Chapter Eighteen

551 24 4
                                    

Chapter Eighteen: We're Not Belong

NAIBUGA ni Maris ang iniinom niyang juice dahil sa pagkabigla. Hinagod hagod ko ang likod niya para mahimasmasan pero hinawakan lang niya ito saka nagpatuloy magsalita. 

"Ano kamo? NAGHAHALIKAN?! Susmaryosep ka Loisa! Totoo ba yang sinasabi mo o baka naman namalikmata ka lang?!" sigaw niya dahilan para mapangiwi ako. Sigaw pa kaya? Buti na lang kaming dalawang lang dito sa bahay nila dahil ikinuwento ko sa kaniya ang nakita ko kahapon. Joshua and Jane. They were kissing. They were kissing. The heck! Nakakagago na talaga at hindi na ko natutuwa. HINDING HINDI! Tangina! Nakipag cool off ka lang at nawala ka lang ng isang linggo tapos MAAABUTAN MO ANG BOYFRIEND MONG MAY KAHALIKAN?! 

Tumango ako sa tanong niya. Wala na akong lakas para magsalita pa. Masyado akong nanghihina at nasasaktan. Pucha. Pucha talaga. 

"Tama na nga 'yan! Magang maga na yang mata mo oh. Maawa ka naman sa eyebags mo pati sa tissue," inirapan pa ako saka kinuha ang isang roll ng tissue paper sa kamay ko. Nakakainis naman si Maris. Umiyak na ako buong gabi at ngayon ko nga lang ulit inilalabas 'tong hinanakit ko dahil ayoko mahalata na naman ni mama. Ang bigat bigat kasi. 

"A-ano nang g-gagawin ko? A-ayoko pa siyang makaharap. Ayoko na siyang makita. A-ayoko na.." kasi masyado nang masakit. Baka isa pang panloloko niya, bumigay na ako sa sakit na 'to. Baka hindi ko na makayanan. 

Masayang masaya pa ako kahapon, bitbit ko ang cake na binili ko para peace offering kay Joshua kahit sabihin na nating wala akong kasalanan dito but still I've realized na hindi ko kayang mawala si Joshua at dapat kung may problema man kami, as in a relationship, dapat kaming dalawa ang magreresolba sa problema namin at hindi 'yung impulsive decisions ang pinapagana ko. 

I was literally astound and jaw dropped. Sino bang hindi eh makita mo ang boyfriend mong may kahalikan. Hindi ko na kaya 'to. Hindi ko kayang torturin amg sarili ko at lalong hindi ako masokista para panuorin lang sila doon. Halos takbuhin ko na ang sakayan ng jeep para lang makaalis sa street nila Joshua. Sigurado akong punong puno na ng luha ang nga mata ko. Lahat ng makita ko sa daan blurred. 

Bakit ba hindi ka na lang hayaang maging masaya? Madali lang naman mabuhay diba? Bakit pinapahirapan ka pa? Am I late? Late na ba ako? Isang linggo lang ako nagpahinga tapos iyon ang aabutan ko?! Wala ba silang pakundangan kaya kahit sa labas ng bahay nila Joshua pa sila naghalikan?! Bakit? May pagkukulang ba ako na kay Jane niya nahanap? Nag sawa na ba siya sa ugali kong moody? Sa pag iintindi sakin? Sa pagtext at pagtawag? Ano?! Nakakafrustrate! 

Pumara ako ng jeep. May ilang nakatingin sakin, yung iba naman walang pakialam. Bakit nga ba nila ako papansinin, wala naman akong halaga sa kanila. Tangina, ano ba 'tong pinag iisip ko. Nawawala na ako sa ulirat. 

Suminghap ako kaya napatingin ang matandang babae sakin. 

"Ayos ka lang ba, ine? Bakit ka umiiyak? May problema ka ba?" tanong niya. Buti pa siya napansin ako. Samantalang yung taong mahal ko.. 

Pinunasan ko ang luha ko. Loisa, umayos ka nga. Hindi ka naman ganyan, ah? Hindi ka naman mahina? 

"A-ayos lang po ako. Namatay po kasi 'yung tuta ng kapitbahay namin." pagdadahilan ko.

"Naku, ang mga aso talaga pag lagi mong kasama napapamahal ka na. Kaya pag nawala, masakit. Tahan na neng, mag alaga ka na lang ng bago. Akala ko nama'y brineak ka ng boypren mo." halos gusto kong matawa sa sinabi ni manang. Wala na po kami. Wala na talagang kami. Wala na

Umuwi akong namamaga ang mata. Hindi ko muna pinansin sila mama at diretsong pumasok sa kwarto ko. Hindi ako makahinga. Ang sikip sikip ng dibdib ko hanggang sa makatulugan kong may luha sa mga mata ko. 

Place Where I Belong(Book II of IBTY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon