Chapter Seven

717 21 1
                                    

Chapter Seven: Tampo

"Ha-ha? Ano ka ba Maris! Friend lang kami nitong si Yves 'no! Diba, diba? Sige, kumain ka na Yves. Kumain na nga kayo!!" sabi ko sa kanila dahil honestly nag hang ng ilang segundo ang utak ko at hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko. Where did Maris get the nerve to say that infront of us? Pasalamat siya at wala si Joshua dito. Well, hindi naman kasi magagawa ni Yves ang mga bagay na 'to kung nandito si Joshua kasi for sure gwardiyado ako dun. Haaaay. I miss the old times. 

"Oo nga! Magsikain na nga kayo! Ginagawan niyo pa ng issue si Loisa eh may boyfriend na 'yan." Awat ni Trish samin. I should thank Trish some other time dahil sa pagiging matured niya sa ilang bagay. 

"Pero seryoso, may gusto ka nga ba kay Loisa, ha Yves?" mausisang tanong ni Yara na halos pabulong na lang. Hello, nasa gitna kaya ako. 

Umiling si Yves na parang natatawa saka ngumiti. "Kumain na lang tayo," sabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Mga bandang alas otso na kami natapos at umuwi dahil naglibot pa sila ng SM. 

"Oh, pano. Bye na Loisa, Maris and Fifth. Bukas na lang. Sabay sabay na kaming tatlo umuwi," nakangiting paalam ni Trish. Nasa sakayan na kami at aalis na sila. 

"Sige, bye! Ingat kayo ha!" sabi ko at nagwave sa kanila. 

"Pre bye. Uy ingat kayo ha, Goodnight!" paalam ni Fifth. Si Maris naman pansin ko kanina pa mukhang yamot ang mukha. Problema kaya nito. 

Nang makaalis na sila ay agad ko siyang sinita. "Maris, problema mo?" nag angat siya ng tingin sakin at umiling. "Ah, wala. Tara uwi na tayo. Gabi na." 

Napatingin siya kay Fifth na nasa tabi niya. "Oh, saan ka? Di ka pa ba uuwi?" 

"Hindi. Ihahatid ko muna kayo ni Loisa. Diba, Loisa? Tara na!" akalain mo nga naman na may pagka gentleman din pala itong si Fifth. Wala na kaming nagawa dahil hinila na kami ni Fifth. Walking distance lang naman ang dorm namin dito so ayos lang. Habang naglalakad kami ang harot harot ng dalawa hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Naaala ko 'nung mga panahong ganyan kami ni Joahua 'nung High School. Ganyang ganyan kami 'nun. Teka, bakit ba ang hilig ko mag throw back memories. Nakakaloka. 

"Maris baby, kanina ko pa napapansin ang pagkayamot mo. Ano bang problema?" tanong ni Fifth na parang sinusuyo si Maris. Ang kulit ng dalwang 'to. Ang likot likot.

"Wala akong problema, bigla lang nayamot. At pwede ba, 'wag mo nga ako tatawaging Maris baby! Maris will do, okay? Kadiri ka," maarteng sabi naman ni Maris kay Fifth saka pinagtutulak tulak. Take note, nasa daan kami. At another take note, mahirap palang mag narrate kapag hindi mo scene. Lol. 

"Ouch, ouch! Maris, you're hurting me!" sigaw naman ni Fifth. Nakakairita din dahil ang ingay nila at may ilang bahay kaming nadadaanan baka natutulog na. 

"Huy, wag nga kayong maingay!! Ang dilim na sa daan oh! Baka may mumu! Kyaaaaah!" tili ko. Sa una, talagang madilim na sa part na nilalakaran namin. Second, kaya ko sinabing may mumu para manahimik sila which is mali ako. Nagtititili silang dalawa na parang timang at naghihilahan kung sino ang mauuna. Ako naman nasa likod nila. I never meant to scare them pero it seems na natatakot nga sila at maski ako na rin. 

"Guys takbo! Uwaaaaaah!! Mama, ayoko na!!" pero imbis na tumakbo kami ni Maris, humagalpak kami sa tawa dahil kay Fifth na panay ang sigaw. Epic ng mukha! Panay din ang kasag sa gitna ng kalsada. Nako, hindi po namin kasama 'yan at hindi rin po namin kakilala 'yan. Hahaha! 

Pinakalma muna namin siya at saka kami tumbay sa labas ng dorm. 11pm naman kasi ang curfew dito sa loob ng dorm, dapat pagtungtong ng eleven pm, nasa loob ka na kung hindi pagsasaraduhan ka kaya ayos lang. Nilbas ni Maris ang gitara niya at nagstrum ng kung ano ano. Samantalang ako naman, panay ang bully kay Fifth dahil ngayon ko lang siyang nakitang ganun. Well, of course ngayong college lang naman kami nagkakilala. Kahit na, kalalaki kasi niyang tao ganun siya makasigaw at takot sa multo. Ang cutiiiie. 

Place Where I Belong(Book II of IBTY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon