Chapter Thirteen: May Problema Ba?
"Sabihin mo nga sa driver at pakibilisan. Malapit ng magsimula 'to. Ano ipahinto ko na ba muna?" narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya pagkasabing 'yon. Siraulo talaga 'tong Joshua na 'to. Ginawa ko na nga ang lahat para maabutan lang ang play nila. Nauna na nga akong umuwi kay Maris e. Ayos lang naman daw basta ilibre ko siya pag nagkita kami. Loka talaga e.
"Baliw! Haha. Itext na lang kita o tawagan pag malapit na ako."
"Eh pano kung nag sisimula na? Ade nonsense din kasi di ko mababasa. Loisa gamit tayo ng utak. Hahaha labyu," nag init ang punong tenga ko. Bwisit na Joshua na 'to! Titirisin ko siya mamaya pag nagkita kami. Ugh!
"Ang epal Joshua. Ibabato ko sayo 'tong phone ko eh. Sige na nga mabwisit mo pa ko lalo," tawa pa din siya ng tawa. Sige siya na masaya.
"Init naman ng ulo. Meron ka ba? Haha di na. Bye! Dalian mo, I love you!"sigaw niya saka biglang in-off ang tawag. May sapi ata ngayon 'yun. Saka aba matinde, hindi ata siya kinakabahan? Eh tatlong colleges ata ang manunuod sa kanila ngayon e.
Anyway, nagtatampo talaga ako dyan kay Joshua dahil hindi siya nagrereply sa mga texts ko at hindi nagko-call back hanggang pag uwi ko sa dorm! Nung bandang gabi na tumawag. Ang sabi niya, sadyang busy lang daw siya at panay ang sorry ganern. Since parang yelo na natunaw agad ang tampo at inis ko sa kaniya ayun sabi ko ayos na kami. Pero! Sabi ko i-date niya ako. At ang sabi niya,"Tinatanong pa ba yan yobab? Abe syempre naman. You don't have to ask for it. I'll give it to you willingly," ayun nakatanggap siya ng sandamakmak na sermon. Parang may ibang meaning ang loko eh.
Sinabi ko din na nagtatampo ako sa kaniya pero sabi niya hindi na daw mauulit. Siguraduhin niya lang, aba.
Medyo matagal ang byahe dahil friday ng hapon. Medyo traffic pa nga. Buti hindi ako nabugnot sa byahe dahil katext ko si Yves, Maris at si Joshua. Tinatamad nga akong magtext pero panay ang reply nila. Si Yves nangangamusta, si Maris ang daming alam kesyo dapat daw nagsabay na kami. At si Joshua naman pawala wala. Baka kako nagpreprepare sila para sa play.
And speaking of Maris, hindi pa daw sila nagkakausap ni Fifth dahil aside sa hindi niya mahagilap si Fifth ay wala din daw siyang lakas ng loob. Gaga talaga yon. Pag ako nainis, pagbabalatin ko na lang siyang patatas.
Ilang saglit pa, nakarating na ko sa University nila Joshua. Nakarating na din ako dito nung sinama niya akong magpaenroll nung mga bandang May.
Tinatawagan ko siya pero nagriring lang. Hindi na din siya nagrereply kaya iniisip ko baka nagsisimula na 6:21 na sa wrist watch ko. Sisihin niya ang traffic.
Pumunta na ako sa Activity Center kung saan daw gaganapin yung celebration ng Buwan ng Wika. May ganitong event din samin pero hindi ako interesado kaya hindi ako nag abalang manuod o makigulo.
Pumasok na ko sa isang may kalakihang Function Hall at nakita kong dim ang lights at may nagpeplay na sa harapan. Umupo lang ako sa may bandang dulo at tahimik na nanuod. Parang nagbalik lang din ako nung high school kami kung saan si Jane at Joshua yung nasa stage at umaacting. It feels like nostalgic.
Tumagal ng 30 minutes yung play and I must say they did well. Sa mga ginamit pa lang na props, mga light and sound effects e talagang nakakaamaze na. Dagdagan mo pa ng mga magagaling na actors. Medyo natatawa nga ako kay Joshua kanina eh, nung sasabihin na niya yung line niya parang nakalimutan pa. Nadelay kasi saka parang na out of focus. I was wondering if he was bothered if I'd come or not.
Pagkatapos ng play nila, may dalawa pang kasunod. Apat pala silang maglalaban laban but I'm already proud sa kanila manalo man o matalo cause they really did their best at nakita ko iyon.
BINABASA MO ANG
Place Where I Belong(Book II of IBTY)
Fanfic(This is the sequel of Loisa and Joshua's story after highschool.) Everything was going smooth and anything was under control. Iyan ang akala nina Joshua at Loisa ng malayo sila sa isa't isa. Nag aral si Loisa sa Manila while Joshua continued studyi...