Chapter Eight: Biak Na Bato
If you thought everything's okay.. Then think again.
If you thought you already know..
Then you're not.If you thought everything was all about happiness.. I guess you're wrong.
Being far is really a big challenge. Both sides have to sacrifice, face the triumph and hindrances together.
And after all of this, the big question is.. Is it worth fighting for?
This is just the start.
"Loisaaa! Besty! Besssssss!!" naramdaman kong may yumuyugyog sa akin. At kahit na antok na antok pa ako ay pinilit kong idilat ang kanang mata ko at nakita ko ang ulo ni Maris. Napagitla pa ako, akala ko pugot na ulo 'yun pala nakatayo lang siya. Sa taas nga ako ng double deck nakahiga remember.
"Baket?" sabi ko sa kaniya at nagtalukbong ng unan sa mukha ko. Shetams naman oh. Istorbo. Pero nagulat lang ako dahil hinila niya ako paupo.
"Bruha ka talaga. Nakalimutan mo na bang may tour kayo ngayon araw? Nag alarm ka pa pero tulog mantika ka kaya ako tuloy ang nagising sa alarm mo!!" impit na ni Maris sa akin. Uggh. Nakalimutan ko nga palang nag alarm pa ako. Tss. Inaantok pa talaga ako e. I had no choice but to prepare. Maiiwan lang ako dito sa dorm ngayong week ends since hindi ako uuwi ng Batangas dahil tour nga namin ngayon at bukas naman dahil may meeting kami ng mga kagroup mate ko sa reporting. Nagmuni mun muna ako sandali at maya maya din ay agad na akong gumayak.
Matapos kong gumayak, hinanap ko 'yung cellphone ko at agad tinext so Joshua.
To Joshua:
Goodmorning Joshuaa. Tour na namin ngayon. Ingat samin. Haha. Ingat ka din ah, sige tulog pa. Loveyouuu po. :******While on the other hand, si Maris naman maagang aalis dahil may family gathering daw sila ngayon. Pinasabi ko na din na dumaan siya sa amin para ipakuha ko 'yung allowance ko for next week.
Mabilis lang naman ang byahe almost one and a half hour ang tinagal namin para makapunta sa Biak Na Bato. Yes, you're right. Dyan kami mag tu-tour ngayon at first nagulat nga ako at the same time na-excite nung in-annouce 'to nung thursday kasi first time kong makakapunta dito. Sabi kasi nila maganda daw dun. Here we come San Miguel, Bulacan.
Nang nasa NLEX na kami saka ko pa lang nakita ang text ni Joshua. Medyo na kilig vibes naman ako ng mabasa ko ang text niya.
From Joshua:
Gooodmorning, Loisa ko. Ano ba yan, text mo pa lang buo na ang araw ko. :) Ingat ka po. Love you more :)Nekekeleg nemen eke se text nye. Ehehe. Agad akong nagreply sa text niya.
To Joshua:
Kakagising mo lang? Otw na kami sa Biak na bato.Ewan ko ba kung ano ang ginagawa niya ngayon at medyo natagalan pa siya sa reply. Tuwing sabado kasi ay wala din silang pasok kaya pwede siyang magpuyat. Ilang sandali ay tumunog na ang cellphone ko.
From Joshua:
Oo e. Haha. Nga pala, nakalimutan kong sabihin sayo. Diba kami ni Jane 'yung gumanap dati sa play 'nung higschool tayo? May pag gaganapan ulit kaming play para sa Buwan ng Wika.Ewan ko pero right after kong mabasa ang text niya ay kinabahan ako bigla. I dunno why, pero may something sa akin ang natatakot. No, it can't be. That was before 'nung hindi pa sure si Joshua sa feelings niya. Oo na, natatakot ako kasi baka mangyari na naman kung ano ang nangyari before. Natatakot ako na baka maiwan na naman ako sa ere and sasabihin ko na naman sa kaniya na hihintayin ko siya at papapiliin. Ayoko. No.
BINABASA MO ANG
Place Where I Belong(Book II of IBTY)
Fanfiction(This is the sequel of Loisa and Joshua's story after highschool.) Everything was going smooth and anything was under control. Iyan ang akala nina Joshua at Loisa ng malayo sila sa isa't isa. Nag aral si Loisa sa Manila while Joshua continued studyi...