Pasensya sa bad words. Hehe. Dedicated po sayo. Thank you.
Chapter Fourteen: Not Enough?
"Oh nakabusangot ka dyan?" sabi sakin ni Joshua at marahang pinisil ang ilong ko. Di na nahiya! Nandito pa naman sa harap namin si Jane.
Inirapan ko siya saka umupo. "Hindi mo sinabi na gagawa pala kayo ng report ade sana hindi na ako nag abalang pumunta dito," umaandar na naman ang pagka bitchesa ko. Nakakainis kasi so mag mumukang tanga lang ako dito, ganun?
"Uhm, sige ako na lang ang tatapos nito sa bahay tutal sinadya ko lang naman talaga itong libro." nakangiti pa din si Jane. Pwede bang alisin niya yang ngiti niyang yan? Hindi mo alam kung nangiinis o nampaplastic e. Badtrip.
Para namang natauhan si Joshua sa sinabi ni Jane.
"S-sige. Pasensya na ha. Salamat Jane." sabi ni Joshua at hinatid pa talaga sa gate. Nilantakan ko na lang ulit ang ice cream na binili ko saka prenteng nanuod ng TV.
"Kaya tumataba eh," sabi ni Joshua pagkabalik niya at humalalhak pa.
"Epal ka. Bakit di mo sinabi na gagawa pala kayo ng report." halata sa boses ko ang tampo. Syempre ikaw ba naman pumunta sa bahay ng boyfriend mo para isurprise pero may gagawin pala silang report. Nagmukha pa tuloy akong kontrabida ngayon dahil imbis na payagan ko sila, ako pa naging hadlang.
Napakamot siya sa ulo. "Nakalimutan ko kasi. Sorry na. Saka nagulat ako sayo pupunta ka pala di mo manlang sinabi." tumawa siya ng bahagya at tinabihan ako sa sofa.
Tinignan naman niya ako na parang tinubuan ako ng kung ano sa mukha.
"Ano?" tanong ko.
"Dumayo ka pa talaga dito samin para kumain ng ice cream?" sabi niya at kinuha yung hawak kong spoon at nagscoop siya ng ice cream saka sinubo.
"Di 'no! Sayo 'yan syempre." kumunot noo ako. Ano bang trip neto?
"Sakin. Kaya pala mauubos mo na." tumawa pa siya. Napatingin ako sa natira, oo nga't nangalahati ata ako sa kain. Eh ano naman ngayon, nakakainis kasi siya kanina kaya di ko namamalayan ang mga subo ko. Tss.
Natahimik naman kami sandali. Parang bigla akong naguilty dahil parang napaalis si Jane ng wala sa oras kahit siya naman talaga ang nag initiate.
"Uh, Joshua.."
"Oh?" lumingon siya sakin.
"Ayos lang ba.. I mean, ayos lang ba kay Jane na umuwi siya kase diba gagawa kayo ng report..?" nag aalangan kong tanong. Nagulat naman ako ng isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at humilig. Nakatutok pa din ang mga mata niya sa TV.
Hanggang ngayon pa rin talaga thankful ako na naging bestfriend ko si Joshua. Dati kasi hindi ako naniniwala sa mga bestfriend turns into lovers. Yung mga ganyang anik anik. Pero nang ehem.. Di maiwasang ma-fall kay Joshua.. (Who doesn't? Sa gwapo niyang 'yan!) eh parang kinain ko na din ang sinabi ko at wala akong regrets dun kasi masaya ako sa kaniya ngayon. Sana magtuloy tuloy na. Sana.
"Oo naman, tapos na rin naman ako sa part ko eh. Saka sabi ko sa kaniya ako na lang kako magdadala sa kanila para di na siya mahirapan pero sabi niya siya na daw." paliwanag niya.
"Hmm.. Pumupunta ka ba sa bahay nila?" Hindi ko maiwasang itanong. Nabanggit niya kasi siya na lang dapat ang pupunta sa bahay nila eh so meaning, nakapunta na siya. Malamang siguro.
"Ah oo! Dati 'nung elem pa kami. Madalas kaming maglaro sa bahay nila saka gumawa ng assignment." bahagya siyang nangiti. Siguro naalala niya yung childhood days nila. Okay, sila na. Pero ano kayang nilalaro nila noon? LOL
BINABASA MO ANG
Place Where I Belong(Book II of IBTY)
Fanfiction(This is the sequel of Loisa and Joshua's story after highschool.) Everything was going smooth and anything was under control. Iyan ang akala nina Joshua at Loisa ng malayo sila sa isa't isa. Nag aral si Loisa sa Manila while Joshua continued studyi...