Chapter Ten: Jayme Jalandoni
Napatingin ako sa wrist watch ko. Tamng tama lang pala ng dating ko sa meeting place namin dito sa mini park. Nakita ko kasi na nandito na silang lahat akala ko kasi late na ako, buti sakto lang.
"Guys tara na. Nandito na pala si Loisa," ani Niccolo nang matanaw akong naglalakad sa kanila. Nagsitayuan naman sila. Hala, mukang ako na nga lang ata ang hinihintay.
"H'wag kang mag alala sakto lang dating mo. Haha," sabi ni Niccolo at kumindat pa sa'kin. Tumabi sa'kin sa paglalakad si Trish. Sayang nga dahil hindi namin kagrupo sina Yves at Yara.
"Okay ka na ba? I mean, about kahapon?" tanong sa'kin ni Trish. Hindi kasi nila ako makausap ng matino kahapon dahil sa nangyare. Sino ba naman kasi gustong mapag sabihan ng ganon? Ah, nevermind na nga lang!
Tumango ako sa kaniya at nagsalita. "Oo, okay na ko saka wala na 'yon ano." sabi ko na lang dahil ayoko ng pahabain ang usapan. Mukhang naramdaman naman niya 'yun dahil hindi na siya nagsalita pa.
Wala pang five minutes nakarating na kami sa bahay nila Niccolo. Sa kanila kasi kami gagawa ng report namin. Powerpoint lang naman tapos mga hand outs tapos ayos na kaya maaga kaming makakauwi.
Joshua:
Anong gawa mo? Hindi ka ba uuwi ngayon?Pagbukas ko ng cellphone ko ay iyan agad ang bungad sa'kin. At ewan ko ba kung anong topak niya kung bakit tinadtad ako. Mga 40 texts!! Nahiya pa hindi pa sinagad. Ts.
Ako: Ano bang problema mo at nananadtad ka?!
At agad naman siyang nagreply. Siguro bored 'to at walang ginagawa.
Joshua: Hehe. Ayaw mo kasi agad magreply. Bakit ba laging naka silent phone mo?
Ako: Eh bakit ba. Saka wag ka nga munang magtext. Gumagawa kaming report ngayon.
Kahit ang totoo niyan ay nakaupo lang ako sa sofa at kumakain ng miryenda. Lima kasi kami sa grupo. Si Niccolo ang leader at siya na ang gumagawa ng slideshow tapos sina Trish at si Ina sa hands out. Kaming dalawa lang ni John ang walang ginagawa.
Joshua: Eh bakit nagrereply ka pa din gumgawa ka pala ng report? :P
Ako: Dami mong alam!!
Joshua: Marami nga. :)
Ako: Yabang mo talaga!!
Nakakainis 'tong si Joshua ngayon ano bang nakain nito?! Pero nawala ang inis ko at napangiti na lang sa sumunod niyang text.
Joshua: Ipagyayabang ko talaga kasi ang puro alam ko lang ay Maganda si Loisa.. Mataba si Loisa.. Panget si Loisa.. Mahal ko si Loisa.. :)
"Hala!! Bakit ka nangingiti dyan ha, Loisa?! Yiiiiiie!!" napalingon ako sa tili ni Trish. Nabasag ata ang eardrums ko dun.
"Baka naman katext ang boyfriend?" naiiling na nakangiting sabi ni Niccolo. Lalo tuloy akong nahiya dahil nahuli nila akong nakangiti. Shit. Bwisit kasi si Joshua. Sisihin daw ba.
Ako: Heh! :p
Joshua: Nag effort pa akong magtype tapos yan lang ang makukuha kong reply :(
Aba't nagtampo pa!!
Ako: I love you. :)
Natatawa ako!! Alam kong dyan lang siya tatahimik eh.
Joshua: Haha! Iloveyoumore Loisa. :)) Alam mo ba kung bakit walang space ang iloveyoumore ko sayo?
Ako: Luh? Kase trip mo lang? Pati ba naman yun may meaning?
BINABASA MO ANG
Place Where I Belong(Book II of IBTY)
Fanfiction(This is the sequel of Loisa and Joshua's story after highschool.) Everything was going smooth and anything was under control. Iyan ang akala nina Joshua at Loisa ng malayo sila sa isa't isa. Nag aral si Loisa sa Manila while Joshua continued studyi...