Chapter Three: Hashtag MedyoPahiyaAko
"Loisa, nag aaral ka naman ba nang mabuti dun? Mahal nang ibinabayad namin dun at baka nagbubulakbol ka lang," pangaral sa akin ni mama. Kumpleto kaming kumakain ng dinner ngayon. Nandito sina mama at papa pati ang mga kapatid ko.
"Mama. Sabi niyo dun ako mag aral eh. Saka excuse me, I know I'm pretty but I'm not wasting your money," sagot ko nang parang gaga. Tumingin sa akin si Papa tas nag peace sign ako. Baka sabihin niya puro kaharutan lang ang natututunan ko sa University na pinapasukan ko.
"Ate, don't you dare english me coz your english carabao is eewy," sagot ng kapatid ko. Hagalpak ako sa tawa pati yung dalawa ko pang kapatid. Ano ba yan ako pasimuno.
Matapos naming kumain pumunta na akong kwarto ko. Loads of works are waiting. Geez. Binuksan ko na yung laptop ko at nagsimula na akong gumawa ng reaction paper. Binuksan ko muna ang Facebook, Twitter na lagi ko nang nakakasanayan simula nang mag aral ako sa Maynila dahil pampalipas oras ko din ito para hindi mabagot.
Pagkabukas ko ng Facebook, agad tumambad sa akin ang picture ng isang babae at lalaki na nakatalikod at nakaharap sa sunset. Take note, magkaholding hands pa! At ang ikinapuputok ng butsi ko ang yung walanghiyang lalaki sa picture ay si Joshua. Grrr!!
Jane Oineza posted a photo.
8 minutes ago.
6 likes, 2 comments.
Sa inis ko ay nagcomment ako.
Loisa Andalio
Wow, ang sweet naman :)
Nasabi ko na bang magkaklase sina Joshua at Jane ngayon? Hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana o si Jane ang may gawa. I mean, Jane and I were cool. No fuss. Ang sakin lang, kasi diba we all know that Jane loves Joshua before and now may possibility na that feeling can grow again lalo na't magkaklase sila ngayon. You guys get my point?
Am I being paranoid? Geez. Ano ba nangyayari sa akin. Sa kawindangan ko at sa pag aakalang Joshua is cheating on me(Geez, I can't believe it) I immediately call him.
"Loisa.. Hm.. Bakit?" uh fugde! Naistorbo ko pa ata siya but no! I need ang explanation sa nga kabalbalang ginagawa niya.
"Bakit, Loisa? 1 na ah. Bakit di ka pa natutulog?" halatang halata sa boses niya na naalimpungatan siya. Hingang malalim. "Rule #1: Walang magsisinungaling. Hoy Joshua!! Ano yung nakita ko sa facebook na pinost ni Jane?! Kayong dalawa yon! Magkaholding hands! Tiniming niyo pang sunset ang background para sweet! Eh kung sweet sweetin ko yang mukha mo ha?!" sigaw ko sa kabilang linya. I don't care kung mabasag ang ear drums niya atleast nailabas ko ang lahat ng hinanakit ko. Hindi ko alam kung bakit naiiyak na ako sa ganitong bagay. Alam ko na may dahilan ito at nagiging mababaw ako sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung dala ito ng pagod at stress o kung ano.
"Easy nga! Kung hindi lang kita mahal baka kanina pa kita pinatayan ng phone. Ginising mo ako para lang dyan?" tanong niya na parang buhay na buhay ang diwa ngayon.
"Oo!!"
"Unang una, bakit gising pa?" tanong niya.
"Gumagawa ako ng reaction pape-- wag mo nga akong tanungin! Ikaw ang tinatanong ko, sumagot ka!" narinig ko siyang humalakhak sa kabilang linya. At talagang mukhang nag eenjoy pa siya gayong halos mangiyaj na ako sa nakita ko.
"Para ka namang asawa na nahulihang nangangaliwa ang asawa," tawa pa niya. At teka, asawa daw. Ay leche.
"Oo parang ganun na nga! At pwede ba sumagot ka na!" humalakhak pa siya.
BINABASA MO ANG
Place Where I Belong(Book II of IBTY)
Fanfiction(This is the sequel of Loisa and Joshua's story after highschool.) Everything was going smooth and anything was under control. Iyan ang akala nina Joshua at Loisa ng malayo sila sa isa't isa. Nag aral si Loisa sa Manila while Joshua continued studyi...