nagpunta kami ng Matabungkay beach. Birthday kasi ng tita ni Joshua 'yun sinama naman ako," kwento ko sa kanya. Kumislap naman ang mata niya at napabalikwas sa pagkakaupo.
"Talaga? Gusto ko kayang makapunta don! Ano naman ginawa niyo?" excited niyang tanong.
"Malamang nagswimming saka kumain. Ano pa kayang gagawin dun," halakhak ko. Nalukot naman ang mukha ni Maris sa kapilosopohan ko.
"Ano maganda ba dun?" tanong niya.
"Oo, pramis! White sand. Sana pala naaya ko kayo 'nun? Nung umaga lang kasi nasabi ni Joshua na dun kami pupunta e," sagot ko sa kanya. Bigla namang nanlaki ang mata niya at parang may light bulb na umilaw sa taas ng ulo niya.
"Alam ko na, punta tayo dun pagtapos ng 1st sem!!" excited na sabi niya at nagpatuloy sa pag iisip ng plano. Malayo layo pa naman pero binanggit na niya ang mga aayain niya. At sinabing si Jane daw ay hindi nuya aayain dahil panay pa din ang dikit kay Joshua. Nangingiti na lang ako sa kalokohan ng bestfriend ko.
Dahil mamaya pa ang next class ko ay binuksan ko muna ang laptop ko at nagbukas ng Skype. Wala lang, binibisita ko lang. Nagulat naman ako dahil online si Manolo. Wala ba siyang klase ngayon?
"Bes, online si Manolski sa Skype oh. Video call kaya tayo?" tanong ko kay Maris na nakuha ko na ang buong atensyon.
"Yay! Sige dali!" tinawagan ko na siya at agad naman niya iyon sinagot. Pagkakita namin sa screen ay agad bumungad sa amin ang nakangiting si Nichole.
"Nichooooooole!!" sabay naming sigaw ni Maris. Naging kaklase din ni Maris si Nichole pati si Manolo, magkakaklase na kami simula first year at lumipat lang si Maris sa ibang school 'nung nag third year kami. Si Jane lang ang hindi niya naging kaklase dahil transferee si Jane nung nag fourth year kami.
"Uy kamusta na kayo? Buti Loisa nag online ka sa Skype," nakangiting sabi ni Nichole. Pagkaraa'y nakita namin na umupo sa tabi niya si Manolo.
"Busy kasi sa school works e. Kayo kamusta na kayo dyan?" nagbago ang kulay ng buhok ni Nichole na nagpa-mature sa kanya. Mukha siyang blooming. I'm not wondering why dahil lagi niyang kasama ang boyfriend niya. Si Manolo naman mas lalong nawalan ng mata. De, mas nag-mature ng kaonti ang hitsura.
"Maris! Loisa! Nasaan kayo?" di na nakasagot si Nichole dahil umepal si Manolo. Kahit kailan talaga, oh.
"San kayo ngayon? Sa school?" tanong ni Manolo.
"Ah, yep!" mabilis na sagot ni Maris. "Vacant kasi namin. Tas 'yung prof ang agang nagpadismiss. Haha!"
Tumagal ng halos isang oras ang pagii-Skype namin. Puro balitaan sa mga nangyayari. Inaya na din ni Maris sina Manolo na sumama sa Matabungkay after this sem para makapag bonding naman dahil namimiss na daw niya ang dalawa. Pagkatapos 'nun ay agad na kaming nagpaalam dahil may class pa kami at papasok na din sila.
"Bye Besty! See you later sa dorm!" sabi ni Maris at nag flying kiss pa. Matapos ang pag uusap dumiretso na kami sa next class namin.
Dumiretso na ako sa 2nd floor. Pagdating ko ng room, nandun na ang may katandaan naming prof at nakaupo sa harapan. Geez, late pa ata ako.
"Hey," nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko si Yves lang pala.
