Chapter Nine: Just Be Yourself
"Okay, fine! Just make sure na babalik agad kayo, ha. Wag na wag kayong pupunta kung saan saan. Understand?" nagsitanguan naman ang mga kaklase ko kabilang sina Yara, Trish, Yves at ilan pa naming babaeng kaklase. Maaga kasi kaming natapos kumain kaya nagdecide sila na maglibot libot muna ng kami kami lang. At first, ayaw pa talaga kami payagan ng prof namin but my classmates, as persistent and makulit as ever, napapayag nila.
"Bye maaam! We'll be back lateeer!" sigaw ng isa naming kaklase dahilan para magtawanan kami.
"Guys, may map ba kayo? All of us were first time here so baka maligaw tayo.." Yara said while clinging her hands to my shoulders.
"Hindi 'yan, ano! Saka saglit lang naman tayo. Picture here and picture there. Haha!" nagkibit balikat na lang ako sa kanil saka patuloy na naglalakad.
"Paano kung mawala tayo, mga hindi naman nila alam 'tong lugar mga nagmamarunong. Dapat nagsama pala tayo ng isang tour guide or..dapat hindi na lang ako sumama!" Bubulong bulong ni Yara sa tabi tabi ko. Medyo natatakot din ako kasi nga kami kami lang at wala kaming kasama na mas nakakaalam sa lugar na 'to.
"Loisa.. Uy, pansinin mo naman ako.." hindi ko pa rin kasi siya kinakausap or pinapansin. Not that I'm mad or what, naapektuhan lang talaga ako sa sinabi ni Aina kanina. At isa pa, para makaiwas sa gulo or kung sa anuman ang sabihin ng iba, iiwas na lang ako. Ako na lang ang iiwas.
Napataas ng kilay sa amin si Trish at saka tumingin sa'kin na parang Explain-what-is-happening-I'm-cluless-here look. Dumiretso lang ako ng lakad at hindi iyon pinansin. Magsasawa din siya diyan sa kakasalita at titigilan din ako.
Maganda ang paligid ng Biak Na Bato. Kitang kita mo na napreserve nila ang nature na ganda ng mga rock formation pati na din ang mga caves. Malamig din ang tubig, they even tried na maligo pero I warned them na baka hinahanap na nila kami.
"May problema ba kayo?" tanong ng isa naming kaklase na lalaki. Panay pa rin kasi ang buntot sa'kin ni Yves at talagang hindi ata siya matatahimik hangga't hindi niya ako nakakausap. I sighed.
"Hoy, Andalio kausapin mo na nga 'yang si Flores nang matahimik na! Aba, kanina pa 'yan ah." sita samin ni Trish. Pati tuloy sila nagugulo na. Nakakainis naman kasi. At hello, ang sakit kaya marinig 'yun and that was the first time na napagsalitaan ako ng ganun.
"Ano bang kailangan mo?" hinarap ko na si Yves na ngayon ay nasa likod ko. I felt guilty lalo na't makita siyang parang kulang na lang ay magmakaawa siya para lang makausap ako. He's still my friend.
Nagpahuli kami sa paglalakad pabalik sa mga bus kung saan kami nagtanghalian kanina.
"Ano.. Sorry kanina. Alam ko ayaw mong napapagsalitaan ng ganun, Loisa. Kilala kita. And, pinagsabihan ko na din si Aina kanina.." malumanay na sabi nito.
"Oo, Yves alam mo 'yan. Wala naman kasi akong ginagawang masama diba? Pero bakit nila nasasabi 'yon? Ang sakit kaya.." I can feel anytime ay babagsak na lang ang luha ko. Nakakainis.
"Oo, alam ko. Sorry na. Hindi na mauulit. Pagsasabihan ko ulit sila. At isa pa.." huminto siya sa pagsasalita kasabay 'nun ang paghinto niya sa paglalakad kaya napahinto din ako.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Loisa. Gusto kita. I don't know when this feelings had started pero isa lang ang alam ko masaya ako sa t'wing kasama kita. I want to protect you coz I can feel you're like a fragile one," habang sinasabi niya ang lahat ng iyon ay nakatingin lang siya sa mga mata ko. Straight and sincere.
"Yves.. May boyfriend na ako. Alam mo 'yan. Si Joshua, alam mo diba?" gusto kong isigaw sa harap niya ang mga katagang iyon para magising siya sa katotohanan.
BINABASA MO ANG
Place Where I Belong(Book II of IBTY)
Fanfiction(This is the sequel of Loisa and Joshua's story after highschool.) Everything was going smooth and anything was under control. Iyan ang akala nina Joshua at Loisa ng malayo sila sa isa't isa. Nag aral si Loisa sa Manila while Joshua continued studyi...