Chapter Twenty-four: Tell Me The Things I Don't Want To Hear
MAYA maya lang ay may narinig na kaming ingay sa labas. Siguro sila Maris na 'yun kaya lumabas na din kami. Nakita namim silang mga basang basa at panay ang tawanan sa isa't isa.
"Hindi niyo manlang kami ginising!" Sabi ko. Kunwaring nagtatampo.
"Hoy, sabi kaya ni Joshua 'wag ka ng gisingin! Eto kasi e," sinisi pa niya si Joshua at nag make face sa kanya. "Saka hello, tulog mantika ka eh. Nakakahiya naman sayo," saka siya tumawa.
"Grabe talaga kanina! Hanggang ngayon sumasakit pa din tyan ko kakatawa!"
"'Yung nalaglag kayo sa Banana boat? HAHAHA. Race pa kaya?!" Tuksuhan nila. Ade sila na nag enjoy. Tss.
"Syempre first time kaya namin, bakit kayo ba hindi nagbuwal?" Depensa ni Fifth.
"Nagbuwal. Hahahaha," hay nako. Mga sira. Lumapit sa akin si Joshua, bigla namang umiwas si Yves at pumunta sa gawi nila Trish.
Ugh. Eto na nga ba sinasabi ko na magiging awkward pa lalo. Hindi ko pa din ma-imagine na parang nung isang araw lang halos hindi ko na pansinin si Joshua pero ngayon parang balik na kami dati. Pipigilan ko pa ba ang sarili ko kung mahal ko naman siya. At isa pa, ako na mismo ang nakipag hiwalay dati at alam kong nasaktan ko siya noon kaya tama lang siguro na bigyan ko siya ng second chance.
"Kumain ka na?" Tanong niya. Tumango lang ako in return dahil natahimik silang bigla nang magsalita si Joshua.
"Uh, guys! Mamaya daw lilibutin natin 'tong beach saka mamaya na rin daw tayo bumili ng mga pasalubong para hindi hassle bukas sa pag gayak sabi ni tita. And.. If you want to swim go lang. Papahinga lang kami." Sabi ni Maris na ngayon ay tuwang tuwa pa din sa Banana boat ride nila kanina.
"KJ mo Maris! Tara swimming tayo! Mag bikini ka. Hindi pa kita nakikitang mag bikini.." Nakangising sabi ni Fifth. Seriously?
Natawa naman sila dahil pinagtitripan na naman nila ang best friend ko. Haha. "Ha! Ayoko nga, baka pag nakita mo 'kong mag bikini baka lalo ka lang mainlove." Sagot naman ni Maris.
"Matagal na akong in love sayo." At dahil sa banat ni Fifth na 'yon ay naghiyawan sila. I really can't believe. My best friend's having her love life now finally.
Namula ang buong mukha ni Maris at nag walk out na parang teenager na kilig na kilig sa crush niyang umamin sa kaniya.
Matapos naming kumain ng tanghalian ay nagpalit na kami ng damit para pang swimming. At dahil hindi naman ako masyadong liberated, isang ripped short shorts at isang black racer back ang napili ko. Nung una, kaming tatlo lang nina Joshua at Luke ang nagbabad but since gusto daw nilang 'sulitin' ang outing na 'to, kaya sumunod na rin silang lahat after.
Akala ko magiging awkward na naman ang kalalabasan dahil mag kasama sina Yves at Joshua(at Hindi pa nakakapag sorry si Joshua sa kaniya dahil sa suntok niya. Pero parang wala lang iyon lay Yves so no big deal) naisipan nilang mag battle sa loob ng tubig. I mean, well hindi ko kasi alam tawag pero ang gagawin, may dalawang player(may pasan sila sa batok na makikipaglaban sa kalaban) at kailangan nilang patumbahin ang isa't isa kung sino ang unang matumba, siya ang talo.
Sa unang round, pasan ako ni Joshua at ang kalaban sina Maris at Fifth. Talo kami. Hahaha. Kahit pala patpatin si Maris ang lakas pa din niya. Haha! Sunod sina Trish at Luke saka Yara at Yves. Syempre panalo sina Yves. Puro ganun lang ang naging laro until 4pm, huminto na kami dahil lilibutin na daw namin itong beach na may kalakihan din.
I'm just wondering kung paano nagpapansinan sila Joshua at Yves. I mean they are both in the same room paano sila naghaharap? Hindi talaga sila totally nagpapansinan? Sabi ko kasi kay Joshua mag sorry kay Yves sa ginawa niya pero ang tangi lang nagiging sagot ni Joshua, "Bakit ako unang mag so-sorry? Eh muntikan ka na nga niyang halikan. Saka he deserves it."
BINABASA MO ANG
Place Where I Belong(Book II of IBTY)
Fanfiction(This is the sequel of Loisa and Joshua's story after highschool.) Everything was going smooth and anything was under control. Iyan ang akala nina Joshua at Loisa ng malayo sila sa isa't isa. Nag aral si Loisa sa Manila while Joshua continued studyi...