"Absent ka na daw," pabirong sabi niya pero inismiran ko lang siya. Ah, oo nga pala. Yves is a good friend since I step in college. He's one of my close friend na kaklase ko aside kina Trish at Yara. Nakwento ko na din siya kay Joshua at ang sabi niya gusto daw niyang maka-meet si Yves. Nung una nga nainis sa akin, e. Dapat daw ang mga sinasamahan kong kaibigan yung puro babae lang. Like, duh. Pero in the end, sabi ko mabait naman si Yves at cool kasama.
"Magkakaroon kayo ng tour this coming saturday. Everyone's presence is a must. This is our first tour kaya I expect all of you will come. Blah blah.." anunsyo ng prof namin. Wait, ano daw may tour kami this saturday. I mean kung may tour, paano naman kaya ako makakauwi samin. Panay lang ang salita ni Maam at hindi ko na makuhang makinig dahil namomroblema ako.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Joshua na hindi ko makakauwi this weekends. Pagkatapos ay sinend ko rin kay Mama.
"Loisa!! Sama tayo ha. Saan naman kaya yung tour na yun. Gosh! I'm so excited na agad!!" narinig kong sabi ni Yara sa gilid ko.
"Bawal daw ang maaarte magsalita dun. Hahaha," pabirong sabi ni Jacob sa likod ko.
"Geez, Yves ha! So epal. Hindi daw makakasama yung mga self conceited sa tour. Mga feeling gwapo, well, gwapo ka naman." natawa naman sina Jacob at Trish sa sinabi ni Yara. Kaming apat ang laging magkakasama sa section namin.
"Admit it girl, may crush ka kay Yves 'no?" masinsing tanong ni Trish.
"Hell, no!" defensive Yara.
"Magtigil nga muna kayooo!! Di ko pa alam kung sasama ako. Paano kasi ako makakauwi." problemadong tanong ko sa kanila that makes them to shut and think.
"Wag ka munang umuwi this week. That's the good thing." ani Yves. Ugh, sige na nga. Ngayon lang naman and I'll make sure na uuwi ako next next week. Naramdaman kong umilaw ang phone ko sign na may nagtext.
From: Joshua
Ah okay lang para naman sa course mo yan e. Future flight attendant, Ms. Loisa Andalio. Yun e. Haha. Lunch break na namin. Kumain ka na ba? Gawa mo?
Nawala ako saglit sa usapan naming apat at inatupag muna sa pakikipagtext kay Joshua.
To: Joshua
Nye. Haha. Sige di ako uuwi bwisit ka. Ang sabihin mo di mo ako mamimiss
Reply ko sa kanya. Parang ang cold lang ng dating. Nakakainis kasi, parang ayos lang sa kaniya na hindi muna ako umuwi. Wala pang ilang minutes ay agad iyang nagreply.
From: Joshua
Nagdrama pa ang Loisa ko. Hehe. Mamimiss kita syempre pero intindihan nga diba. ;)
Aw. Medyo kinilig naman ang lola mo. Siya 'tong iniintindi ako samantalang ako pinagdududahan siya. Great Loisa. Just great.
To Joshua:
Okay po. So drama. May klase pa kami pero wala kaming ginagawa. Kain ka ng madami payatot
Hindi ko na nabasa ang reply niya or kung nagreply pa ba siya dahil dinaldal na ulit ako nila Trish at nag simula na ding mag discuss ang prof namin. Sinabi din niyang we must keep in touch sa mga announcements regarding sa tour namin. Napapabuntong hininga na lang ako.
******
Dedicated to you. Kahit di ka sumagot, sayo ko talaga idededicate 'tong chapter. Hehe. Thank you! Napanuod niyo ba ang LoiShua sa GGV kagabe? Hahaha! Will try to update tomorrow dahil birthday ni Joshua. Kyaah!! Hahaha. Advance Happy birthday Joshua, sana wag ka ng maging tamad. :D Love you! xx
*Pasensya sa update busy lang dahil finals na po. Hahaha. X -byul
BINABASA MO ANG
Place Where I Belong(Book II of IBTY)
Fanfiction(This is the sequel of Loisa and Joshua's story after highschool.) Everything was going smooth and anything was under control. Iyan ang akala nina Joshua at Loisa ng malayo sila sa isa't isa. Nag aral si Loisa sa Manila while Joshua continued studyi...